Pangapat: J and J

85 0 2
                                    

Bakasyon na at wala ng pasok ang magkapatid na sina Angela Miranda at Ian Miranda. Labing apat na taong gulang na si Angela samantalang sampung taon naman si Ian. Napakalapit sa isa't isa ang dalawang ito.

"Ghelai, son mag impake na kayo" sabi ni Samantha sa dalawa niyang mga anak.

"Opo Mommy." sabi ng dalawang magkapatid.

Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na rin ang pamilya na mag ayos ng kani-kanilang mga gamit. May kaya ang Pamilyang Miranda. Magba-baksyon kasi sila sa probinsiya.

"Let's go!" excited na pagkakasabi ni Aaron ang asawa ni Samantha.

Gagamit lamang ang Pamilyang ito ng de aircon na bus at sasakyang pangdagat na kung tawagin ay Ferry. Isang araw ang magiging biyahe nila sapagkat sa Visayas pa ang kanilang probinsiya. Nasa upuan na #11 si Angela, #12 si Aaron, #13 si Ian at pang #14 naman si Samantha.

Ito na ang kanilang pinakahihintay, ang makarating sa kanilang paroroonan. Masayang bumaba ang pamilya habang dala dala ang mga kagamitan nila. Agad naman silang sinalubong ng mag asawang Khristin at Darryl. Si Khristin ay kapatid ni Samantha.

"Hi Ian, matagal ko na tong hinintay talag e. Hehehe. May bago akong mga laruan dito halika!" sabay hatak naman ng anak nina Khristin at Darryl na si Mico kasing edaran lang din ni Ian.

"Naku! Ang dalawang yan talaga ay mahilig maglaro" ani ni Darryl.

"Oo nga, pero pasalamat na lang tayo ay kotse kotsehan ang nilalaro ng mga iyan at hindi barbie. Hahaha" pabirong banggit ni Aaron.

"Ikaw talaga Pare! Hahaha." natatawang sabi ni Darryl.

"Joshua, halika dito at nandito na ang pinsan mong si Angela. Tulungan mo naman sa kanyang mga dala" pasigaw na pagtatawag ni Khristin sa labing limang gulang na anak.

"Ay, tita kahit wag na po. Kaya ko naman po." nakangiting banggit ni Angela.

"Sus, Ghelai, pabebe ka pa ba? Hahaha. O akin na yan." sabay kuha ni Joshua kay Angela ng mga gamit nito.

Pumasok na ang dalawa. At natira na lamang sa labas ay ang dalawang mag asawa na sina Samantha at Aaron tsaka Khristin at Darryl.

"Oh, pano ba yan Pare inuman mamaya ano?" pag anyaya ni Darryl kay Aaron.

"Oo naman Pare, tatanggi pa ba ko? E, inuman na yan e." sabay ipinagkabit ng dalawa ang kanilang kamao habang tumatawa.

"Ate Khristin, mukang mapapaluto nanaman tatong dalawa nito mamaya a." ani ni Samantha na nakatatandang kapatid na si Khristin.

Stories in ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon