Part 10: Patingin-tingin

10 1 0
                                    

Patingin-tingin

Sa loob ng isang silid
May mga makatang malalim ang iniisip
Maliban sa'king gusto nang mawaglit
Sa mga pinaguusapan ay di naaakit

Ilang minuto ang nakalipas
Para akong nagbibilang ng kumpas
May isang estranghero na nakikipag-usap
Mga mata ng aking katabi ay kumikislap

Halatang naeengganyo sa pagpapakilala
Ako lang yata ang walang paki sa kanila
Di rin naman ako napaghalataan
Maliban sa makukulit na matang di ako tinantanan

Yung mga mata noong estrangherong yun!
Hinuhuli ang mga mata kong di umaayon
Naku, anong tingin ang ginawad sa'kin?
Para akong napapaso at tila kanyang inaangkin!

_________________________________________

POET'S NOTE: May naalala lang akong pangyayari kung san may lalaking patingin-tingin sa babae yieeee bakit kaya?(⁠◕⁠દ⁠◕⁠) (Malisyosa ko talaga!)

Her Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon