PROLOGUE

26 5 0
                                    

"Rein!!Gising na!!"sigaw ni mama

Nagising ako dahil sa lakas ng sigaw ni mama, hindi muna ako agad tumayo dahil ramdam ko ang katamaran ko, "Rein!!ano ba!!gising na!!"sigaw ulit ni mama "Opo!!gising na!!" sigaw ko para ipaalam kay mama na gising na ako hayyy..anong oras palang pala tapos ginising na ako, nagising ako ng ala 6 ng umaga este ginising pala ako.

Naglakad ako papunta sa baba para kunin ang walis tambo para magsimula ng maglinis, magwawalis muna ako para matanggal ang alikabok bago magpunas katapos mag walis "Rein!!"sigaw ni papa "Ayy!!palaka!!"gulat na sabi ko "Po" pagsagot ko kay papa "Punasan mo yung refrigerator bago mo saksak ng 10 am" pagpapaliwanag ni papa "Sige pa" mahinahong sagot ko.

Ayun na nga katapos kong magwalis ay nagpunas ako ng lamesa, stove, at bintana hinuli ko na ang refrigerator dahil hindi pa naman 10 am, at pagkatapos ay naglinis ako ng mga bath rooms sinunod ko ang manampay ng damit at tupiin ang mga tuyong damit hindi na kami namamalantsa dahil sa madadagdagan ang bayaran sa kuryente.

"Yam!!" Tawag ko sa kapatid ko "Magsaing kana!!" Tawag ko ulit este sigaw ko pala, ang kapatid ko na ang nagsasaing at nagpapainit ng tubig para sa pagkakape dahil ako na ang nakaassign sa paglilinis ng bahay "Yam!!gising na!!" Sigaw ko ulit dahil hindi pa siya nagigising gusto pa ata niyang mawalan ako ng boses kakasigaw bago siya gumising "Oo!!" pagsagot ng kapatid kong tamad.

Araw-araw lagi nalang akong tagasigaw sa kaniya mas okay na rin yon dahil nakakaganti ako ng pagsigaw dahil sinisigawan ako ni mama pero chariss lang, nakita ko bumukas ang pinto at lumabas na ng kwarto ang kapatid ko "Buti naman at gising kana magsaing ka na" pagpapaalala ko sa kaniya "Oo!!" Sigaw niya sa akin, grabeh makasigaw pinapaalala ko lang naman.

Pagkatapos kong mag linis ay kinuha ko ang cellphone ko para e check ang mesenger at sa palaging inaashang pangyayari walang chat, minsan nakakatamad mag online dahil parang sementeryo ang messenger ko sa sobrang tahimik, actually mga kaibigan ko lang naman ang ka chat ko at ang mga best friends ko.

Kaya para magkaroon ng ka chat ay ako ang nagfifirst move ohh see magrereply sila kaya may ka chat na ako. Lagi kong nakakausap sila Thea and Celene na mga kaibigan ko my bestfriends. kadramahan, kakwentuhan, kasama sa kalokohan sa lahat magkakasama kami.

"Ate!!!Tapos kana ba?" sigaw ng kapatid ko."Oo tapos na ako!!" Kakatapos ko lang maglinis ng bahay at ngayong gabi ayy lalabas kami para pumunta sa tindahan na binabantayan nina mama "Tulungan na natin sina mama malapit na magsira"pagpapaliwanag niya".

Lumabas kami ng bahay habang naglalakad ay tingin ako ng tingin sa langit "Ayyy!!!bakit walang moon?" malungkot na sabi ko. Habang naglalakad natanaw kong naguusap si ate at si mama si ate Mica siya ang asawa ng kuya ko, mukang importante ang pinaguusapan nila at ng papalapit kami ay nakangiting sinalubong kami ni ate Mica.

"Rein!!!Sa ibang school na kayo mag-aaral"biglang sabi ni ate. "Huh?!!" gulat na sabi ko gulat din akong napatingin sa kaniya at kay mama parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya ibig sabihin lilipat kami ng school at maiiwan ko ang mga bestfriends ko roon pati si Goshh!! anong gagawin ko! Pero isa lang ang malinaw sa akin "Wala na akong magagawa" bulong ko sa sarili ko.

FOUR YEARS OF WHISPERED WISHES: A CRUSH UNSPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon