Chapter 2: Her Side

1 1 0
                                    

Nikoshii PoV:

~[Earlier...]~

"Nikoshii... Aalis muna ako ikaw muna bahala dito sa bahay ah. Sarado mo yung pinto at huwag kang magpapapasok ng hindi mo kilala..."

Sigaw ni Kuya Greg mula sa labas ng aking kwarto. Hindi ako tumugon dahil nahihiya ako.

Ilang araw na akong nagiistay dito sa bahay ng tatay ko. Mga two weeks na yata pero hindi ko parin kayang makihalo-bilo sa step-brother ko dahil una sa lahat... Mahiyain talaga ako.

Kulong-kwarto lang ako... Tanging phone at pagbabasa ang libangan ko. Sabihin na natin na medyo may social anxiety ako pero may time naman na kaya kong makipag-usap sa tao.

Opo! Introvert ako.

At saka hindi ko din naman ito inaasahan akala ko kasi makakasama ko yung tatay ko pero in the end iniwan niya lang din ako sa bahay niya kasama ang step-brother ko.

Alam kong may ibang pamilya ang tatay ko. Matagal ko ng alam bata pa lang ako pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ienjoy ang mga bagay na meron ako at mga bagay na gusto ko.

Dati akong nakatira sa Voranza, Guahama anim na oras ang layo dito sa Eucliwood. Namatay na yung nanay ko bata pa lang ako... Siguro mga nasa 6 or 7 years old ako nung namatay siya.

Pinatay daw siya ayon sa Tita ko na nagalaga sa akin. Kapatid siya ng nanay ko. Sabi ni Tita na pinatay siya ng isang Serpent Devil.

Wala ako masyadong memories pagdating sa sarili kong ina. Lagi kasi siyang wala... Bihira umuwi sa bahay kaya hindi ako masyadong affected sa pagkamatay niya. Though, may part naman sa akin na masakit mawalan ng Ina pero mas masakit mawalan ng taong nagbigay importante sayo... Yung taong nandyaan lagi sa tabi mo at nagbigay kahulugan sa buhay mo.

Hindi ko yon naranasan sa sarili kong ina pero naranasan ko naman yun kanila Tita ko, lola ko at sa mga pinsan kong pinaramdam na sila ang pamilya ko. Hindi nila pinaramdam na nagiisa ako.

At dumating ang araw na aksidenteng na-meet ni Tita si Tatay ko sa isang work. Matagal na daw pala akong hinahanap ng tatay ko at kung saan-saan na daw siya napapadpad... Halos malibot na niya ang buong bansa mahanap niya lang ako. Then ayun na nga, umuwi si Tita sa bahay kasama ang tatay ko. That first meeting happened three years ago.

Minsan ko lang namimeet si tatay ko since meron siyang pamilya at hindi pa nila alam ang tungkol sa akin. Syempre, ayaw ko din naman makasira ng pamilya kaya naging lowkey lang din ako. Kaso dumating yung point na ayaw na akong ilihim ng tatay ko.

Sinabi niya ang existence ko sa asawa niya at sa mga half-siblings ko. Expected na nagaway talaga silang magasawa pero in the end tinanggap din daw ng asawa ni tatay ang tungkol sa akin.

Malamang, siguro wala ng magagawa... Nabuo ako e.

Actually, wala naman akong balak na magstay sa puder ng tatay ko kung hindi lang nagkaroon ng problema sa pamilya ni Tita. Ang isa niya kasing anak ay isang Chimera. Lifetime na daw siya titira sa rehab kaya naman medyo humigpit financially sila tita para suportahan ang pangangailangan ng anak niya.

The Innocent Serpent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon