CHAPTER 12

20 1 0
                                    

hindi alam ni harri kung bakit maaga siyang nagising ngayong umaga, pakiramdam niya talaga ay hindi siya nakatulog kakaisip sa mga sinabi ni maxi sakaniya bago sila matulog kanina.

'masasabing kong may gusto nako sayo, pero could you wait a little bit longer? hindi pa ako sigurado sa feelings ko at ayaw lang din kitang makitang nasasaktan, lalo na dahil i can't give you enough assurance on how i feel. gusto kong maenjoy mo ang gantong tayo hanggang dumating sa point na mahalin nga kita ng lubos'

halos mapatili si harri sa kilig dahil sa sinabi nito. alam niya kasi na hindi basta basta masusuyo ang kagaya ni maxi.

kaagad siyang bumangon upang mag ayos ng sarili at bumaba na ito papuntang kusina.
nagluto siya ng breakfast nila dahil maya maya ay magigising narin si maxi upang mag morning jog. hindi nga siya nagkamali dahil maya maya lang ay lumabas ito. halos malaglag naman ang panga ni harri dito, kahit nakasuot lang siya ng oversized shirt at maikling short ay napaka hot parin nitong tingnan sa umaga. animong messy bun pa ang morning hair nito habang pababa ng hagdan.

"Hot" wala sa sariling anas ni harri na ikinataas ng kilay ni maxi.

"Y-yung pagkain kasi, assuming ka" nauutal pang anito.

"ewan ko sayo" irap nito sakanya.

Matapos kumain ay gumayak na kaagad sila dahil papasok sila ng bandang 10 ng umaga.

"Late na tayo harrison bilisan mo" sigaw ni maxi sa kasama habang naglalaro sa tablet nito.

"saglit lang maghintay ka muna dyan" sigaw nito kay maxi.

"daig pa babae." bulong nito habang naglalaro sa tablet nito.

nang makarating  sila ng campus ay kakaunti pa lamang ang tao, maaga pa kasi talaga at ang dahilan lang naman ng pagpunta nila ng maaga ay dahil sa mga activities na kabilang ang ssg.

"anong susuutin nyo?" tanong ni dan kay harri at maxi pagpasok nito ng office.

"devil saakin pre, bagay diba?" natatawang sagot ni harri kaya naman natawa rin si dan sa sinabi nito.

"ikaw pres ano sayo?"

"diko alam, bahala na" sagot nito habang naglalaro parin sa tablet nito.

"ganyan din sinabi mo last year, saka nung taon bago yon napaka kj mo talaga." asar pa ni dan dito na ikinatawa nito.

"kami ni rovi ang saamin ay si lady bug at cat noir e" proud pang ani dan.

"tinanong koba?" asar ni harri dito kaya naman naghabulan nanaman sila.

bandang 4:30 nagdatingan ang mga estudyante sakanilang campus, mga nakasuot ito ng halloween costume dahil magkakaroon sila ng awarding para dito. tatlong pairs ang kukuhanin at magkakaroon din ng iba't ibang palaro.

"bakit hindi kapa naka costume?" naniningkit ang tingin ni rovi sa kaibigan nito.

"wala akong mapili." sagot ni maxi na nagpairap kay rovy.

"sabi ko nanga ba at imomodus mo nanaman kami e, that's why i prepare something this time." nakangising ani rovi kaya't walang nagawa  si maxi kundi bumuntong hininga. alam naman niya kasi na kapag ito na ang nagsabi ay hindi na siya makatatanggi pa rito.

kaagad siyang hinila nito sa restroom dala ang pamalit na hawak nito .

"tangina rovi anne ano to ?!" gigil na ani maxi pag labas nito sa stall.

"look, ang ganda kaya!" depensa ni rovi dito.

"damn, i looked like a fucking girl." hampas ni maxi sa sarili.

My Enemy LoverWhere stories live. Discover now