Chapter 01

0 0 0
                                    

Gabi na at hindi pa nakakauwi sina Mama. Pinatulog ko na rin ang mga kapatid ko dahil maaga pa sila bukas papasok sa eskwela. Nakaupo lamang ako sa silya at sumisimsim ng kape. Tumingin ako sa orasan, maghahating gabi na.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na ito. Pinatong ko ang baso sa lamesa na malapit sa akin at sumandal sa upuan. Sa pagkakatanda ko ay hindi nagpapa overtime sina Madam. Delikado na raw umuwi kapag madilim na kaya dapat bago mag alas syete ng gabi ay wala nang mga trabahador na makikita sa loob ng Hacienda.

Akmang kukunin ko ang baso nang bigla itong mahulog. Napatayo naman ako sa gulat. Hindi ako gumalaw o kumurap man lang dahil nagsimula nang malukob ng takot at pagaalala sa akin. Pangitain..

Mabilis akong nagpunta sa kwarto namin at kumuha ng damit nina Mama at ni Papa. Mabilis akong pumunta sa labas upang sunugin ito, sinamahan ko na rin ng dasal.

Kasalukuyan kong inaayos ang nabasag na baso kanina, matutulog na lang ako. At sana bukas, magigising kami sa mabangong amoy ng niluluto ni Mama.

“Ate Joy! Ate Joy!” nagising ako sa mahinang pagyugyog sa akin.

Mapupugay ang aking mata na tumingin sa kapatid ko. Parang gusto pang pumikit ang aking mata dahil sa sobrang antok.

Tuluyan akong napabangon nang marinig ko ang hikbi ng kapatid ko. Agad ko itong nilapitan at niyakap. Mabilis ang pintig ng puso ko, parang may pinapahiwatig na hindi maintindihan.

Lumakas ang iyak ng kapatid ko kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang yakapin siya.

“Nandito lang si Ate, okay?” malambing kong saad bago hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

Bumukas ang pinto at pumasok si Josephine kasama si Kelly. Malungkot ang mga itsura nila at halatang kagagaling lang sa iyak ang kapatid ko.

Naguguluhan akong napatingin kay Kelly, nagtatanong ang aking mga mata. Umiwas ito ng tingin at umiling bago napayuko.

“J-Josephine? Anong nangyari?” nilakasan ko ang loob ko upang magtanong.

Tumulo ng kusa ang aking luha ng hindi namamalayan. Nasasaktan ako na ewan dahil sa makitang umiiyak ang mga kapatid ko.

Humiwalay sa yakap si Jerome at patakbong lumabas sa bahay habang sinisigaw ang ‘Mama’.

“A-Ate....Ate kasi, w-wala na sina M-Mama.”

Pakiramdam ko huminto ang pintig ng puso ko. Natulala ako at hindi makagalaw. Naguunahang tumulo ang luha mula sa aking maya. Sa puntong iyon, natatakot ako sa kung ano ang posibleng mangyari sa akin....sa amin ng mga kapatid ko.

Condolence Hija. We are sorry for your lost.”

Huling araw na ng lamay ng mga magulang namin. Hanggang ngayon ay hindi parin alam kung ano ang nangyari sa kanila. Ayon sa biopsy ay wala silang nakitang kahit na ano na maging dahilan ng pagkamatay nila. Malinis ang gumawa ng pagpatay.

Nandito ang mga kamag-anak namin mula sa Manila, Bicol, Cebu at Apayao. Hindi rin umalis ang mga butler ng pamilyang Villarosa. Sabi ni Madam Olivia ay tulong na daw nila ito at pasasalamat sa mabuting ipinakita namin sa kanila. Sabi niya'y, sagot na daw niya ang kabaong na gamit at lahat lahat.

Sobrang pasasalamat ko sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera kung sakali man.

Isang linggong hindi pumasok ang mga kapatid ko sa kadahilanang mas ginusto nilang bantayan sina Mama. Hindi ko sila masisisi, lalo na si Jerome. Napakabata pa niya para maulila.

Ipinapangako ko sa aking sarili, ano man ang mangyari. Aalagaan at proprotekhan ko sila dahil sila na lamang ang yaman ko...

Tatlong araw matapos mailibing ang mga magulang namin. Lumuwas kami patungong Maynila kasama ang mga kapatid ko. Isa sa kapatid ni Mama ay nagsabing mas mabuti kung dito na lang kami maglalagi. Para daw maalagaan nila kami.

Ilang beses akong tumanggi dahil nakakahiya. Kaya ko naman silang alagaan at maiibigay ko naman ang pangangailangan nila.

“Feel at home mga anak.” magiliw na saad ni Tita Flores.

Pagtalikod ni Tita ay bigla akong kinurot ng kapatid ko habang namumula. Inis kong tinanggal ang pagkakakurot nito at taka siyang tiningnan.

“Ate!” impit na tili nito.

Napairap na lamang ako at hinawakan ang kamay ni Jerome habang palinga linga sa loob ng bahay ni Tita.

“Ang ganda ng Mansyon nila, Ate.” puno ng paghangang komento ni Jerome.

“Tama ka riyan, Jerome! Muntik na akong mahimatay sa front door kanina.” pasunod na saad ni Josephine.

Hindi na lamang ako nagkomento at ngumiti lang. Tamang desisyon parin pala na sumama kami. Ang ganitong bahay ay kailanman hindi ko maibibigay sa kanila.

Sinamahan kami ng katulong patungo sa kaniya kaniya naming kwarto. Namamangha rin ako. Parang ang liit lang kasi sa labas. Pagdating sa loob ay sobrang lawak pala. Nakakamangha.

Magkakatabi lang kami ng kwarto. Mas mabuti para kapag may kailangan sila ay sa kwarto ko sila didiretso. Nakakahiyang maabala sina Tita.

Hinintay ko munang makapasok sila sa kanilang kwarto bago pinihit ang doorknob at tinulak ito. Namangha kong tiningnan ang kabuuan ng kwarto ko.

Halong white at pink ang theme ng kwarto ko. May mga gamit narin katulad ng kama, center table, closet. All in one, para na akong tunay na mayaman.

Dahan-dahan akong umupo sa kama ngunit napatalon din kaagad. Ang lambot! Sa oras na umupo ako ay lumubog ang parteng iyon. Hindi ako sanay, tiyak mamamahay ako nito.

Tanging papag lamang ang higain namin dati. Wala ding closet na kasing laki ng bahay namin. Masasabi kong mas lamang lang ng limang beses ang bahay ng pamilya Villarosa.

Bumuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto. Balak kong tumulong sa pagluluto ng hapunan.

Pagkalabas ko sa kwarto ay saktong lumabas din si Jerome.

“Ate.” pagtawag nito sa akin.

Tiningnan ko lamang ito at iginaya pababa.

“Nagugutom po ako.” halos pabulong na saad nito.

Napangiti ako at ginulo ang buhok niya.

“Tara na sa baba. Behave ka lang at tutulong akong magluto para may makain tayo.” magiliw na saad ko.

Tumango tango ito.

Pagkarating namin sa dining area ay pinaupo ko siya roon at binigyan ng papel at lapis.

Dumiretso ako sa kusina at nagsuot ng apron. Akmang gagalawin ko ang frying pan nang may magsalita sa likod ko.

“Let them do their jobs. Accompany your  brother instead.”


Ensnare me, Unique Where stories live. Discover now