Hindi maipikit ni Elise ang kanyang mga mata ngayong gabi. Walong taon na siyang natutulog sa parehong kama ngunit ang gabing ito ay tila ibang-iba kaysa sa mga nakaraang gabi ng tag-init. May matamis na amoy na dala ang hangin. Tila hinahatak siya patayo ng kama at papunta sa balcony.Ang problema ay hindi talaga dahil hindi siya makatulog. Ang totoo ay dahil ayaw niya. Hindi siya mapakali. Pareho lang naman ang itsura ngunit parang wala siya sa sariling kwarto.
Nag-ooverthink lang kaya ako?
Kung anu-ano na ang naiisip ni Elise. Ipinikit niya ang mga mata at pinakiramdaman and paligid.
Bakit ang bango?
Bagong perfume kaya 'to ni Kate? Pero bakit magpapabango e gabing-gabi na.
Ginulo niya ang buhok at hinila pa ito sa dahil sa frustration.
Hindi kaya may bagong brand ng katol na binili si Tita? Baka imported kaya mabango.
Baka may inilagay sila sa kwarto ko.
Parang mababaliw si Elise. Maliit lang ang kwarto niya para may maitago mula sa kanyang paningin. She even checked outside. Pagbukas niya ng pinto, isang tahimik na hallway lang ang sumalubong sa kanya. Bumalik siya sa kanyang higaan at ipinatong ang ulo sa kahoy na headboard na matagal nang may guwang dahil sa mga anay. Hindi niya karaniwang isinasara ang kanyang mga bintana ngunit ngayong gabi, nagpasya siyang i-lock ang mga ito. Kakaiba kasi ang kutob niya.
Sa huli ay sumuko na lamang siya at pinatay ang lamp shade. Matagal muna itong kumukurap-kurap bago tuluyang na-off.
Lumipas mga ang oras at sa wakas ay nakatulog na rin si Elise. Lalong lumalim ang gabi at bilog na bilog ang buwan.
Samantala, ang pinakamalalim at pinakamadilim na bahagi ng kagubatan ay nagkakagulo na. Sinasakop ng red fog ang halos 1/4 ng outer city ng Sol Domain. Ang bawat nilalang na nadadaanan ng usok ay nawawala sa paningin. Walang may alam kung buhay pa sila o patay na.
The Sol Domain is the home of the unheard, the unknown, and the ubseen. Nahahati ito sa tatlong lungsod: ang inner city, middle city, at outer city. Ito ay isang teritoryo ng mga taong may supernatural na kakayahan.
Lumakas ang ihip ng hangin, dahilan para kumaluskos ang mga dahon. Malakas na humahampas ang mga sanga ng mga puno sa bintana ni Elise ngunit hindi siya nito nagising. Tulog na tulog ang lahat ng tao sa loob ng Dominque residence. Wala ni isa sa kanila ang may alam sa totoong nangyayari sa kailaliman ng gubat na nasa likod lang ng kanilang bahay.
Malakas na ingay at hiyawan ang nagmumula sa outer city.
“Hilahin ang lubid!” isang Sol commander na nasa kanyang mid-40s ang sumigaw.
Malalaking butil ng pawis ang sunod-sunod na bumasak mula sa kanyang noo. Ang mga sundalo o knights ng Domain ay nakahilera sa may tarangkahan, nagtutulungan silang hilahin ang mahaba at makapal na lubid upang panatilihing nakataas ang malaki at metal na pintong tumitimbang ng halos 5000 na kilo.
All the knights of the Sol Domain have enhanced strength. Each of them can carry a boulder weighing 200 kilos at maximum. Sa tuwing gagamitin nila ang kanilang abilidad, nagbabago ang kulay ng dulo ng kanilang mga buhok.
“This is what we've been trained for. Keep pulling!” sigaw ng lalaking sundalo na nasa unahan ng linya.
Nag-uunahan sa pagtakbo ang mga tao mula sa outer city patungong middle city sa pamamagitan ng pagdaan sa 2nd gate. Lahat sila ay naghahangad na makaligtas. Walang oras para lumingon, walang panahon para huminto. Walang katapusan ang mga taong humihingi ng tulong. Kung hindi nadadapa, ang iba ay naiipit, o nata-trap kung saan-saan dahil sa stampede. Pilitin man ngunit wala silang magagawa laban sa red fog, maliban sa pagtakbo mula rito. Pawis at luha ang nag-uunahan sa pagpatak sa mukha nilang nag-aalala.
BINABASA MO ANG
Lost in Sol Domain
FantasyThe Sol Domain is found at the deepest and darkest part of the forest. It is the land of the unheard, the unkown, and the unseen. It is the territory of people with supernatural abilities. One day, Elise found herself in Sol Domain after following t...