FLASHBACK.....
"Guwapo!!!" Gulat na sigaw ko.
Ito kasing pinsan ko ay nagkukuwento tungkol sa mga crush niya sa lugar kung saan nakatira ang ate niya."Oo naman!!" sagot niya sa sinabi ko. "Seryoso ka!Anong mga pangalan?!"tanong ko sa pinsan ko. Oo mga kasi dalawa yung crush niya kung hindi makuha yung isa may isa pa just kidding!! Pero seryoso pati ako gustong makinig sa kwento niya.
"Jason at Kai"sagot niya sa tanong ko. "Ahh!" sagot ko sa kaniya. Sa totoo lang di naman talaga ako interesado sa pangalan nila pero tinanong ko at sabi niya isearch ko raw sa facebook para makita ko ang mga mukha nila.
Kaso napatigil ako dun sa huling pangalan na binanggit niya "kai" bulong ko "Who are you?"bulong ko ulit. Hindi naman nila naririnig kung ano yung sinabi ko dahil panay tili at tawa nila sa mga ikinukwento ng pinsan kong bakla.
Kinabukasan naisipan ko na i search ang pangalan ng mga crush niya dahil sa yun ang gusto niya yung Jason lang naman ang alam kong yung buong pangalan "Jason Dela Cruz" bulong ko habang tinatype ang pangalan sa facebook base sa description ng pinsan ko kulot daw ang buhok at mas matangkad siya.
"Eto na!!siya kaya tohh?!" Tanong ko sa sarili ko habang nagsscroll sa mga lumabas at eksaktong taga "SANTA LACIA UNIVERSITY" pagbasa ko sa lugar kung san siya ng aaral at dancer pala siya, basketball player din pero sa tingin ko mas interesado ako sa Kai kaysa sa Jason na tohh.
"Rein!!" Tawag bigla ni mama sakin. Nagulat pa ako nung una kaya pinatay ko kaagad ang phone ko. Lumakad ako papunta kay mama at sinunod ang inuutos niya habang ang isip ko ay si kai ang iniisip di ko alam kung anong meron sa kaniya pero sa tingin ko makikita ko rin siya. "Kai makikita rin kita"bulong ko na sure na sure na makikita ko siya "Di man sa Facebook malay natin sa personal" napangiti ako sa sinabi ko.
__________________
__________________"Rein!!!dalian mo!!" sigaw ni mama sakin." Opo!!nariyan na po!" sagot ko. Papunta kami ngayon sa school na eenrolan ko para sa darating na pasukan sasamahan ako ni mama dahil hindi ako familiar sa school na yon.
"Nadala mo ba ma yung lahat ng kailangan ko?para sa enrollment?" tanong ko kay mama habang palinga-linga sa daan baka may dumaan na sasakyan para makasakay kami agad papunta roon."Oo narito na lahat" sagot ni mama sa tanong ko,bago tumango ako sa kaniya.
Nang dumaan na ang bus ay agad kaming sumakay at pumuwesto ako sa may bintana nakatingin lang ako roon habang bumibiyahe. Pakiramdam ko ibang mundo na ang papasukin ko pagkatapos ng enrollment na tohh. Pero alam ko naman na kakayanin ko makakahanap rin ako ng mga bagong kaibigan First year high school na ako ngayon. Atsaka marami naman akong mga kakilala na taga lugar namin na magaaral din sa school na yon.
Pero teka ano ngaba ang pangalan ng school "Ma anong pangalan ng school na eenrolan ko?" tanong ko kay mama kaya nakatingin na ako ngayon sa kaniya "SANTA LACIA UNIVERSITY" sagot ni mama. "Ahhh ganun bah" sagot ko pero.."Po!! SANTA LACIA UNIVERSITY!" gulat na sabi ko. "Oo bakit?" Nagtatakang tanong ni mama "hmmm..wala po ganda ng pangalan ng school hehe" pagsagip ko sa reaksyon ko.
Tumingin nalang ako ulit sa bintana habang gulat na gulat pa sa nalaman ko ehhh sa school nayon nag-aaral si Jason na crush ng pinsan ko ibig bang sabihin non magkikita kami roon. "Cge hahanapin kita Jason"bulong ko habang nakangiti. Pero bakit ba ako kinakabahan palagay ko may darating na prince charming sa buhay ko chariss lang natawa pa ako sa iniisip ko.
"Hoyyy!!narito na tayo"sabi ni mama sakin na agad nag balik sakin sa realidad "Bababa na tayo ma?" Tanong ko. "Oo halika na"sagot ni mama. Pagbababa namin naglakad lang kami ng kaunti at nakita ko na ang school "SANTA LACIA UNIVERSITY" pagbasa ko sa nakasulat malapit sa gate, palagay ko nagsisimula na ang bagong buhay ko at sa pagpasok ko sa school na ito maraming magbabago.
BINABASA MO ANG
FOUR YEARS OF WHISPERED WISHES: A CRUSH UNSPOKEN
Короткий рассказA GIRL ENTER HER NEW WORLD AND IN THAT WORLD SHE FOUND HER FIRST LOVE AND FELT THE LOVE THAT SHE NEVER FELT EVER SHE FOUND HER TRUE FRIENDS THAT BECOME HER BESTFRIENDS.