Chazter PoV
Makalipas ang ilang araw matapos namin imbestigahan ang unang kaso na may kinalaman sa Serpent Devil ay nagkatotoo nga ang hinala ni Detective Hunter na may foul-play na nangyari.
Walang kinalaman ang Serpent Devil sa pagkamatay ng biktima. Siya ay biktima ng bullying at aksidente siyang napatay ng bully... The worst is ginamitan niya ng equipment ang biktima upang durugin ang katawan nito upang maipalabas lang na kagagawanan iyon ng Serpent Devil. Buti na lang din at may lumabas na testigo at naging clear ang kaso.
Yung Serpent Devil na maling naakusahan ay inilagay sa rehabilitation facility for Serpent Devil. Since, wala pa naman siyang ginagawang masama ngunit nakitaan naman siya ng symptoms na maaaring isa nga siyang Serpent Devil ay hindi siya paparusahan.
Bago ko malimutan. Actually, may mga Serpent Devil din na hindi pa nakakagawa ng masama... Since hindi pa ganun kalakas ang urges nila para manakit ng tao ay tinatawag sila as Chimera. Ang mga Chimera sila yung mga Serpent Devil na nilalabanan ang intrusive thoughts nila... Yung tipong gusto nilang pumatay pero pinipigilan nila dahil alam nilang masama.
There are some Chimera na kapag naranasan na nila ang symptoms or alam talaga nilang may mali na sa kanilang ikinikilos ay nagpapatingin sila sa doctors like psychologist. And when the result proven na may tendency na maging Serpent Devil sila ay in the end ilalagay sila sa Rehabilitation. Either doon na sila forever since wala namang cure for Serpent Devil, o di kaya lalagyan sila ng Electric choker at imomonitor sila ng ABIJLE... Magkakaroon sila ng limit sa lugar na kanilang pupuntahan.
Sabi ni Detective Hunter. Simula ng dumami ang kaso tungkol sa Serpent Devil ay mukhang hinigpitan pa ang pagmomonitor sa mga Chimera... As in sobrang limit na ng freedom nila.
Pero iniisip ko, hindi kaya mas lalong magiging worst ang situation nila lalo na't hinigpitan ang freedom nila? Parang abuse na din ito... Mas lalong makakaapekto sa mental health nila.
Hayst. Ano ba naman ito! Ayaw ko ng magdagdag ng poproblemahin... Ito na yata ang resulta sa pagte-take ko ng lesson sa Psychology... Tumataas ang empathy ko.
"Oh! Chazter... Kakauwi mo lang?" Napahinto ako sa pagbibisekleta nang may kumausap sa akin bigla. Hindi ko napansin na may nakatayo sa gilid ko.
"Kuya Greg... Ikaw pala. Katatapos lang ng duty ko sa Astral City maraming gawain eh."
He is Gregorio Samael o mas kilala dito sa lugar namin bilang Kuya Greg. Hindi ko siya kapatid... Kapit bahay ko na siya since birth. Simula ng mamatay ang parents ko... Family niya ang tumulong sa akin kaya naging close na din kami ni Kuya Greg. Siya na din tumayo bilang kuya ko kasi yung kapatid ko... Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon pero sa tingin ko pinursue niya yung dream niyang maging musikero.
"Balita ko nga eh. Ang dami niyong hinahawakang kaso ngayon parang gumugulo yata ang Astral City ngayon maski sa iba pang lugar..."
Mukhang kumalat na yata sa lahat na medyo nagkakagulo ngayon at dumadami ang mga kaso. Pero kahit papaano eh hindi naman nagpapanik ang mga tao at tila'y payapa pa din dito sa Eucliwood street... Dahil na din siguro sa kasanayan na may Serpent Devil at normal na ito sa pangaraw-araw na buhay namin.
"Kaya nga eh. Pero huwag kayo mangamba... Inaasikaso naman po namin ang problemang ito."
"Tama yan. Pero huwag mo namang hahayaan ang sarili mo... Lagi kang magingat."
"Ako pa ba, kuya?... Malakas kaya guardian angel ko sa likod..."
Pareho kaming natawa sa sinabi ko pero mabilis itong napawi nang mapansin kong bihis na bihis siya.
BINABASA MO ANG
The Innocent Serpent Devil
Mystery / ThrillerAyon sa paniniwala ng iba... Ang mga Serpent Devils daw ay ang mga taong may itinatagong kasamaan. Sila ay gumagawa ng masama sa kanilang kapwa... Tinatawag din silang mga psychopaths. Marami ang natatakot sa kanila sapagkat napakadelikado nilang mg...