Kabanata 26

10K 156 24
                                    

Bayolente

Nandito kami ngayon sa bahay nila Lucian.

Sinama kaming dalawa ni Zyair. Gusto kasi nitong makilala ni Zayd ang kaniyang pinsan. Ang sabi niya halos magkasing edad lang daw ang anak namin at ang anak ni Lucian. Parehas silang limang taong gulang. Mas matanda lang ang anak namin ng isang buwan.

September 2 kasi ang birthday nito. Samantalang October 26 naman ang birthday ni Aziel.

''Zyair, hindi ko pa chinecheck ang opisina ni Lucian dito. Ikaw na lang ang tumingin sa naiwan niyang mga papeles doon. Bukas naman 'yon.'' Marahang sambit ni Selena.

Siya ang asawa ng pinsan ni Zyair.

Napakaganda nito. Maliit ang hugis pusong mukha nito at sobrang hinhin kung kumilos. Malumanay din kung magsalita.

Ang sabi ni Zyair ay wala pang isang buwan simula nang mamatay ang pinsan niyang si Lucian. Pansin ko ang lungkot sa mga mata ni Selena, pero hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

''N-Nabalitaan ko ang nangyari kay Zyair... alam kong hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay. Nakikiramay ako. Ako nga pala si Chantria. Ang a-asawa ni Zyair... sa Iloilo kami nakatira ng anak ko.'' Pakilala ko sa kaniya.

''I'm Selena. Nakwento ka na sa akin ni Lucian noon. Yeah, you're right... hindi madali, pero para sa anak naming dalawa ay kakayanin ko. Aziel is in his room. He doesn't want to come out or even talk because he misses Lucian and is still in mourning. Maski rin naman ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang asawa ko. Lucian may not be the best husband. He may have hurt me a couple of times, but for me, he's still the best, and I'll continue loving him.'' Mapait na saad nito sa akin at ngumiti. 

Bumaling ang tingin nito sa anak namin ni Zyair. ''Is he your son? How old is he?''

Tumango ako rito. ''Anak namin siya ni Zyair... Zayd ang pangalan niya. Mag aanim na taon na siya sa susunod na linggo.''

Ngumiti 'to kay Zayd at pinantayan 'to. ''Hello, I'm your Tita Selena, kamukhang-kamukha mo si Zyair. Do you want to play? My son is in his room... halika, puntahan natin. Para makilala mo rin si Aziel.'' Banayad na sambit nito.

Ngumuso si Zayd at nagtago sa akin. ''Mama, pwede si Zayd mag play? Pwede ako sama sa kaniya?''

Tumango ako rito. Agad naman nitong hinawakan ang kamay ni Selena. Naiwan ako sa may sala.

Maya-maya lang ay bumalik si Selena. ''Iniwan ko si Zayd sa kwarto ni Aziel. Mukha namang nagkakasundo ang dalawa. Tuwang-tuwa ang anak niyo ni Zyair. Marami kasing laruan si Aziel doon.'' Aniya.

Nahihiya akong tumango rito. Inikot ko ang tingin sa paligid ng bahay nila. Napansin ko ang wedding picture nilang dalawa ni Lucian. Sobrang saya ni Selena habang seryoso namang nakatingin sa kaniya si Lucian.

Hindi ko napansin ang presensya ni Selena sa gilid ko.

''That's our first wedding...'' Aniya.

Natigilan kaming dalawa nang may marinig na iyak. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang anak kong si Zayd na tumatakbo papunta sa akin. Dumudugo ang ilong nito. May hawak 'tong ulo ng dinosaur na mukhang naputol at nasira. Sumunod na lumabas ang isang batang lalake na nakaternong pajama na dinosaur. Kulot ang buhok nito at may suot din 'tong salamin.

Hawak-hawak naman niya ang katawan ng dinosaur na nasira at naputol. Nagtiim-bagang 'to.

Lumapit si Selena sa batang lalake. ''Aziel.... son, what happened?''

''I hate that boy! Look mama! He ruined my dinosaur! Papa gave this to me!'' Pagalit na sambit nito.

Pinantayan ko si Zayd at pinunasan ang ilong niyang dumudugo.

Magnificence (Fairytale Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon