CHAPTER 3

30 0 0
                                    

Mag mamadaling araw na ngunit gising na gising parin ang diwa ni harri.

"totoo bang ganon nako kasama sakanya?" tanong ni harri sa sarili.

"kainis, all i wanted to do is magpapansin ulit sakanya, pero hindi ko alam na ganto na pala ako kalala sakanya." sambit ulit nito habang nakatingin sa kawalan.

" teka nga, bakit ba ako ganto mag-alala?" muling sambit nito.

"ewan ko, basta ang alam ko nababaliw kana" nagulat si harri sa boses na nagmula sa pinto.si danziel.

"pinagsasabi mo" iwas tingin ni harri dito.

"sus, naguguilty kaba dahil sa mga ginawa mo kay maxi?" sambit ni danziel sakanya at umupo ito sa sofa malapit sa kama ni harri.

"ano bang ginagawa mo rito ha?" pagsusungit nya pa rito.

"dinadalaw ka malamang, tanga kaba?" sagot naman sakanya ni danziel.

"bakit?hindi ako gusto mong makita diba?" nanunukso pang anito.

"g-gago kaba?" napipiyok pang ani harri sa kaibigan.

"sabi ni maxi samin ay hindi mo raw siya pinansin kanina nung nagpaalam sya sayo kaya hindi nalang sya bumalik." sambit ni danziel na ngayon ay naglalaro na sa kaniyang phone.

bahagyang napaisip pa ito.kung sabagay ay totoo iyon, masyado kasi niyang naisip ang tungkol sa sinabi ni maxi kaya naman hindi na nya ito napansin nung nagpaalam ito sakanya.

"busy lang ako non" ani pa nito sa kaibigan.

"ang sabihin mo e nagseselos kalang" ani danziel

"at kanino naman? dadalawang araw palang akong wala may umaaligid na sakanya?" taas kilay pang sambit ni harri.

"e paki mo dyan? pag asaran lang asaran lang wala dapat mahuhulog" sambit ni danziel sabay bato kay harri ng isang papel.

"tangina ano to-" napatigil si harri nang makita ang binato ng kaibigan-picture, picture ni maxi habang magkatabi silang dalawa sa assembly, nakatingin siya rito.

"galing no? nakita ko yan sa fb page nung photographer nung assembly, kaya ayan pinaprint kona. Wallet size yan pwede rin sa likod ng cellphone." taas kilay nitong sambit sakanya. muli niyang tinitigan ang picture nilang dalawa saka siya napangiti.


" goodmorning" masiglang bati ni harri kay maxi pagpasok nito sa kwarto sa hospital.

"ibang klase, nakatulog kana ba ng mahimbing at ganyan kana kasigla?" sagot nito sabay patong ng dala nitong pagkain sa bedside table.

"wala lang, masama bang maging masigla?" nakataas ang kilay na anito.

"lalabas kana mamaya kaya magimpake kana ng gamit mo." pagbabago nito sa usapan nila.

"talaga? magaling naraw ako?" napatanong na anito.

"not fully healed but recovering, pwede nang ituloy sa bahay" sambit ni maxi habang inihahanda niya ang pagkain sa harapan ni harri.

"bahay nino?" tila lutang pang sagot ni harri sakanya.

" bahay mo malamang. bakit gusto moba sa bahay ko?" taas kilay na sagot ni maxi sakanya habang nakatitig rito. Napaiwas naman ng tingin si harri dahil sa pagiinit ng mukha nito.

"Assuming ka masyado" sambit nito sakanya.

"Talaga? Kahit namumula kana r'yan ay hindi mo aaminin?" Nanunuksong ani maxi habang nagpipigil ng tawa.

Napasimangot na lamang si harri sakanya saka siya inirapan nito. Habang kumakain ay hindi nya mapigilang mapalingon sa dalaga kung ano na ang ginagawa nito. Aaminin nyang nababagabag parin siya ng sinabi ni danziel kagabi na may umaaligid sakaniyang lalaki sa campus nila.

My Enemy LoverWhere stories live. Discover now