𝐀 𝐥𝐢𝐟𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐲𝐨𝐮

1 0 0
                                    


"Bea, lumaban ka, hon naman oh!" Pagmamakaawa ni Jake.

"Jake, hindi na kaya ni Bea hayaan na natin siyang mamahinga," sabi ni kuya Jude.

"Hindi! mabubuhay siya, ikakasal pa kami kuya." Umiiyak na sumbat ni Jake

"Pero, Jake pagod na siya, hirap na hirap na siyang labanan ang sakit niya," sambit ng kuya ni Bea.

Jake's POV

"Hon, anong oras na oh, 'di ka pa ba tapos jan?" tawag ko kay Bea.

"Hon, saglit nalang 'to promise." Paglalambing na sabi ni Bea sa'kin

Nagsasama na kami ng ilang taon, since highschool ay may relas'yon na kami and now we're almost a decade being in a relationship.

__________________________

Habang tumatagal ang relas'yon namin walang pagbabago, ganon pa din siya at ganon din ako.
Kung ano s'yang minahal ko noon ganon pa din ngayon.

_____________________________

Dumaan ang mga buwan, at pansin ko ang pagkatamlay ni Bea  hindi na siya katulad noon na masigla, masayahin at ngayon madali na siyang mahilo at parang laging hinihingal.

_____________________________

Isang araw ay kinausap ko siya-

"Hon, ayos ka lang ba?" Tanong ko sakan'ya.

"Ano ka ba hon, malakas ito okay. No worries okay lang ako malakas at malusog." Masaya niyang sagot.

At hindi na ako umangal, sinang-ayonan ko na lamang ang sinabi niya.

Pero isang araw nagulat nalang ako sa sinabi ni tita-

"Jake, si Bea tinakbo sa ospital." naiiyak na sabi ni tita saakin

"Ano, tita ba't ando'n si Bea?" Tanong ko ng medyo naguguluhan pa rin.

"Jake, may sakit si Bea, may brain tumor siya." sabi ni tita

At bigla akong nanlumo, sising-sisi ako dahil, dapat no'ng una palang inisip ko na 'to masyado akong nagpakampante sa sinabi n'yang okay lang s'ya.

_____________________________

Ilang buwan ng nasa 'ospital si Bea, at hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagigising.

Pero hindi ako sumusuko, dahil naniniwala akong lalaban siya ganon siya katatag at kalakas.

At isang araw-

"Bea, lumaban ka, hon naman oh!" sabi ko habang umiiyak.

"Jake, hindi na kaya ni Bea, hayaan na nating siyang mamahinga," sabi ni kuya Jude.

"Hindi! mabubuhay siya kuya, ikakasal pa kami." Umiiyak na sumbat ko.

"Pero, Jake pagod na siya, hirap na hirap na s'yang labanan ang sakit niya." tugon ni kuya jude.

______________________________

Makalipas ang ilang taon.

"Mabuhay! ang bagong kasal." Sigaw ng mga tao.

Oo kasal na kami ni Bea, nabuhay siya mula sa sakit n'ya. Lahat ng paghihirap niya nawala na. Hindi ko inakalang mabibigyan pa s'ya ng pangalawang buhay.

At sa pangalawang buhay niya, hindi ko sasayangin 'yon. Ipaparamdam ko kung gaano ko siya kamahal.

Sa bawat oras na kasama ko s'ya at sa mga nangayayari lahat nilulubos ko , dahil 'di ko alam ang mangyayari sa susunod o sa makalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝙊𝙉𝙀 𝙎𝙃𝙊𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙄𝙀𝙎Where stories live. Discover now