Kabanata 1

12.5K 197 81
                                    

Customer

''Ma... wala na po bang ulam? Hindi pa po kasi ako nananghalian.'' Pagtatanong ko.

Bumaling sa akin si mama. ''May nakikita ka ba? 'Di ba wala, edi wala.''

''Ma, dalawang daang piso po yung binigay ko sa inyo. Baket po walang natirang ulam? Hindi pa po kasi ako kumakain simula kanina.'' Sa mahinang boses sambit ko.

''Dalawang daang piso lang ang iniwan mo pambiling ulam, Chantria! Kung makaasta ka akala mo isang milyong piso ang binigay mo sa akin. Eh, kulang na kulang pa nga 'yon. Sa alak at sigarilyo pa lang ng Tito Alfred mo.'' Saad niya.

''Ma, binigay ko po yon sa inyo para ipambili ng ulam... wag niyong sabihing binigay niyo lang kay Tito Alfred para ipambili niya ng alak at sigarilyo? Ma naman! Alam niyo bang ayon na lang ang perang natitira sa akin?!'' Napalakas ang boses ko.

''Pwede ba, Chantria. Wag mo kong artehan kung nagugutom ka may bahaw dyan at asin. Kainin at ulamin mo. Dami-dami mong sinasabi. Para lang sa dalawang daang piso ginaganiyan mo ako? Tigil-tigilan mo nga ko wala kang pera dahil alam kong malaki ang kinikita mo sa pag hohostes mo dyan sa bar.'' Aniya.

Umiling ako sa kaniya. ''Ma, marangal ang trabaho ko. Hindi ko binebenta ang katawan ko para lang kumita ng pera at mas lalong hindi ko po pinupulot ang pera. Pinaghihirapan ko po yon. Ginagapang ko po ang pag-aaral ko dahil may pangarap po ako... at pasensya na kung ayon lang ang kaya kong ibigay sa inyo.'' Saad ko at tinalikuran na siya.

Nang makapag-bihis ako ay sinagutan ko muna ang mga activities ko. Bago ako natulog.

Tinulog ko na lamang ang gutom ko. Mamayang alas otso ng gabi ay may trabaho ako. Nang magising ako ay bandang alas singko na ng hapon. Kumakalam pa rin ang sikmura ko sa sobrang gutom.

Bumili ako ng isang stick ng nescafe na nagkakahalaga lamang ng tatlong piso. Tinimpla ko yon at sinabaw sa kanin ko. Para may pang ulam ako.

Nag sign of the krus ako at taimtim na nagpasalamat sa Dyos.

''Panginoon, maraming-marami salamat po sa pagkain na 'to. Amen.''

Sa bawat subo ko ng kanin na may sabaw ng kape ay lasang-lasa ko ang pait. Dahil wala naman 'tong asukal. Kulang na ang pera ko para sa pambili ng asukal. Pumikit ako at iniisip ang masasarap na ulam. Sa bawat subo ko ay pumapatak ang aking mga luha.

Binilisan ko ang pagkain. Nang matapos ako ay naabutan ko si Tito Alfred na lasing na naman. Gumegewang-gewang pa 'to sa sobrang kalasingan. Pinatong niya ang braso niya sa balikat ko.

''Ikaw babae ka! Penge akong pera. Gusto ko pang uminom at magpakalasing! Amin na ang pera mo!'' Saad niya sa akin.

Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko.

Dahil na rin sa kalasingan ay natumba siya. ''Tito Alfred, hindi ko pinupulot ang pera. Wag niyo naman sayangin lang sa pambili ng bisyo niyo. Pinaghihirapan ko po ang bawat perang binibigay ko kay mama.''

Tumayo siya at dinuro-duro ako. ''Ang yabang mo ah! Baka nakakalimutan mo, amahin mo na ko ngayon at ako na ang tumatayong ama mo. Dahil hindi naman pinandigan ng ama mo ang nanay mo! Kung makaasta ka, akala mo kung sino ka.''

Mas lalo itong lumapit sa akin at dinuro-duro ang noo ko. "Hoy! Baka nakakalimutan mong nakatira kayo ng mama mo sa bahay ko! Palamunin ko kayong dalawa!"

Maayos naman ang buhay nila mama at Tito Alfred noong pinagbubuntis ako ni mama. Nalulong lang sa alak at sigarilyo si Tito Alfred. Nalugi ang negosyo niya at nabaon din ito sa utang. Ayon ang sabi-sabi ng mga taga rito.

Magnificence (Fairytale Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon