At last! Nakuha ko na ang padalang pera ng aking butihing ama! Thanks to him! I'm here now sa mall, ALONE. Yes, I'm all alone! This is my day. Ayako ng any disturbance kaya ako lang talaga. Nandito ako ngayon sa bilihan ng gadgets kung saan ko nakita ang pinapangarap kong DSLR. Pagkapasok na pagkapasok ko lang sa shop ay sumalubong sa mga mata ko ang soon to be baby ko. Nandun siya nakapwesto sa may desk ng isang staff, agad kong nilapitan ito at mukang wala pang nabili nung DSLR na yun kasi parang chinecheck lang nung staff if may damage yung cam.
"Miss?" bati ko kay ateng staff with a wide smile on my face.
"Yes Ma'am? What can I do for you?" tanong nito
"Ah miss, how much is that DSLR?" then tinuro ko yung cam na nasa desk niya.
"This Ma'am? 29k po"
29k? Grabe! Ang saya! Kasi 40k yung pinadala sakin so may 21k pa ako pang shopping ko! BWAHAHAHAHAHA! What a lucky day! Naiimagine ko na hawak hawak ko na yung cam at ginagamit siya on my everyday life! Weeeeeee! :">
"Okay! I'll buy it!" then kinuha ko na yung wallet ko.
"Ma'am, sorry. May nakabili na po kasi nito"
Tila gumuho yung mundo ko ng marinig ko yun, nadurog ang puso ko ng malaman yun at nawala ang sayang nararamdaman ko ng magsink in sa utak ko yun. Nabitawan ko yung wallet ko na nagdulot para mahulog ito sa sahig.
"W-what? M-may n-nakabili n-na?" nauutal kong sabi habang nakatingin ako sa mga mata ni ate.
"Yes Ma'am, actually kakabili lang niya. Lumabas lang siya saglit dahil may binalikan lang po siya sa Dept. Store. Ipapackage na nga po namin e"
"Ate, okay na?"
Napalingon ako sa boses ng lalaking pumasok sa shop. Isang gwapo, matipuno, mamuscle na lalaki. Makalaglag panty e.
"Yes sir! Wait lang may kailangan lang po kayong fill-upan for the warranty nung cam?"
Cam? Ibig sabihin siya yung bumili ng cam? Biglang umusok yung tenga ko sa narinig ko.
"Miss, sayo tong wallet?" sabay abot ng gwapong lalaki ng wallet ko sakin. Agad ko naman yun kinuha while still looking at him "Miss, may dumi ba ako sa mukha?"
"Ikaw ba bumili nung cam?" tanong ko
"Yes, ako nga. Bakit?"
Nang marinig ko yun, bigla na lang akong nagwala sa loob ng shop! Hindi ko talaga matanggap na may bumili ng DSLR na yun. Akin yun e! Akin yun! Humingi pa ako sa tatay ko ng pambili dun tapos may bibili lang ng iba? Hindi ko matanggap! Pinaghahampas ko yung lalaki habang naiyak ako.
"Miss! A-aray! N-nasasak---Aray ko!" then bigla niyang hinawakan ng mahigpit yung dalawang kamay ko.
"Sir, fill-upan ni----Sir! Anong nangyare sa babae?"
Tapos bigla na lang akong niyakap ng lalaki at hinimas himas yung likod ko.
"Ah wala Ate, masyado lang masaya ang GF ko sa surprise ko. Hindi niya kasi alam na bibilhan ko siya ng pinapangarap niyang DSLR. He-he-he" then patuloy lang siya sa paghimas sa likod ko "Ikaw naman babe, surprise to dapat e"
"Ang sweet niyo naman sir"
Then binitawan na ako nung lalaki at tinapos ang dapat tapusin. Pagkatapos nun ay hinila niya ako papuntang foodcourt.
