Pangpito: Welcome

38 0 0
                                    

Matagal tagal na ring hindi nagkikita ang mag pipinsang Drexter, Jonalyn at Melissa na may pare-parehas na apelyido at gamit nila ang Alarcon. Si Drexter at Jonalyn kasi ay taga Maynila samantalang si Melissa ay nandito sa probinsya bandang Visayas.

"Uy, long time no see a" nakangiting sinabi ni Drexter sa pinsang si Melissa.

"Oo nga kuya Drexter e!" at nakipag apir si Melissa.

"Sus! Di ka naman Alarcon." pagtataray naman ni Jonalyn sa pinsang si Melissa.

"Ate!" pagsaway ng kapatid na si Drexter sa kanyang Ate dahil nasaktan nito ang damdamin ng pinsan. Napayuko na lamang si Melissa.

Si Drexter at Jonalyn ay magkapatid. Bakit nasasabi ni Jonalyn na hindi raw Alarcon si Melissa, e pinsan naman nila ito? Si Melissa ay anak lamang sa labas sa isa sa mga tito ng dalawang magkapatid.

A/N: Edi papasukin. -.- Ano naman kung nasa labas yung anak ng tito nila? Ba't di ba pwedeng papasukin? :3

"Ate, pinsan natin si Melissa at Alarcon siya" sabi ni Drexter sa kapatid.

"Tss" pag mamataray ni Jonalyn sa kapatid.

"Mabait si Melissa, Ate. Mamaya, dun ka matutulog sa kwarto niya. At dun ako matutulog sa kwarto nila Mama at Tita kayong dalawa lang dun sa kwarto niya kaya umayos ka." pag sesermon ni Drexter sa nakatatandang kapatid na si Jonalyn.

"K.fine! Whatever." sabay alis ni Jonalyn sa kusina kung saan sila nag uusap ng kapatid.

Mukhang mas nakatatandang kapatid si Drexter kay Jonalyn kung titignan. Si Drexter kasi ay may mas malawak na pag iintindi kaysa sa nakatatanda niyang kapatid. At si Jonalyn naman ay, kung ano ang kanyang pinaniniwalaan, doon lang talaga siya at hindi na makikinig sa opinyon ng iba.

Si Melissa ay may edad na labing tatlong taon kaya 'kuya' ang tinatawag nito kay Drexter at 'ate' naman para kay Jonalyn bilang pag galang na rin. Samantalang si Drexter ay may edad na labing limang taong gulang at si Jonalyn ay nasa edad na labing pito.

"May dala kaming Raketa at bola ng Badminton Melissa, tara at mag laro tayo sa labas." pag anyaya ni Drexter at dala dala na ang mga kagamitan.

"Sige sige. Gusto ko yan." tuwang tuwang tugon ni Melissa.

"Ikaw, ate? Change the loser na lang para mas masaya." ani ni Drexter.

"E, apat naman ang dala nating raketa a? Bakit hindi na lang mag kampihan?" sabi ni Jonalyn.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stories in ProvinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon