"I love the way you smile and how your smile make me blush."
"Ziel? Bakit ka naandito? Tanong ng kaibigan kong si Paulo.
"May tinignan lang, " tugon ko.
"Chix nanaman ba? Nako p're tama na 'yang kakahanap mo ng babae." pagbibiro niyang saad.
"Baliw, sabi kasi nila dito daw tournament ng mga players." Pagdepensa ko sa'king sarili.
"Asussss. Palusot ka pa." Hindi siya naniniwala sa rason ko kaya't hinayaan ko nalamang siya. Hindi ko na siya ulit pinansin pa at tinignan na ang babaeng taga ibang eskwelahan.
Hindi ko alam pero sobra akong nabibighani sa kaniya. Sobrang ganda at ang amo ng mukha.
𝘒𝘪𝘴𝘭𝘢𝘱! 𝘒𝘪𝘴𝘭𝘢𝘱!
𝘔𝘢𝘵𝘢 𝘮𝘰'𝘺 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘶𝘰𝘯,
𝘕𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘮𝘰'𝘺 𝘩𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢𝘴𝘥𝘢𝘯.'Mahal ko na yata'. Bulong ko sa'king sarili.
Tinitignan ko na lamang siya na parang sorbetes na pwede ng matunaw.
______
The day had passed. I really admire that person and I want to make her mine, but how? It's too impossible, she's unique and beautiful it's kinda hard to be with a woman like her.
Sa buong buhay ko siya lang ang katangi-tanging babaeng ginusto ko ng ganito. Baliw na yata ako? Hindi nagmamahal lang naman ako.
_____
Naisipan ng barkada namin na pumunta sa isang eskwelahan, eskwelahan ng nililigawan ni Paulo.
Maganda dito. I feel so safe and relax. Ang ganda ng ambiance. Sobrang kakaiba.
"P're?" Pagtawag ng tropa ko, naandiyan na daw nilalagawan ng Paulo.
"P're si Zeyla nga pala nililigawan ko." Rinig kong sabi ni Paulo habang nakayuko ako. "Tapos itong kasama ni Zeyla ay si Miles, bestfriend niya." Pagdugtong pa nito.
"Ziel si-" hindi niya natapos dahil nabaling ang atens'yon ko sa likod ko. Pero ito'y nawala rin lamang kaya humarap na ako ng biglang nakita ko 'yong babaeng pinapantas'ya ko.
"Ziel si Miles kaibigan ni Zeyla." Tila ba'y nagkaroon ng yelo sa mismong kinatatayuan ko at para akong nawawala sa sarili. It looks like it was just the two of us and the time stops for awhile.
"Hoy!" Hiyaw ni Paulo. "Nangyari sa'yo?" Pagtanong niya sa biglang pagkawala ko sa sarili.
"Ha?" Ito na lamang ang aking naisagot.
𝘋𝘶𝘨𝘥𝘶𝘨... 𝘋𝘶𝘨𝘥𝘶𝘨...
𝘗𝘪𝘯𝘵𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰
𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘨𝘶𝘭𝘰
𝘈𝘬𝘰 𝘣𝘢'𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘪𝘱
𝘖 𝘪𝘵𝘰'𝘺 𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢."Ah p're. Oo si Miles at si Zeyla." Bigla silang nagtawanan sa maling nasabi ko.
"Mali p're, ito si Zeyla at ito si Miles. Haynako p're na-star struck ka nanaman sa ganda ni Miles." Bigla kong nabatukan sa Ricky dahil sa nasabi niya.
"Aray ko p're ah.". Pagmamaktol niya.
Hindi na ako nakaimik pa. Para akong napukpok ng isang libong lata sa ulo sa sobrang tahimik, daig ko pa ang shy person sa hindi ko pagsasalita.
_______
Weeks had been passed, we became close after that meet up we have. Mas lalo ko siyang nakilala at nagustuhan. Through her actions. Sobrang ganda niya talaga ngumiti lalo na kapag malapitan pero isang balita ang nabalitaan ko.
She already have a boyfriend pero LDR sila. Bigla akong nakaramdam ng kirot, minsan nalang mkaramdam ng pagmamahal na ganito. Ang hirap pala kapag mahal mo 'yong isang tao at tumatawa o ngumingiti siya sa harap mo na hindi ikaw ang rason kun' di iba.
Ilang linggo ko na silang iniiwasa. Even her calls and text messages hindi ko sinasagot o nirereplayan. Nagpalit ako ng mobile number ko para lalo niya akong hindi macontact.
𝘐𝘬𝘢'𝘺 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯?
𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘴𝘰𝘣𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢'𝘬𝘪𝘯.
𝘐𝘺𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘢𝘬𝘰'𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢 𝘴𝘢'𝘺𝘰,
𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘵𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘬𝘰."P're? Sama ka? Inom tayo." Pagaaya ni Paulo. Ayaw ko sana pero sige sasama na ako baka kahit papaano eh na makalimot ako ng kaunti.
___
Naandito na kami, ang ganda ng place masarap uminom dito pero mag-iisang oras na kami hindi pa rin sila umoorder ng inumin.
Nang sinabi ni Paulo na hinihintay nila sila Zeyla kaya napaisip ako na baka kasama niya si Miles.
"P're? Uwi na pala ako, may klase pa 'ko bukas eh." Nagtataka siyang tumingin sa'kin.
"Mamaya na p're, naandiyan na sila eh." No'ng narinig ko iyon ay hindi na ako umimik pa.
Pagdating nila'y umupo na silang dalawa biglang tumabi sa'kin si Miles kaya't umiwas ako ng kaunti.
Napansin ko ang pagsulyap niya sa'kin, nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo kaya naisip kong magpaalam na. Alam kong naiintindihan ako ni Paulo kaya sumang-ayon na lamang siya.
Umalis na ako. Nang malapit na ako sa pinto isang kamay ang dumapo sa braso ko, alam kong siya ito. Siya lang naman ang nagpaparamdam sa'kin ng ganitong epekto.
"Pwedeng magusap tayo?" Aalisin ko na sana ang kamay niya pero hahayaan ko na lamang.
"Kamusta ka na?" tanong niya. "Ayos lang." sagot ko. "Mabuti kung gano'n." sumbat niya. Napansin niya hindi ako nagrespond kaya nagsalita ulit siya, "Nga pala, napansin kong iniiwasan mo 'ko, may problema ba?" nanahimik lamang ako.
"Sagotin mo naman ako." Medyo naiinis niyang saad.
Kaya tumikhim ako't huminga ng malalim bago nagsalita.
"Okay. Umiwas ako dahil nasasaktan ako. Umiwas ako dahil ayaw kong may naabala ako. Umiwas ako dahil gusto kita. Nasasaktan ako sa point na gustong gusto kita and the only way to ease that is to avoid you. Iwasan ka para madaling lumimot." Sambit ko. "Okay na?" sambit ko sabay alis.
𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘭 𝘱𝘢.
𝘔𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘭𝘶𝘮𝘪𝘯 𝘱𝘢.
𝘔𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮.
𝘈𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘪𝘵𝘪𝘨𝘪𝘭 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯.
YOU ARE READING
𝙊𝙉𝙀 𝙎𝙃𝙊𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎
FanfictionCare to read my one shot stories master piece. Ps. I don't know if I can update daily. Note: This story is originally wrote by me and this one shot stories is in my RPA.