CHAPTER 2

7 1 0
                                    

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa airport. Bitbit ni Elise ang isang cardboard na gawa ni Rain. May nakasulat dito na "Welcome Home, Martin!". May mga sticker pa na hugis puso. Kahit naiirita ay wala siyang choice dahil baka mamaya'y mag-tantraum si Rain kapag nalaman mula kay Kate na hindi ginawa ni Elise ang request niya.

Sa cardboard naman na bitbit ni Kate ay nakasulat ang "We miss you, Kuya!" kahit di naman talaga nila siya nami-miss. Mas masaya ang buhay kapag malayo sila sa prankster na iyon.

Maya-maya pa'y naaninag na nila ang isang pamilyar na mukha. Ang sobrang itim at makapal na kilay niyang halos magpang-abot ang unang kumuha sa atensyon ni Elise kaya't nakilala nito agad si Martin. May expression kasi ng mukha si Martin na laging nakakunot ang noo na animo'y pasan-pasan ang lahat ng problema sa mundo. Kapag tinatanong naman siya, ang sagot lang ni Martin ay hindi niya raw alam na ganoon ang itsura niya. Nasanay lang daw siyang nakakukunot ang noo dahil lagi siyang babad sa init noong mahilig pa siyang maglaro ng basketball kahit tanghaling tapat.

Sa malayo, parang sungay ang kilay niya. Bagay na bagay sa ugali. Hays.

"Kuyaaaaaaa! Dito, dito!" sigaw ni Kate na parang wala ng bukas.

"Kate, ano ba, nakakahiya. No need to shout. Nakita naman na tayo ni Martin," saway ni Elise sa kanya habang pilit na ibinababa ang sumbrero para tabunan ang sariling mukha.

"Duh. Kunwari excited tayo para ambunan tayo ng pasalubong. Hahaha! Tsaka tingnan mo oh, wala namang masyadong tao. Okay lang yan. Sus!" Siniko niya nang kaunti si Elise. "Kuyaaaaa! Miss ka na namin!"

Lakad takbo ang ginawa ni Martin papunta sa pwesto ng dalawa. Nang tuluyan na siyang makalapit, saka lang lubusang napansin ang kabuuang hitsura nito ngayon. In fairness, ang linis niya tingnan. Hindi ganoon ka-maskulado ang pangagatawan ni Martin, pero hindi rin naman siya mukhang payat. Sakto lang. Tama lang sa tangkad niya. He's wearing a V-neck black long sleeve shirt, giving off an edgy vibe. Na-emphasize ang broad shoulders niya. He paired it with ivory colored jeans and black sneakers to complete his outfit. Suot niya rin ang statement watch na ipinadala sa kanya ni Kate noong birthday niya. Okay lang. Maayos sa mata.

Hindi na rin masama.

Ibinigay kaagad ni Elise kay Martin ang bitbit na cardboard at nauna nang lumakad palabas para pumara ng taxi na sasakyan pauwi. Naiwan lang ang dalawang magkapatid doon na nagkukumustahan.

"Kumusta ka na, Elise?" tanong ni Martin nang nasa loob na sila ng taxi. Sa front seat si Elise umupo at magkatabi naman sa backseat ang magkapatid.

"Masaya naman, a few minutes ago, nung hindi pa naglalanding yung eroplanong sinasakyan mo," sarkasrikong sagot nito na nagpatawa sa driver at kay Katelyn.

"Lokoloko ka talaga. At saka dapat tinatawag mo rin akong Kuya. Mas matanda pa rin ako sa 'yo ng 3 years."

"Alam mo, Martin, matulog ka na lang diyan para tumahimik ang paligid at gumanda ang hangin, okay?"

Sa gilid ay todo ngiti lang ang driver. Tila nag-eenjoy sa palitan ng banat ng dalawa.

"Napakabugnutin mo talaga kahit kailan. May dalawa ba 'to, Kate?"

Walang sumagot. Nakita ni Elise sa rear-view mirror na mahimbing na pa lang natutulog si Kate sa balikat ng kapatid niya.

"Sir, mukhang namimiss lang po kayo ng kapatid niyo kaya ganyan. Nalilito pa po ang utak niya kung paano magrereact. Ganyan din po ang anak ko kapag umuuwi ako sa amin sa probinsya," komento ng taxi driver.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost in Sol DomainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon