Chapter 1

95 2 0
                                    

"S-T-A-L-L-I-O-N-S, We are the Stallions and we're the best! We are the champion, among the rest!" malakas na cheer ni Dustine na taas kamay pang hawak ang kanyang mga pompoms. Malapit na kasi ang cheering competition ng bawat school sa lugar nila. Ngayon pa lang nag-iisip na sya ng magandang routine na magpapanalo sa kanila, wala pang talo ang school nila every season. Kailangan din niya maitatag ang kanyang title na Cheer Captain bago siya maka-graduate next year. 

"Dustine! Late na tayo!" wika ni Jessica na nasa baba ng bench, isa ito sa mga slaves niya. She was not just a Cheer Captain, she's Dustine Monteclaro, the Queen Bee of their
school, nasa senior year na siya sa kurso niyang Business Management. Anak siya ng isa sa board member ng kanilang 
University na may pinaka-malaking shares, kaya kahit na madalas she's making a trouble ay madali lang siya nakaka-
lusot. "Bago daw ang english teacher natin at terror daw!" 
natataranta nang sabi nito.

Isinabit na niya ang pompoms sa bag niya tska bumaba sa kinaroroonan ni Jessica. "Relax Jes, kapag ako ang kasama niyo. Hindi kayo dapat matakot." tsaka siya 
ngumiti ng makahulugan. She was a natural brat, kaya wala siyang kinatatakutang professor kahit na terror pa ito. Pagdating nila sa English room, nakasarado na
ang pinto. Kahit di niya idikit ang kanyang tenga ay nadidinig niya na nagpapa-kilala na ang bago nilang English teacher,
kaalis lang kasi ni Mrs. Torres na biglang nag-resign. 

"Alex Gutierrez" ang nadinig niyang pangalan. Akma na siyang kakatok nang biglang bumukas ang pinto kaya 
mabilis silang napa-atras ni Jessica. Pero halong pagka-gulat at pagkamangha ang naramdaman ni Dustine. Ang nag-bukas ng pintuan, ito na yata ang pinaka-gwapong
lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Matangkad, broad shoulders, gray eyes at super kissable lips. He's so damn perfect! At sa kanya ito naka-tingin ngayon, wala na siya paki-alam kahit niyuyugyog siya ni Jessica basta ang mahalaga huwag maputol ang magic sa eye contact nila ng kanyang prince charming.

Tumayo na ito ng diretso at humalukipkip. "So, you must be the famous Dustine Monteclaro." wika ng baritonong boses nito. "And Ms. Sotto." bumaling ito kay Jessica. "You're fifteen minutes late." wika na
naman nito na naka-tingin sa relo.

"Nako sorry po Sir, sa soccer field pa po kasi kami galing. 

Eh medyo malayo po kasi yun dito. Sorry na po." Naiiyak na paliwanag ni Jessica.

Nagpameywang ang prince charming niya. "Well you should have adjusted your time, knowing that you'll have a class."
anito.

"Sorry po Sir, hindi na po mauulit." magkadaop na palad pang sabi ni Jessica.

"Okay, since this is your first day I'll let you pass." umalis ito sa pintuan at iginaya ang kamay papasok sa kwarto.

Nadinig ni Dustine na nag-diwang sa tuwa ang slave niya tska siya hinila papasok ng room nila. Pero nang maka-upo silang
dalawa at nag-simula nang mag-salita ulit ang prince charming niya. Hindi niya mapigilan ang muling titigan ito, parang nag-slowmo ang lahat, habang nagle-lecture ito na kumukumpas pa ang mga kamay. "You're so handsome." kinikilig niyang wika.

"You're were saying something Ms. Monteclaro?"

"Dustine, Dustine! Tawag ka ni Sir!" untag sa kanya ni Monique.

Isa din sa mga slaves niya. Bigla tuloy bumalik sa realidad ang mundo niya mula sa isang napaka-gandang panaginip. 

"Ah y-yes Sir." tumingin siya dito habang seryosong nakatingin sa kanya ang abuhing mga mata nito.

"I said, I think, you have something to say." sumandal ito sa table at humalukipkip. 

"Ahh"ngumiti si Dustine ng ubod ng tamis. "Ang sabi ko Sir, you're so handsome!" kinikilig pang ulit niya. Nadinig naman niya na nag-react ang kanyang mga classmates. Pero mukhang wala itong reaction
sa sinabi niya, nang bigla itong tumayo ng diretso.

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon