Panganim: Panaginip

50 1 1
                                    

Ako po si Jamaica labing apat na taong gulang at may kapatid na nagngangalang Jessa, siya ay may labing anim na taong gulang na. Ang mga magulang ko po ay sina Jastine at Jannielene.

May sakit si Papa. Isang sakit na alam mong delikado. Kasi alam mong iyong parte ng katawan na yun ang bumubuhay sayo. At sa bawat tibok nito ay kapalit na ng pag gising mo sa araw araw. Ang Papa ko ay may sakit sa puso. Hindi kami mayaman. Walang trabaho si Mama at tumigil sa pag pasok ng trabaho si Papa.

Namatay si Papa. Oo, namatay siya. Labis na kalungkutan ang naranasan naming tatlo ng ate ko at ng Mama ko. Tapos na rin ang ika-40 days niya. Hindi ko alam pero lagi ko, lagi namin napapanaginipan si Papa.

A/N: Kapag po naka bold and Italic yung font, that means sa panaginip po nangyayari.

Halos gabi gabi kaming umiiyak dahil sa pagkawala ng aming ama, ng asawa ni Mama. Tuwing matutulog, ay aming napapaginipan ang Jastine na aming ama at asawa ng aking Inang si Jannielene.

1ST NIGHT:

"Papa, bakit ka namatay?" pagtatanong ni Jamaica sa ama na nakasuot ng puting t-shirt at naka pantalon ito.

"Hindi ko na kasi kinayanan" tugon naman ng lalaki sa panaginip ni Jamaica. Ang kanyang ama iyon.

Nagising na lamang si Jamaica dahil sa ingay sa labas ng kanilang bahay.

2ND NIGHT:

"Sasamahan ko kayo." sabi ni Jastine sa anak niyang si Jessa.

"Wag kayong mag alala, nasa langit ako kasama si God" masayang bigkas pa ng ama kay Jessa.

Pagkagising ni Jessa ay agad naman niya itong sinaabi at ikiniwento sa ina.

"Napanaginipan ng ate mo ang papa niyo. Na nagsasabing sasamahan niya raw tayo." sabi ni Jannielene.

Alam na ni Jamaica na kapag sinabing sasamahan ay sa sementeryo iyon pero para sigurado ay nag tanong pa rin siya. "Sasamahan saan?"

"Siguro sa Sementeryo, hindi na kasi natin siya nadadalaw at sabi niya pa na wag daw tayong mag alala dahil kapiling niya raw si GOD" umiiyak na ng bigkasin ito ng kanyang ama habang pumunta naman si Jamaica sa banyo at doon umiyak ng umiyak.

3ND NIGHT:

"Si Papa, si Papa" nakita ni Jamaica ang ama sa kanilang pintuan na nakasuot ng pang trabahong polo at dala nito ang kanyang bag na pamasok. Pero alam niyang patay na ito pero pinag sa walang bahala niya at niyakap ang ama. Subalit hindi niyakap pabalik ni Jastine ang anak na si Jamaica. Seryosong muka At ito ay dumiretso ng kusina.

Nagising na lang si Jamaica dahil sobrang init at pawis na pawis na siya. Pagbaba naman niya ay nakita niya ang Nanay niyang si Jannielene.

"Mama, nagugutom siguro si Papa" halos mangiyak ngiyak na banggit ni Jamaica.

"Bakit? Pano mo naman nasabi yan?" diretsong nakatingin ang Ina sa kanyang anak.

"Napanaginipan ko si Papa kagabi. Sa panaginip na yun alam kong patay na siya. Pero niyakap ko pa rin siya. At pumunta naman siya sa kusina. Baka nagugutom siya" pinipilit ni Jamaica na hindi maiyak.

"Ako rin, napanaginipan ko siya kagabi naka upo siya sa kusina." namumula na ang mga mata ng Ina at naluluha na.

4TH NIGHT:

"Bakit ka andito? Diba patay ka na? Hindi ka ba masaya kung nasaan ka?" pagtatanong ni Jannielene kay Jastine ngunit walang kahit anong salita ang sinasagot ni Jastine.

Nagising na lamang si Jannielene ng niyuyugyug na siya ng anak na si Jamaica at hindi na niya napigilang humagulgol.

5TH NIGHT:

"Bakit ka nanaman nandito? Bakit nagpaparamdam ka? Nasaan ka ba ngayon? Diba patay ka na? Nagugutom ka ba?" tanong ni Jannielene sa asawang si Jastine.

"Gusto ka ng may sabaw." walang emosyon na sinabi ni Jastine.

Namatay kasi si Jastine na walang inom inom at walang kain kain. Ipinagbawal ito sa kanya kasi baka mas lalong mapasama sa puso nito.

"Akala ko ba Mama, nasa langit na si papa at masaya na siga doon? pag aalalang tanong ni Jamaica kay Jannielene.

"Ayun an binanggit sa akin ng ate mo at kasama niya raw so God sa itaas na huwag daw tayong mag alala sa kanya" pag aalalang tugon naman ni Jannielene.

Bakit kaya napapanaginipan ni Jamaica, Jessa at Jannielene si Jastine?

A/N: Heyaaa! ^^ So, bakit nga ba? Do comment your opinion readers. It will help A LOT. ;) Thank you! :*

Pasukan na Public Schools bukas. Goodluck! :D

Follow me: @simplemads

Stories in ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon