Part Three

521 42 8
                                    

"T-teka? S-sakin na talaga to? S-sure ka?"

Grabe! Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking to, binibigay sakin ang DSLR na binili niya?

"Oo sabi. Ang kulit lang? Babawiin ko yan!"

"H-hindi! Joke lang. Eto naman. Hindi mabiro" then tumayo ako at lumapit sa kanya at niyakap "Kyaaaaaaahhhhhh!!!! Thankyou! Thankyou! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya! Best birthday gift ever! Thankyou talaga! Kyaaaaaahhhh!"

"Wait! Tama na. Nasasakal ako" then bumitaw na ako at bumalik na sa pwesto ko.

"Teka nga, bakit ganun na lang kadali sayo na ibigay sakin tong DSLR na to? Hindi mo ba kailangan to?"

"Sayo naman talaga yan e" namilog ang mata ko sa sinabe niya.

"A-akin?" tapos tinuro ko yung sarili ko.

"Oo. Sayo nga" then ngumiti siya sakin.

"Pero bakit?"

Umayos siya ng upo tapos bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko, may parang kuryente akong naramdaman. Anobayan! Tapos tumingin siya sakin straight to my eyes. Ano yun? At nagsimula na siyang magsalita..

"Alam mo Pinky" how did he know my name? "Matagal mo na akong follower sa twitter, actually ako yung una mong follower, biglaan ko na lang kasi nakita yung twit mo sa friend kong si Erika. Tapos natripan ko lang na ifollow ka, alam mo yung ang sesense ng mga twits mo unlike others na papansin lang. After reading all your twits and seeing your pictures, nung una ang weird kasi biglang tumibok tong puso ko" then tinuro niya yung dibdib niya kung san nakaplace si hearty niya. Natawa naman ako "Tapos alam mo yung gusto ko lagi akong updated sa buhay mo, kapag yung mga twits mo masaya, masaya din ako. Kapag malungkot ka, malungkot din ako. Kapag may umaaway sayo, nagagalit ako. Kapag nastress ka, naistress din ako kakaisip if okay ka lang. Ayaw ko kasi na nagiging dark ang buhay ng taong mahal ko"

What? Mahal? Sino? Ako?. This time mas lalo niyang nilaliman yung tingin niya sakin. Nakakatunaw shit! Bigla akong may naramdaman na malikot sa tyan ko. Ang weird. Ngayon ko lang naramdaman to. Hindi parin ako nagsasalita this time. Lutang parin ako.

"Pinky, tama ang narinig mo. Ikaw ang mahal ko. I don't know how it started pero I want to know how its gonna end, and this time sana with you. Yung pagbigay ko sayo ng DSLR na yan, totoo yan. Walang bawian yan kasi para sayo talaga yan. Binili ko yan for you. After kong mabasa yung twit mo lastweek na sana may magregalo sayo ng DSLR kasi nga magbirthday kana. Agad kong kinuha yung chance na yun para makilala ka in person tapos kanina nga, nung nakita kita sa shop at halata sa mga mata mo na gustong gusto mo talaga yan. Napangiti ako kasi tama yung pinili kong brand ng cam. Yung umiyak ka kanina habang yakap yakap kita, ang saya saya ko kasi hindi lang kita nakita in person, I got the chance to know the real Pinky. Ang cute mo nga kanina e. Hahahahaha"

Anyare? Alam mo yung kinikilig ka na tapos bigla kang tatawanan?. Funny! HA-HA! Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako at tinakpan ang bibig ko.

"Ako muna. Okay?" Then I nodded "Totoo, ang cute mo kanina. Tapos ang ganda mo pa. Siguro may tanong dyan sa isip mo bakit ko ginawa yun? Kasi gusto kong ibigay ang lahat para lang sa babaeng mahal ko. Gagawin ko ang lahat para maging masaya lang siya, at kapag masaya siya, masaya na rin ako. Sana yang DSLR na yan ay mapuno ng pictures mo" then huminga siya ng malalim "Filled that with memories of you......with me" at yumuko siya kasi nahiya siguro.

Nangiti ako sa sinabi niya. Wala pang ibang lalaki ang nakakagawa sakin nito. Yung effort para maging masaya ako. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at itiningala ang ulo niya na nagresulta para magtapat ang mga mata namin. Ngumiti ako sa kanya at medyo napapaiyak na ako sa sayang nararamdaman ko.

"Seriously, I still don't know your name. But anyway, sobra sobra na tong binigay mo sakin. Thank you, thank you for the effort. Thank you for making me happy. I thought no one could do this thing to me. Akala ko sa mga movies, stories lang nangyayari but pede din mangyari in real life. I can't imagine na isang follower ko pa ang bibili ng bagay na matagal tagal ko ng inaasam, isang follower ko na ang gusto lang ibigay sakin ay ang kasiyahan ko at lalong lalo na ang pagmamahal niya sakin. Hindi ko alam kung ilang taon ka ng nagmamahal sakin pero yung mga taon na yun ay hihigitan pa natin cause I'm willing to filled that DSLR of memories with You! Yung sinabi mo kanina sa shop na GF mo ko. I'm willing to make it real. Thank you"

Tumayo siya sa pwesto niya at ganun din ako, niyakap niya ako ganun din ako. Sobrang saya ko. Best birthday gift ever!

"I love you Pinky" then kiniss niya ako sa forehead

"I love you....."

"Red. I'm Red" tapos nginitian niya ako.

"Alam kong masyadong mabilis tong pangyayari. Pero Mahal na mahal kita Red! I love you so much! Mwa mwa mwa mwa" then tinadtad ko siya ng halik sa pisngi. Ang saya ko lang.

Kinuha ko yung DSLR ko at niyaya siya magpicture.

"Red, unang picture natin to so make it sweet. Hahahaha" tapos pwinesto ko na yung DSLR na hawak ko

"Oh yes babe" then kinindatan niya ako. Ang gwapo naman talaga ng Boyfriend ko. Aiyeeeee!

"Okay babe. 1.....2.....3" *flash* All I knew, he kissed me on my lips and I love our shot :'))

"Life is like a camera lens, focus on what's important and you'll capture it perfectly. I focused on Pinky cause she's important and now, I captured her perfectly" ---- RED ^^

DSLR (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon