Chapter 7

22 0 0
                                    

After 5 years

Hingal na hingal si Alex pagkatapos tumakbo ng sampong beses pa-ikot sa loob ng subdivision niya. Naupo siya sa harap nang gate tsaka tinugga ang tubig na nasa tumbler. Araw-araw na niyang routine iyon simula nang mag-resign siya sa San Sebastian dalawang taon na ang nakararaan. Nagawi ang tingin siya sa kanyang wrist, suot niya ang bracelet na binigay niya kay Dustine sa araw ng competition nito five years ago. Ang araw na iyon ang huling beses na makikita niya ang dalaga, nang umalis ito sa harapan nila ni Stephanie ay nag-sink in sa utak niya ang nagawang pagkakamali. Sinubukan siyang pigilan ni Stephanie pero mas naging matimbang ang kagustuhang sundan si Dustine. Kung meron mang hari ng mga baliw ay siya na siguro iyon, naunahan kasi ng galit ang puso niya nang makita niyang itinulak nito si Steph sa swimming pool. Hindi na niya nagawang pakinggan ang paliwanag nito at mas ninais niya na sabihin ditong mahal pa din niya si Steph para hindi na umasa si Dustine sa kanya. Pero iyon pala ang pinaka malaking mistake na nagawa niya sa buong buhay niya. Itinulak niya palayo ang babaeng hindi niya namalayan tuluyan na pa lang nakapasok sa puso niya. Sinundan niya ito nang mapansin niya ang pagtama ng araw sa bagay na nasa lupa, nang makalapit siya ay nakita niya ang bracelet. Sinuyod niya ang buong San Sebastian para hanapin si Dustine, pati ang barkada nito ay tinanong niya pero hindi pa daw nila ito nakikita simula ng ina-nnounce na sila ang winner. He tried calling her many pero out of reach na ang telepono nito. Napamura na lang siya sa sarili, mabilis siyang nagpunta sa kotse at pinatakbo patungo sa bahay ng ng mga Monteclaro. Sa kamalas-malasan ay naipit si Alex sa matinding traffic, kung pwede lang niyang iwan ang sasakyan sa gitna ng daan ay gagawin niya. Mahigit dalawang oras bago siya tuluyang nakalusot at lumuwag ang daan. Humahangos siya pagbaba ng kotse, nadatnan niya sinasara ng katulong ang malaking gate.

" Good evening. Nandyan na ba si Dustine?" Diretso niyang tanong.

"Nako hijo nahuli ka na. Kakaalis lang nila." Napapadyak pang sabi nito.

"Saan po sila pupunta? Anong oras daw sila babalik?"

"Nako, hindi na sila babalik. Hindi ko nga alam kasi si Señorita Dustine agad-agad nag-desisyon pumunta sila ng Amerika. Ayun pagkadating kanina nag-empake na sila."

"Kaalis lang nila?"

"Oo siguro maabutan po ba sila sa airport."

"Sige ho salamat" kung nagmamadali kanina sa pagd-drive si Alex mas tinodo niya ang bilis ngayon na para bang hinahabol na niya si kamatayan. Tinahak niya ang pinaka-mabilis na daan papuntang airport, habang nagd-drive he's lecturing himself how stupid he was. Sa pagkalamaling ginawa niya nagdesisyon na si Dustine na lumayo, ganoon katindi ang impact kanyang nagawa.

Mabilis na narating ni Alex ang airport, saktong pagpasok niya doon ay nadinig niya ang final boarding call ng flight patungong New York. Hindi na niya alintana ang hingal para lang mahabol si Dustine. Napahawak siya sa ulo nang makitang kinalas na ang connecting tunnel sa eroplano. She's gone! Nang ganun - ganun na lang, and he has no one to blame but himself.

Naputol ang pag-alala niya sa nakaraan ng may madinig na pumaradang sasakyan. Kilala niya ito, ang kotse ng pinsang si Corrine. Bumaba ng pinsan at kumaway sa kanya. "Hi cous!"

"Hi. What brings you here?"

"May surprise ako sayo. Dyan ka lang wag kang gagalaw." Masiglang wika nito tsaka may sinenyasan sa loob. Bumukasang passenger's seat at iniluwa ang malaking bulto ng Ama.

"Tada! Surprise" umibis si Corrine patungo sa Daddy niya.

"Dad! Why didn't you call me to pick you up? What if busy si Corrine."

"Ano ka ba eh di hindi na surpresa iyon." Himutok ng pinsan niya, narinig naman niyang humalakhak ang Ama.

"It's okay Son. I also want to visit your aunt once in a while."

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon