CHAPTER 1

15 3 15
                                    


Nag-uunahan sa pagpasok ang liwanag ng araw sa bintana ng kwarto ni Elise. Nakabuo ito ng mga aninong hugis bulaklak sa sementong dingding dahil sa pagtagos nito sa lace floral curtain ng bintana niya.

Nagising si Elise na humihingal. Pakiramdam niya ay hinahabol siya. Gumaan lamang ang kanyang paghinga nang malamang gising na siya at panaginip lang ang lahat. Ang kanyang mukha at leeg ay basang-basa sa malamig na pawis na dumadaloy dito.

Tahimik ang buong kwarto. Maya't maya niyang naririnig ang ingay na nagmumula sa kusina.

Siguradong naghahanda na ng almusal si Tita Cecille.

Nakumpirma niya ang iniisip nang maamoy ang bango ng bagong baked na tinapay. Inalis ng amoy ang mga bakas ng lagim mula sa kanyang pagtulog. Nagpakalma ito sa kanya at naglagay ng ngiti sa labi ni Elise.

Bumangon siya sa kama at pumasok na sa banyo para sa kanyang morning rituals. Pagkaraan ng ilang sandali, kumatok si Katelyn sa kanyang pintuan.

Don't forget that my brother's coming home today. Susunduin natin siya sa airport, and you promised to come with me!” sigaw ni Katelyn mula sa labas.

Nagpanting ang tenga ni Elise matapos marinig ang masamang balita. Akala niya ay nakalimutan na ito ng kaibigan. Sa kasamaang palad, naalala niya pala. Ayaw niyang makita ang kapatid ni Katelyn, ang kanyang mortal na kaaway mula nang magsimula siyang manirahan sa Dominique residence. Pinihit niya ang doorknob at sinalubong siya ng kaibigang abot tenga ang ngiti.

“Nakaligo ka na pala, ha? Di ka naman masyadong excited sa lagay na 'yan," nang-aasar na saad ni Kate.

Shut up, Kate. Kakasimula pa lang ng araw ko. No bad vibes, please. Sinuklay ni Elise ang kanyang basang buhok.

“Relax ka lang. Mawawala lahat ng bad vibes mo kapag nakita mo na ulit si Kuya mamaya.” Mahinang tumawa si Kate, tila tuwang-tuwa sa napipikong ekspresyon ng kanyang kaibigan.

Elise grimly stared at her, gripped her comb tightly like it was a knife and acted like she was about to stab Katelyn. Katelyn's laugh surrounded the room, before she zipped her own lips and raised both of her palms in surrender.

O-okay, suko na 'ko. Haha! Kalma. Bakit ba ang harsh mo kaagad? Pfft..

Girls, it's time for breakfast,” pagputol ni Cecille sa kanilang asaran, “Tigilan mo na si Elise. Maligo ka na rin, Kate. Nagtext si Martin sa papa mo. Na-adjust daw ang flight niya. He'll arrive by 7 am."

"What?!" sabay nilang tanong.

Tumango lamang si Cecille bilang sagot. Tinalikuran na niya ang dalawa upang magtungo sa hagdan. Agad naman silang sumunod.

“Hindi na lang ako maliligo, masayang sabi ni Katelyn at ikinawit ang braso sa bisig ng ina. Cecile and Elise shared a disgusted look and covered their noses.

Katelyn pouted her lips. “Mama naman! Di naman ako ganon ka baho ah. Ang sama niyo!”

Sandaling tumigil sa paglalakad ang dalaga.

“Teka... Kung mabaho ako, e di mas mabuti!” Parehong nagtaka sina Cecille at Elise sa tinuran ng dalaga. “Iha-hug ko nang mahigpit si Kuya para makabawi naman sa lahat ng panahon ng pampa-prank niya.”

Sa isip ni Elise, kulang pa ito sa lahat ng ginawa ni Martin sa kanila. Pero ayos na rin, basta ba't kahit paano ay makabawi. Tila na-gets naman kaagad ni Kate ang iniisip niya kaya magkasabay silang tumawa. Napailing na lamang si Cecille.

“Good morning, ladies. Ano ang plano ninyo ngayong pasukan? Ikaw, Elise?
Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” bungad na tanong ni Greg kay Elise nang makarating sila sa dining area.

Hindi niya inalis sa hawak na tablet ang
mukha. Siguradong nagtse-tsek na naman ito ng mga emails niya sa trabaho.

“Anong plano 'yan? Ba't di ako kasali sa usapan? Magtatampo na talaga ako
neto,” komento ni Katelyn.

“Huhulaan ko! Hindi na mag-eenroll si Ate Elise ngaying pasukan, tama ba?!” sigaw ni Rain mula sa second floor.

“Tone down your voice, Rain,” pamumuna ni Ram sa kakambal habang bumababa ng hagdan.

Sina Rain at Ram ang nakababatang anak nina Greg at Cecille. They are fraternal twins. Rain is  bubbly and noisy. On the otherhand, Ram, is the mature and collected type.

Tahimik lang na umupo si Elise sa mesa at 'di sinasagot ni isa sa mga tanong nila.
Actually, sinagot na ni Rain ang tanong ni Kate.

Totoo ba? Bakit? Two years na lang at ga-graduate na tayo ng college, Elise!”

Bumuntong-hininga lang si Elise. Inabot niya ang isang pandesal sa mesa at ipinasok sa bibig ni Kate para matahimik na ito.

I have decided, Uncle Greg,” pagsisimula niya, “I will accept the opportunity given to me.

Natahimik silang lahat. They knew that Elise has been applying for scholarships abroad. Alam nilang may natanggap na offer si Elise. A foreign company promised to sponsor her studies abroad but she has to work for them in exchange. She couldn't decline the offer. She wouldn't dare. It was what she has been wanting, to spread her horizons. Gusto niyang makabuo ng konseksyon sa mga importanteng tao. Kailangan niya ang impluwensiya nila para mahanap ang tunay ina.

“Elise, hinahanap mo pa rin ba si Alicia?” May pag-aalinlangan sa boses ni Cecille ngunit kailangan niyang marinig ang sagot kay Elise, "You know that you're never a burden to us. Hindi man kami ang mga tunay mong magulang ngunit para ka na rin naming tunay na anak, Elise."

"I am always grateful to you, Tita. It's just that, there's a part of me that has been missing all these years. Kailangan ng sagot sa mga katanungan ko. I need to hear it straight from the mouth of my mother."

“Nirerespeto ko ang desisyon mo, Elise. If only we could fill the longingness you have in your heart,” si Tito Greg niya naman ngayon ang nagsalita. "Just remember that our doors will always remain open for you."

Ngumiti si Katelyn at tinapik ang balikat ng kaibigan, “Sus! ‘Yan lang pala ang tinatago mo sa 'kin? Sa bestfriend mo? Huwag kang mag-alala, no. Gawin mo ang dapat mong gawin.

You have always been a good person, Ate, so wherever you are, I know that you will be in a good place." Ram, despite being only 13 years old, sounded more like a man than most of the people they know. He was indeed wise beyond his years.

“Oo na, Ram. Baka magnosebleed pa 'ko sa 'yo,” pambabara ni Kate sa nakababatang kapatid.

Isang mainit na ngiti ang iginawad ni Elise sa mga kasama.

Uhm, but you have to keep sending me letters and chocolates, Ate!pambabasag ni Rain sa awkward na sitwasyon.

Napuno ng halakhak ang buong mesa. She carressed Rain's hair. She can't put into words what she's feeling at the moment. It's a mixture of joy and sadness, but most of all, gratefulness.

Ang swerte ko sa inyong lahat.

Lost in Sol DomainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon