Kabanata 12

12.1K 179 19
                                    

Sindikato

Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Napakaamo ng mukha nito, parang batang paslit. I let my finger trace his nose down to his lips. Hinalikan ko ang kaniyang labi.

Matabang akong ngumiti sa sarili kasabay nang pagpatak ng aking mga luha. Kinagat ko ang aking labi at tumalikod sa kaniya. Tinakpan ko rin ang aking bibig upang hindi makagawa ng ano mang ingay. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga balikat dahil sa sobrang paghikbi.

Kinalma ko ang sarili at muli siyang hinarap.

This will be the last time I'll see you this close, Zyair. This will be the last time I'll hold your face and see you. Catalina was right all along; I don't belong to your place... I never belonged at your place. Mayaman ka, mahirap ako.

Ang mundong ginagalawan natin ay sobrang magkaiba sa isa't isa.

Hindi mo na kailangan pang maawa sa akin, dahil ako na mismo ang aalis. Ngumiti ako at marahang hinaplos ang kaniyang mukha. Kinagat ko rin ang aking labi. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang magmahal.

Ang sakit-sakit... parang paulit-ulit akong pinapatay sa sobrang sakit.

Nilapat ko muli ang aking labi sa kaniyang labi. Pumikit ako at dinama ang malambot niyang labi. Kasabay nito ang pagpatak muli ng aking mga luha.

"I'm sorry, Zyair... I'm so sorry.. patawarin mo ko naging pabaya ako at sa kabila ng mga nagawa mo para sa akin.. naging makasarili ako. I'm s-sorry. Naiintindihan ko... kung talagang ginamit mo nga ako para makalimutan siya. Naiintindihan ko, Zyair. Dahil una pa lang ay malinaw na sa akin ang lahat. I'm just your contracted wife... that I'm only here to bear your child, but it won't happen again because I had a miscarriage... I killed your child. I'm sorry, Zyair... I'm s-sorry.'' Tinakpan ko muli ang aking bibig.

My sobs were muffled in my hands. I cried so hard till it suffocated me. I cried so hard till it didn't hurt anymore... I cried so hard while he was asleep beside me. It hurt so much.

I feel like my heart is aching and bleeding from too much pain. I don't understand if I really deserve this amount of pain.

Do I really deserve this pain?

"I'm sorry, Zyair... I'm sorry. It's my fault for falling for you.'' Ngumiti ako sa sarili. "Ang sabi ko noon, nandito lang ako para abutin ang pangarap ko. I guess we both used each other, huh? Tapos na rin akong gamitin ka." Matabang na saad ko.

Wala ako ibang pwedeng sisihin, kung hindi ang sarili ko. Dahil ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa ganitong sitwasyon.

Tumayo ako at lumabas na ng kwarto niya.

Iniwan ko ang singsing na binigay niya sa akin, pati na rin ang mga binili niya para sa akin. Dinala ko lang ang mga gamit ko, pati na rin ang perang naipon ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinubukan kong bumalik sa Tondo, kahit na hindi maganda ang huling punta ko rito.

Nagbabakasakali pa rin akong tatanggapin ako ni mama.

Kumunot ang noo ko nang mapansing patay lahat ng ilaw. Paulit-ulit kong kinakatok ang pinto namin pero walang sumasagot.

''Tao po? Mama? Si Chantria po 'to... sige naman na, papasukin niyo na po ako. W-Wala na po kong ibang mapupuntahan.'' Sambit ko habang kinakatok ang kahoy na pintuan namin.

Natigilan ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

''Chantria?''

''Ikaw pala yan. Wala na ang mama at Tito Alfred mo dyan. Bali-balitang umutang ng malaking pera ang Tito Alfred mo sa isang sindikato para ipangsugal at ipambili ng alak. Tiyak pinaghahanap na ang Tito Alfred mo ngayon. Siguradong papatayin 'yon kapag hindi nakapagbayad.'' Aniya.

Magnificence (Fairytale Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon