Pangalawa: Someone

147 3 3
                                    

Sampung taong gulang si Lenie ng siya'y magsimulang pumasok sa ikalimang baitang ng elementarya. At dahil nasa probinsiya siya, ang oras ng klase doon ay may siyam na oras. Sisimulan ang pagpasok sa oras na 7 ng umaga at nagtatapos ito sa 4 ng hapon.

"Anak, gising na at alasais na ng madaling araw. Kakain ka pa at maliligo." Sabi ni Nanay Eva habang kunukulbit ang balikat ng anak.

"Hmm, opo Mama" sabay bangon ni Lenie at dumiretso na sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay kinain na niya ang pagkain na inihanda sa kanya ng kanyang Nanay.

"Tapos na po ako kumain Ma, mauna na po ako sa eskwela." magalang na pagkakasabi ng anak.

"O sige, mag iingat ka sa daan" agad na tugon ng Nanay.

At tuluyan ng umalis sa bahay si Lenie at naglakad papunta sa kanyang papasukan na eskwela. Malamig ang simoy ng hangin habang siya'y nag lalakad at medyo madilim pa ang daan dahil 6:40 pa lang ng madaling araw. Habang naglalakad ay may napansin siyang may sumasabay sa kanya sa kanyang gilid. Pag lumilingon siya ay wala namang tao o kung ano man. Kaya naman mas binilisan pa ni Lenie ang paglalakad ng bigla siyang napahinto at may nakita siya sa kanyang harapan na babae na nakasuot ng jacket na may hood at nakayuko lamang ito.

"Ate, o-okay k-ka lang?" pag aalala habang kinakabahan na banggit ni Lenie sa babae. Walang tugon na natanggap si Lenie mula sa babae kaya naman mas lalo siyang kinabahan.

"Magkikita pa tayo! Maghintay ka lang." pabulong pero malinaw na pagkakasabi ng babae sa kanyang harapan.

Labis na natakot si Lenie sa pinagsasabi ng babae. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin kaya nag tangka siyang hawakan ang hood nito subalit biglang hinawakan ng babae ang kamay ng bata. Naramdaman naman ng bata ang pagkalamig lamig na kamay ng babae kaya sa isip isip niya na kaya ito naka-jacket at nag hood ay dahil nilalamig ito. Pero ininda niya lang ito at tuluyang iniangat ni Lenie ang ulo nito.

Higit na nagsisi si Lenie ng gawin niya ang mga iyon dahil pag tungo niya ng ulo sa babae ay nakita niya ang buong itim na mga mata nito habang sumisinghal singhal at diretsong nakaharap sa kanya ang mga mukhang iyon. Habang unti-unting ngumingiti ng malapad ang babae.

Kaya naman, kumaripas na ng takbo si Lenie at dumiretso sa eskwela. Nahuli man ng sampung minutong pagpasok sa eskwela, ipinag walang bahala na lang niya ito dahil ang nasa isip niya ay yung babae na nagsabi sa mga katagang "Magkikita pa tayo! Maghintay ka lang."

Habang nasa klase si Lenie ay parang wala siya sa ulirat. Hanggang sa hindi niya napansin na alas kwatro na pala ng hapon at yun ang nagpapahiwatig na uwian na nila.

Lumabas na ng paaralan si Lenie ng may kumulbit sa kanyang balikat at nag "Psst!" Labis na pangangatog ang naramdaman ni Lenie. Ayaw man niyang lumingon ngunit para bang nagkukusa ang ulo nito at dahan dahan na ngang napapalingon si Lenie hanggang sa tuluyan na ngang napalingon ni Lenie at ...

"Boo!"

"AAAHHHHHHH!" sigaw ni Lenie mula sa pagkakagulat. At halos mapapikit na siya ng biglang ...

"Hahahahaha! Kung makita mo lang ang itsura mo Lenie. Hahahahaha! Nakakatuwa!" tawang tawa na sambit naman ng kanyang kaibigan na si Ken.

"Ikaw lang pala Kenken. Akala ko naman kung sino na. O di kaya'y kung ANO na" seryosong bigkas ni Lenie.

"Sino ba ang iniisip mo? O di kaya'y sabi mo nga kanina na ANO ... Ano ba ang inaakala mo? Muka kasing ang lalim ng iniisip mo." ani ni Ken.

"Ah, wala lang naman. Naiisip ko lang kung ano ang mga magiging kasagutan sa pinauwing takdang aralin sa atin ng guro" pagpapalusot na lamang ni Lenie. Kasi ang totoong naiisip niya ay yung Babae kanina na nakasalubong niya sa daan kaninang madaling araw.

"Ganun ba? Sa bagay. Tara bilisan na natin upang makauwi na at matapos na natin ng maaga ang takdang aralin" sabi ni Ken.

"O sige" pagsang ayon naman ni Lenie sa kaibigan.

Ilang minuto na paglalakad ng dalawang magkaibigan at sila'y nakauwi na. 4:15 ng hapon ng nakuwi si Lenie at agad naman niyang ginawa ang takdang aralin. Mga alas singko na ng hapon ng matapos niya iyon. Dinalaw naman siya ng kanyang antok at natulog siya sa kanilang sofa sa sala. Naalimpungatan siya habang deretsong tumingin sa nakapatay na T.V at nag reflect doon ang Tatay niya na si Edmundo. Sa isip isip niya lang na baka nakauwi ng maaga ang kanyang tatay kaya muli siyang pumikit at hindi nililingon ang likuran niya.

Mga ilang minuto ang nakalipas at muling naalimpungatan ang batang si Lenie. Napatingin nanaman siya sa T.V at nare-reflect nanaman nito sa kanyang likuran at nakita nito sa reflection ng nakapatay na T.V ang isang babae na naka jacket na may hood at nakayuko habang naka bente kwatrong nakaupo sa duyan duyan nilang upuan. Nang lingunin naman iyon ni Lenie ay wala siyang nakikita pero kapag tuwing nalingon siya sa TV merong nagre-reflect na babae doon pero pag nalingon talaga siya ay wala siyang nakikita.

Nagulat na lang siya nang biglang pumasok ang kanyang Ina mula sa labas na hinahabol ang hinga nito at halatang tumakbo para makapunta dito at ito'y umiiyak sabay sabi sa mga katagang ...

"Wala na ang Papa mo!"

A/N: Naiyak ako sa mga katagang iyon dahil yun din ang binanggit ng Mama ko sa amin ng ate ko nung nasa Ospital kami at di na namin naabutang buhay si Papa. :'( And btw, please po Just leave a comment or vote my story. Thank you.

Stories in ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon