____________
“Let them do their jobs. Accompany your brother instead.”
Sabay sabay kaming napatingin sa baritonong lalaki na nagsalita. Agad na sumunod ang mga katulong habang ako ay natulala.
He has a broad shoulder, halata ito dahil naka white sando lamang ito at gray jogging pants. Magulo ang kaniyang ash gray na buhok. Makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Moreno/a people are really good looking.
Nabalik ako sa reyalidad nang nilampasan niya lamang ako. Ang tangkad niya. He looks like he's on his 20.
Bumuntong hininga na lamang ako at naghugas ng kamay bago tinanggal ang apron. Hindi talaga ako sanay na nakaupo lamang habang ang nasa paligid ko ay may kaniya kaniyang ginagawa. It's really uncomfortable.
Sumunod ako sa kusina upang doon maghintay kasama ng kapatid ko. Paniguradong mas maglalaway si Josephine kapag nakita niya ang laman ng refrigerator nila.
Tumabi ako sa kapatid ko at pinanood siyang gawin ang gusto niya sa papel. Pinaglaruan ko na lamang ang aking mga daliri. Ngumuso ako habang tinitingnan ang mga display na paintings sa kusina.
Nahinto ang paningin ko sa isang picture frame. Para itong luma na dahil mahahalatang black and white pa lang ang picture. Dalawang babae at limang lalaki. Seryoso silang lahat, nakaka intimidate. Mahabang dress ang suot ng mga babae habang Barong Tagalog naman sa mga lalaki. Hindi iyon nakakabawas sa gwapo nila.
“That's our origin, Hija.” nahiwalay ang tingin ko sa frame at tiningnan si Tita.
Napakamot naman ako sa aking batok.
“Ang ganda po.” komento ko.
Napangiti naman ito sa sinabi ko at umupo sa katapat kong upuan.
“Are you curious with them?” magiliw na tanong nito.
Hindi ako nakapagsalita. May parte sa akin na gustong sumagot ng ‘Oo’ at may parte naman sa akin na gustong sumagot ng ‘Wala akong pakialam’.
“Ina ko ang nakasuot ng gintong korona. Mapapansin ang pagiging singkit nito, hindi ba? Sa kaniya ko namana ang aking mata.” pagkukwento nito na para bang inaalala ang nakaraan.
“Ang nasa kanan ay ang kapatid ng aking Ina....kapatid sa labas.”
Napatahimik ako sa sinabi niya. Feeling ko kasi ay sensitive na usapan ito. Ilang minutong namuno ang katahimikan bago nagtanong.
“Bakit po naka korona ang Nanay mo?” takang tanong ko.
Ang magkapatid lang ang kinuwento niya at hindi pa ang limang lalaki. Sino naman kaya sila?
Natigil ako sa pag-iisip nang tumawa si Tita.
“Silly. You'll know soon...” tanging sagot nito.
“Alam ko, Ate!” sabat ni Jerome na nakikinig na pala sa amin.
Akala ko ay gumuguhit na naman ito.
“Don't spoil the fun, kiddo.” nakangiting saway ni Tita ngunit bakas ang otoridad sa tono nito.
Nakangiting patango-tango si Jerome kaya napailing na lamang ako.
May secret na agad sila.
Saktong pagdating ng sunod sunod na kasambahay na may hawak na mga tray ay ang pagbaba ni Josephine.
“Sabi ko na nga ba may pagkain!” bulalas nito at binilisan ang pagbaba.
Agad naman siyang tumabi kay Tita at kumikinang ang mga matang nakatingin sa pagkain na inihahanda.
Speaking of...
“Tita may anak po ba kayo?” tanong ko.
Tumingin siya sa akin ng seryoso at umiling.
“Po? Edi sino ’yung nakausap ko kanina?” kinakabahan kong tanong.
“That's....your mate.... don't mind it. Bagong butler siguro.”
Nabibingi na siguro ako, pakiramdam ko kasi ay may sinabi siya kanina.
“Kainan na!” maganang saad ni Josephine.
“Hindi po ba tayo magpray?” tanong ni Jerome.
Napakamot sa ulo si Josephine.
“Oo nga pala.” natatawang saad niya.
Akmang hahawakan niya ang kamay ni Tita ng nagmamadali itong tumayo.
“I need to go to the bathroom.” paalam nito.
Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo.
“Ano nangyari kay Tita?” tanong ni Jerome.
Nagkibit balikat na lamang ako at naglead ng prayer. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bumalik si Tita. May nagsabi kasing katulong kanina na mauna na kaming kumain.
Umupo siya sa harapan ko.
“You're turning 18 right?” halos mabilaukan ako sa biglang tanong niya.
Agad niya akong inabutan ng tubig na agad kong ininom.
“O-Opo.” sagot ko at pinunasan ang gilid ng labi ko.
Tumango-tango ito.
“We will talk after you eat.” saad nito at biglang umalis.
“Busog na busog ako sa hapunan natin Ate.” komento ni Josephine habang hinihimas ang tiyan niya.
“Ako din po. Mabuti naman at gabi na, diretso tulog na ako nito.” segunda ni Jerome.
Tumango-tango ako.
“Josephine, samahan mo ang kapatid mo hanggang sa makatulog hah? Mag-uusap daw kami ni Tita.” bilin ko.
Mabilis naman siyang tumayo at sumaludo pa. Natatawa kong ginulo ang buhok niya. Hinalikan ko ang noo ni Jerome at Josephine bago sila pinaakyat.
Niligpit ko muna ang pinagkainan at akmang bubuhatin ito nang bigla na lang sumulpot ang isang katulong.
Sunod sunod itong humingi ng tawad na siyang kinataka ko.
“Ako na po dito. Pasensya na po...pasensya na.” agad itong tumalikod at nagsimulang maglakad.
Napakurap ako ng ilang beses nang hindi ko na ito matanaw. Gan'on ba siya kataranta at mabilis ang lakad niya?
Napailing na lamang ako at umakyat patungo sa aking kwarto. Mas mabuti sigurong magpalit ako ng damit para naman kahit papaano ay maayos akong tingnan.
Hindi naman kasi niya sinabi kung saan kami mag-uusap, hindi ko tuloy siya mapuntahan. Napakamot ako ng batok dahil doon.
Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa CR. Bumungad sa akin ang malaking bathtub, may mga candles din sa gilid na iba iba ang kulay. May transparent hanging cabinet kaya kitang kita ang mga bote doon. Shampoo, soap, facial wash, conditioner, at marami pa. Halos kumpleto na nga eh.
Ngunit naagaw ng paningin ko ang isang garapon sa gilid din mismo. Hindi siya transparent kaya hindi ko alam kung ano ang laman. Nakakaakit kasi ang disenyo nito kaya binuksan ko ang cabinet at kinuha iyon.
Umupo ako sa isang bahagi ng tub at binuksan ang garapon. Napasinghap ako sa laman nito at agad ding sinara bago binalik sa kalalagyan niyo. Naguguluhan na talaga ako. Bakit may gan'on? Ano 'yun? Ano bang nangyayari?
Ayong magoverthink pero hindi ko maiwasang maisip kung bakit may ganoon si Tita.
__________________

YOU ARE READING
Ensnare me, Unique
RomanceIsa siyang simpleng babae. Kinakailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil sa pinansyal na problema ng kanilang pamilya. Nagbago ang takbo ng buhay nila nang manilbihan sila sa Hacienda ng mga Villarosa. Mataas ang sahod at mababait ang mga amo. Sa...