Chapter 2

33 3 0
                                    

Tinititigan pa rin ni Alex ang Memo na binigay sa kanya ni Dean kahapon. Pauwi na siya nang bigla siyang pinatawag sa office nito. Nanggaling daw ang Memo kay Director Monteclaro na maging tutor siya ng anak nito. Walang iba kundi si Dustine, kaya pala kakaiba ang ngiti sa kanya ng dalaga kanina nang i-pass nito ang report na pina-research niya dahil nakagawa na ito ng paraan para magkalapit sila. Naka-saad sa Memo na kailangan ng anak ng Director ng private tutor dahil nahihirapan ito sa subject niya. Kaya ngayon ay heto siya sa library at hinihintay ang dalaga, tapos na ang school hours kayahalos wala nang studyante sa loob. Tumingin siya sa relo niya, five forty five na. Ang sinabi sa kanya ni Dean ay five thirty, hindi naman niya magawang tumanggi dahil bago pa lang siya sa trabaho. Isang anino ang tumabing sa hawak niyang papel kaya tiningnan niya ito. Sumalubong sa kanya ang maamong mukha ni Dustine Monteclaro na naka-ngiti sa kanya. 

"You're late" kunot noong sabi niya.

"Sorry Al- ay Sir Alex, kakatapos lang kasi ng practice." sagot nito na umikot pa sa lamesa at hinila ang bangkuan na nasa tabi niya. Umupo ito at inilapag ang bag sa mesa na may naka-sabit pang pompoms.  "Mag-start na ba tayo Sir?" ngumiti ito nang makahulugan.

Tumikhim siya at bumaling sa dalaga. "Ang sabi sakin ang tutorial natin is one hour starting five thirty. Since you're late we got only forty five minutes left." pinakita niya dito ang oras.

Ngumiti ang dalaga sa kanya. "Okay lang, bumawi ka na lang bukas."

"Bumawi?" natigil ang pag-buklat niya ng libro.

"Oo, bukas mas matagal tayo magkakasama kasi buo ang isang oras." anito.

Hindi na niya pinansin ang pasaring ni Dustine sa kanya, sa totoo lang hindi niya alam kung saan magsisimula. Ngayon lang yata siya naka-kita na graduating na sa college ang nagpapa-tutor pa. Dahil malapit na matapos ang first semester ay itinuloy lang niya ang lesson na naiwan ni Mrs. Torres. Iniabot niya ang libro sa dalaga, magsisimula sila sa lesson na itinuturo niya dahil ayon dito lesson daw niya ang hindi maintindihan ng huli. Maayos itong sumunod nang sabihin niyang bibigyan niya ito ng five minutes para basahin ang naturang lesson. Mabuti ay nakapag- handa na siya ng mga sample test na ibibigay niya dapat sa klase pero dahil biglaan ang pagkakaroon nila ng tutorial lesson ay ibibigay na muna niyang test ito kay Dustine. Seryosong nagbabasa ang dalaga kaya hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ito. Maganda
nga ito, hindi niya masisisi na marami ang lalaking magkaka-gulo para mahalin sila nito. Bumaba ang mga mata niya sa mga labi ng dalaga, hindi ito naka-lipstick ng makapal. Bumagay nga dito ang shade na baby pink dahil sa maliit nitong mga labi. Kung description lang ng isang Queen bee ay hindi naman ito talaga mukhang maldita na tulad ng bansag dito. Mas mukha pa ngang ang dalaga ang inaapi sa amo ng mukha. Kung nagkataon siguro na parehas sila ng age range ay isa siguro siya sa mabibighani dito. Pero hamak na napakalayo ng estado nila sa buhay kaya kailangan niya i-kondisyon ang sarili na hindi magpa-apekto sa charms ng dalaga.

"Five minutes is done." wika niya. "Here's a special quiz."

"Special quiz?! Hindi ba dapat tuturuan mo ko?" pagmamaktol nito.

"Tama ka, sagutan mo ang mga ito. Pagkatapos ay tsaka natin pag-aaralan
ang lesson."

"Hindi ba dapat ituro mo muna bago ko ito sagutan?" kagat labing paki-usap nito sa kanya.

"That's exactly my point, I need to know if you pay attention to our class. Now, I'll give you ten minutes to answer. Go!" aniya.

"Oh come on Sir, imposible ang sinasabi mo. Ten minutes?!" 

"Umaandar ang oras mo Ms. Monteclaro." humalukipkip siya. Pinigilan niya ang sariling mapa-ngiti ng umungol ito sa frustration at napilitang sagutan ang test niya. How cute to see the famous brat of this school so helpless just because she was given a time pressure for a short test.

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon