Harrison's pov
anim na araw na ang nakalipas nang mahospital si maxi, ngayon ay pinayagan na siyang umuwi upang salubungin ang new year's eve.
Hindi na kailangang hulaan kung ano ang naging reaksiyon ni rovi nang bisitahin niya si maxi sa hospital—galit na galit.
Ngayon ay ako na ang kasama ni maxi paalis ng hospital dahil sa probinsiya mag babagong taon si rovi habang kasama naman ni dan ang pamilya nito. Gusto konga sanang tanungin si maxi kung saan siya magbabagong taon ngunit sinabi saakin ni rovi na siya lang magisa palagi sa mga okasyon.
Napagpasyahan kong mag bagong taon kasama nya, para humarot narin.
"Saan mo gusto mag bagong taon? Sa bahay mo?" Tanong ko rito habang nasa sasakyan kami.
"Anywhere. Ikaw saan ka sasalubong?"
"Kasama mo" sagot ko rito sabay kindat sakanya. Nahalata ko rin naman ang pamumula ng pisngi niya.
" Gusto ko sa studio mo mag new year, sa may rooftop. " Nakangiting saad niya kaya naman nagmaneho na ako kaagad.
Kinuha muna namin ang mga handa ni maxi ng pasko dahil wala itong naging bawas, salad, graham leche flan at ube lamang ang kinuha namin dahil gagawa naman daw siya ng chocolate ganache at mechado. napanis narin kasi yung carbonara niya shempre, hindi ko manlang natikman huhu.
"Grabe wife material kana talaga, ikaw na" sambit ko rito pagkarating na pagkarating namin sa studio ko.
"Pwede na siguro kitang asawahin" banat kopa rito, nakita konamang bahagya itong natawa.
" Tulungan mo nalang ako mag hiwa at magluto." Sagot nito saakin.
Dalawang oras din ang inabot dahil habang ginagawa niya ang dessert ay ako naman ang nagbantay sa ulam namin.
"Ayos, ala sais palang pwede pa tayo mag ayos sa rooftop mo." Nakangiting saad nito.
"By any chance, do you have a tent?" Tanong nito saakin.
Napailing naman ako kaya't lumabas ulit kami para bumili. Medyo marahan lang ang mga kilos nya dahil siguro sa tahi niya sa leeg, hindi pa ito ganon kagaling ngunit hindi naman ganon kalalim ang sugat na nagawa niya kaya't hindi ito gaanong delikado para sakanya.
Bumili kami ng isang malaking camping tent, mag sheshare nalang kami. Bumili rin kami ng mga unan, kumot at inflatable mattress. Nung una nga ay ayaw pa ni maxi dahil magastos raw pero shempre ako masusunod, ako gagastos e.
"Grabe ka napakagastos mo pano pag nagpamilya kana? Edi naubos ang savings mo?" Masungit na sermon nito saakin.
"Hindi ko naman kayo pababayaan"
"Aba kahit na, mauubos pera mo kakabili ng hindi kailangan."
"Mag tatrabaho naman ako para sainyo ng magiging anak ko"
"Mahal na ang diaper at gatas pano mo-" naputol ang sasabihin niya nang mapagtanto ang sinasabi ko. Huli ka ngayon.
"Tangina ka talaga" natawa na lamang ako sa sinabi niya.
Sunod naming pinuntahan ang palengke upang Bumili ng ilang prutas at kung ano pang makita namin.
Matapos naming mamili ay umuwi narin kami upang iset up ang lahat ng kailangan namin. Ako ang nag ayos ng table habang inaayos naman ni maxi ang tent na tutulugan namin.
Mag 9pm na ng gabi nang matapos kami, nagpicture muna kami ng mga pagkain at nagpicture narin kaming dalawa.
"Smile!" Napalingon ako sa biglang tawag ni maxi saakin, kaagad akong yumakap sa bewang niya at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya. Nabigla siya ngunit kalaunan ay ngumiti rin siya at pinindot and camera.
"Malandi ka." Natatawang aniya saakin na ikinatawa namin.
Naupo naman kami sa tent habang tinatawaw ang mga bituin.
"Our first new year and Christmas together, hindi ko man napasaya ang unang pasko mo, sisiguraduhin kong masaya ang new year mo." Nakangiting sabi ni maxi saakin.
"Nag alala lang talaga ako sayo non, sobrang kaba ko kung mabubuhay kapa ba o ano" natatawa koring ani. Halos hindi ba naman ako makagalaw non e, hindi ba halatang kinabahan ako?
"I'm sorry." Tanging lumabas sa bibig niya.
"What happened?" Hindi kona napigilang tanong sakanya. gustong gusto kong tanungin siya non sa hospital palang pero hindi ko nagawa, she's having an often bad dreams at minsan ay sumisigaw pa siya na parang galit na galit.it's a literal torture for her during that times.
"My family, they want me to quit my degree and focus on their business to take over. Nagkaron kami ng matinding pagtatalo ni mom, she criticize me again until i lost it all. Heaven knows that i tried to be a good daughter but it seems that it's not enough. Ang hilig niyang pilitin ako sa mga bagay na wala akong interest." Litanya nito. Wala akong nagawa kundi yakapin siya, ni hindi ko maisip kung gaano kahirap na maging siya, maxi is a strong girl or so we thought.kahit kelan ay hindi namin siya nakakitaan ng kahinaan manlang, lagi siyang matapang at matatag sa harapan namin. ni hindi mo iisipin na sa ganiyang kilos ay may nakatagong lihim na mga kalungkutan at sakit.
"I'm always here my maxi, hindi ako mawawala sayo." Kinilig din ako sa sinabi ko ah.
"I know, that's why I'm happy to spend my new year with you." Nakangiting sagot niya. Mag-11 na ng gabi kaya naman hinanda kona yung mga binili kong paputok, i wanna surprise her by this.
"What's that? Mga paputok yan ah?" Sambit nito saakin.
"Binili ko last time, bago ako dumalaw sayo sa hospital." Nakangiting sagot ko.
Bibili sana ako ng sinturon ni hudas e, kaso hindi pwede, baka bigla kaming sugurin ng mga pulis dito at akalaing may nagbabarilan.
"Mukhang hindi mo pinaghandaan yan." Natatawang sagot ni maxi saakin.
"Hindi naman masyado, ano kaba" natatawang sagot ko rito.
Malapit na mag alas dose kaya naman inihilera kona ang mga paputok habang hinatak ni maxi palayo ang tent, nagaalala daw siya dahil tatanga tanga ako kumilos at baka masunog ko yung tent, sama.
"TEN.. NINE.. EIGHT.. SEVEN.." sabay namin bilang ni maxi, i can see the genuine happiness embossed in her beautiful pair of eyes, those smiling pretty lips of hers and her hair being swayed by the cold breeze of air.
"SIX.. FIVE.. FOUR.."
Those pinkish cheeks of hers, her thick lashes and eyebrows even her little pretty nose, bakit ba ngayon kolang napansin lahat ng kagandahan sakanya? Bulag yata ako dati e.
" THREE.. TWO.. ONE.."
"happy new year" sabay namin bati sa isa't isa bahang magkatinginan, tanginang puso 'to parang lalaglag sa sobrang bilis ng tibok. Pakiramdam ko ay siya talaga ang papatay saakin.
"Iloveyou, maxi." Nakangiting sambit ko sakanya, namula naman ang mga pisngi nya bago ako marahang niyakap.
Sinindihan namin isa isa ang mga fire works. Sa sobrang ganda nito sa kalawakan ay rumerehistro din ito sa mga mata ng babaeng katabi ko.
"Cheer's to 1st new year with you" nakangiting sambit ni maxi sabay abot ng isang wine glass saakin.
"Happy new year my enemy." Huling sagot ko rito bago siya hinila at binigyan ng isang halik sa kanyang mga labi.
YOU ARE READING
My Enemy Lover
FanfictionIs loving someone you know you can't reach is really worth it? it is really hard to love someone you know can't return the same feeling that you had. But what will jayden harrison can do to prove her that she's wrong? is sacrificing really an option...