Kabanata 13

12.3K 219 25
                                    

Takot

''Chantria, hindi kaya buntis ka?'' Mas lalo akong namutla sa sinabi ni Paulina.

Umiling ako sa kaniya. ''H-Hindi... paano naman mangyayari 'yon? Baka sira lang talaga ang nabili mong manok... k-kaya ganoon ang amoy, mabaho.'' Nauutal na saad ko.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. ''Hindi naman mabaho ang amoy. Feeling ko talaga buntis ka! Kung gusto mo ay sasamahan kita bukas sa clinic para makasigurado tayong dalawa!'' Dagdag niya pa.

Imposibleng buntis ako dahil namatay ang batang nasa sinapupunan ko noon. Nalaglag ang pinagbubuntis ko noon. Kaya imposible talagang buntis ako. Masama lang siguro ang pakiramdam ko kaya kung ano-ano ang naamoy kong mabaho.

''Hindi na... m-masama lang siguro ang pakiramdam ko kaya kung ano-ano ang naamoy kong mabaho.'' Saad ko.

Kumunot ang noo ni Paulina sa akin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. ''Masakit ang ulo mo, nahihilo at nagsusuka ka, tapos ngayon naman nababahuan ka sa fried chicken, eh senyales yan ng pagbubuntis, Chantria! Kaya ang mabuti pa bukas na bukas din ay sasamahan kita sa clinic para macheck up ka.''

Sa huli ay wala na rin ako nagawa kung hindi ang pumayag sa gustong mangyari ni Paulina.

Gaya nga ng sabi niya sa akin ay sinamahan niya ko sa clinic para magpacheck up.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko at sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.

Paano kung buntis nga ako? Paano ko bubuhayin ang anak naming dalawa ni Zyair?

Umiling ako sa sarili. Imposible, Chantria. Imposibleng buntis ka!

Imposible talaga dahil ang doctor na mismo ang nagsabi noon na nalaglag ang batang dinadala ko. Kaya imposible talagang buntis ako dahil kay Zyair lang naman ako nakipagtalik at wala ng sumunod pa na iba sa kaniya. Siya ang una at huli ko.

Simula nang iwan ko siya ay naging abala ako sa pagtatrabaho para makaipon sa pag-aaral ko kaya imposible talagang buntis ako!

Maya-maya lang ay lumabas ang isang doctor. Tinawag nito ang pangalan ko kaya agad akong lumapit sa kaniya. Hawak-hawak niya ang resulta ng test ko. Napalunok ako at pilit na kinakalma ang sarili.

''Ms. Chantria Lopez?'' Pagtatanong niya.

''A-Ako nga po.''

Ngumiti siya sa akin. ''Congratulation! You're 2 months pregnant!'' Pag anunsyo niya.

''Wala naman akong masyadong ipagbabawal sa'yo, iha. Iwasan mo lang ang mastress at ang mga mabibigat na trabaho. Dahil maselan ang pagbubuntis mo.'' Dagdag niya pa.

Nanlamig ako sa narinig ko. ''A-Ano po ang sabi niyo? A-Ako po b-buntis? Paano pong nangyari yon? Ang sabi po sa akin ng doctor noon ay nakunan ako... na nalaglag ang batang pinagbubuntis ko... kaya imposible pong buntis ako. B-Baka po nagkakamali kayo... paki double check na lang po.'' Gulong-gulo saad ko.

''Posibleng nagkamali ang doctor mo, iha. Gaya nga ng sabi ko maselan ang pagbubuntis mo. Kaya dapat iwasan mong mastress at gumawa ng mga mabibigat na trabaho. Katulad ng pagbubuhat at wag mo ring masyadong papagurin ang sarili mo.'' Paliwanag niya sa akin.

''Nasaan nga pala ang asawa mo?'' Pagtatanong niya.

''H-Hindi ko po alam kung nasaan ang ama ng bata.'' Sambit ko sa mahinang boses.

Kinagat ko ang aking labi at bahagyang yumuko.

''Ang mabuti pa ay reresetahan na lang din kita ng mga vitamins para kahit paano lumakas ang kapit ng bata sa sinapupunan mo. 19 years old ka pa lang, masyado ka pang bata. Kaya paniguradong mahihirapan kang mag buntis lalo't na wala kang asawang karamay. Ikaw ba ay tapos na sa pag-aaral?'' Pagtatanong niya ulit.

Umiling ako. ''Tumigil po ko sa pag-aaral... nagtatrabaho po ko ngayon sa isang karinderya.'' Marahang sagot ko sa kaniya.

Hawak-hawak ko ngayon ang resetang binigay sa akin ng doctor. Tulala lang ako pagbalik namin dito sa bahay. Si Paulina ay umalis lang saglit. Hindi pa rin ako makapaniwalang buntis nga ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Dapat ba kong maging masaya dahil buhay ang anak namin o dapat ba kong matakot dahil hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang anak naming dalawa.

Naghahalo ang takot at tuwa sa akin.

Takot na baka hindi ko mabigyan ng magandang buhay ang anak ko... takot na baka hindi ko magawang buhayin mag-isa ang anak ko. Takot na baka kailanganin ko muli siya.

Kinagat ko ang aking labi. Bumaba ang tingin ko sa maliit kong tyan. Marahan ko yong hinaplos.

''Baby? Naririnig mo ba si mama? Pasensya ka na ha? Hindi alam ni mama kung paano ka bubuhayin... pero wag kang mag alala, gagawin lahat ni mama para sa'yo. Gagawa si mama ng paraan para mabigyan kita ng magandang buhay. Magtatrabaho si mama para nang sa ganoon hindi mo maranasan ang hirap na naranasan ko... pipilitin kong bumangon para sa'yo anak. S-Salamat at hindi mo iniwan si mama... ikaw na lang ang meron ako. Kapit ka lang dyan ah? Wag na wag kang bibitaw. Magpapakalas tayong dalawa... pupunuin ka ni mama ng pagmamahal. Mahal na mahal kita, a-anak ko.'' Nabasag ang boses ko.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Ngumuti ako at pinahis ang aking mga luha. Kahit na mahirap ay kakayanin ko. Para sa anak ko.

Magsusumikap akong mabigyan lang siya ng magandang buhay. Pinapangako ko sa sarili ko na kahit gaano kahirap ang buhay ay hinding-hindi ako lalapit muli kay Zyair.

Hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa ibang tao. Bubuhayin ko at itataguyod ko ang buhay namin ng anak ko na ako lang mag-isa.

Kailanman ay hindi ko kailangan ng awa niya. Kaya kong mag-isa. Kaya ko ang sarili ko.

Hindi ko kailangan si Zyair. Hindi ko kailangan ng sino man.

Mabuti na rin alam niyang patay na ang anak naming dalawa.

Nang sa ganoon ay wala ng rason pa para magtagpo muli ang mga landas naming dalawa. Ayaw ko na siyang makita pa.

Dahil ayoko ng ilubog muli ang sarili ko sa kaniya.

Bumaba muli ang tingin ko sa aking tyan. Marahan ko 'yong hinaplos at ngumiti. ''Baby, hindi mo iiwan si mama, diba? Ikaw na lang ang meron ako... kaya wag mong iiwan si mama, ha? Pinapangako ko sa'yo kahit anong mangyari hindi ka papabayaan ni mama. Magpapakatatag si mama para sa'yo, baby. Kaya wag mong iiwan si mama, ha?''

''Pasensya ka na rin kung hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya, pero wag ka mag alala anak ko.'' Ngumiti ako. ''Pupunuin ka ni mama ng pagmamahal.'' Dagdag ko pa.

Hindi ko alam kung paano magsisimula muli, pero isa lang ang alam ko. Kakayanin ko ang lahat para sa anak ko. Siya ang lakas ko at siya na lang ang meron ako.

I already lost Zyair. I already lost my dream, and I already lost myself.

Hindi ko hahayaan na pati ang anak ko ay mawala sa akin.

Marahan kong hinaplos muli ang aking tyan. ''Wag ka mag alala baby, poprotektahan ka ni mama. Hinding-hindi kita papabayaan. Ikaw na lang ang kakampi ko sa buhay... m-mahal na mahal kita anak ko.''

''Ikaw na lang ang meron si mama, kaya wag mo kong iiwan, ha?'' Gumaralgal ang boses ko.

Magnificence (Fairytale Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon