Chapter 4

27 1 0
                                    

Naiinip na si Dustine nang biglang tumunog ang doorbell. Mabilis siyang nag-tungo sa gate para salubungin ang pagkain na pina-deliver niya. "Thank Good dumating ka din Kuya."

"Sorry po Ma'am bigla po kasi nagkaroon ng aksidente sa daan. Humanap pa po ako ng ibang ruta." Hinging paumanhin ng delivery boy.

Kumuha siya ng isang libong buo tsaka inabot dito ang pera sabay sara ng gate. "Thank you Kuya!"

"Ma'am sukli nyo po." Habol nito.

"Keep the change na!" Agad niyang prinepare ang pagkain. Pagpasok niya sa loob muntik na niyang mahulog ang bitbit nang madatnan si Alex na pababa ng hagdanan. "Alex!" Mabilis niyang inilapag kung saan ang bitbit tsaka dinaluhan ang binata. "Bakit bumangon ka na?" Isinukbit niya sa balikat ang isang braso nito, kahit mabigat dahil hamak laki nito sa kanya pinilit ni Dustine na alalayan ito pababa.

"K-kaya ko na."anas nito.

"Para ka pa ding lantang gulay. Mahiga ka na lang uli ipapanik ko na yung food na pina-deliver ko." Akmang ibabaling niya uli ito pabalik sa hagdanan pero hindi niya ito matinag, bahagya pa siya nitong nahatak pabalik kaya bumangga siya sa katawan nito. Hindi maiwasan ni Dustine ang maamoy ang manly scent ng binata, pinigilan niya ang sariling mapapikit. "S-saan mo gusto kumain?"

Hindi siya nito sinagot sa halip lumakad na ito papunta sa kitchen kaagapay siya. Nang maalalayan niya ito makaupo tinakbo niya muli sa sala ang pagkain. Pinaglagay niya ito ng plato, spoon and fork at baso. Isa-isa niyang binuksan ang foil na nakabalot sa mga pagkain tsaka niya inilapit dito. "Mukhang kabisado mo na ang kitchen ko." Anito na naka-tingin sa prinepare nyang utensils.

"Ah yes, nag-explore kasi ako kanina nung naghahanap ako ng iluluto. Sige na, kumain ka na."

"Join me."

"H-ha?" Parang nabingi siya sa sinabi nito.

"Sabi ko samahan mo na ko kumain. Ang-dami ng inorder mo."

"Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo. Kaya inorder ko lahat."

"Just sit down and eat with me." Mariing utos nito na nag-simula nang kumain.

Eat with me. Eat with me. Ang sarap sa tenga pakinggan na mga salitang iyon. Niyayaya siya ni Alex kumain kasabay nito. Kumuha din siya ng sarili niyang plato, habang nag-lalagay siya ng kanin palihim niya itong pinag-mamasdan. Nagustuhan siguro nito ang pagkain dahil magana itong sumubo. "M-masarap ba yang beef brocolli?" aniya. Yun kasi ang ulam na madaming bawas.

Marahang tango lang ang sagot nito sa kanya tsaka nagpatuloy sa pagkain. She can't believe na ang bilis ng lahat ng pangyayari, na-stranded siya sa kotse with him. At ngayon nandito siya sa bahay nito at magkasabay nilang pinagsasaluhan ang dinner na pina-deliver niya. Nang matapos itong kumain tumalima agad siya at kinuha ang tabletas na iinumin ni Alex. Tiningnan siya nito nang tumabi siya dito at ibinibigay ang gamot. "Thank you." kaswal nitong sabi at kinuha ang gamot sa kamay niya.

"Tapos ka nang kumain? I-liligpit ko na.-"

"Hindi na." Putol nito sa sinasabi niya. "It's getting late. It's time for you to go home."

"Pero hindi mo pa kaya-"

"May maid na pupunta dito bukas para sa mga house chores. Wag mo na silang intindihin." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at marahang itinutulak pabalik sa front door.

Kumawala siya sa hawak nito."Pero paano ka. Sino ang mag-aalaga sayo. What if mawalan ka uli ng malay. Gusto ko -"

"I appreciated your concern, okay na ko. Bumaba na ang lagnat ko. Thanks to you."

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon