Part 9: Paumanhin at Paalam

11 2 0
                                    

Paumanhin at Paalam

Mapapatawad mo ba ako?
Sapagka't ako'y nangangaliwa?
Paumanhin...
Nawa'y iyong maintindihan
Hindi sa pagtataksil
Pero kung ikaw man ay magalit
Aking iintindihin ang mga salita
Punyal mang isasaksak sa'king damdamin
Buong-buo ko itong dadamhin
Alam kong may parte sa'yong umasa
Umaasang ako'y babalik pa
Gusto ko naman sana
Kasi alam kong tayo'y itinadhana
Pero siguro, siguro pinagtagpo lang tayo
Mga taong nasa asimtotika
Parang binalot ng mahika 
O sadyang ang tadhana'y malupit
Sa'kin yata ay may galit
Paumanhin...
Ako ma'y iyong kalimutan
Sige lang dahil mananatili naman
Mananatili ang masasaya't malulungkot na ala-ala
Ng ating nakaraan na parang pamana
Pamana natin o pamana ko pala
Dahil ako'y iyong kalilimutan na
Masakit pero may magagawa pa ba?
Ako lang rin naman ang tumiwalag
Ikaw nama'y hindi pumalag
Sa mga makikilala akin nalang itong ipapabasa
Mga ala-ala nating nakasulat sa mga tulang aking nilikha
Nawa'y sila ay mamangha
Dahil ang kwento natin ay matalinhaga
Puno ng mga katangi-tanging sandali
Mga panahong di tayo nagmamadali
Pero ngayo'y buong-buo na, lilisanin na
Paalam o aking una't huling sinisinta...

_________________________________________

Poet's note: Ito po ay isang tula na para sa isang grupo. Kumbaga ang "mo" ay nirerepresenta ang isang grupo na napamahal ang isang dilag...kung sino ang dilag na ito ay sya pa ring lihim sapagka't ito ang kanyang gusto, ang maging misteryoso... nawa'y mag-enjoy kayo sa pagbabasa!(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
#PagpapahalagaSaWika

Her Love PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon