Michael
I'm busy reading my reviewer for our exam when i heard sounds of crying. Don't feel scared because this is park and Ghost in the morning? that's impossible.
I watched many horror movies and wala akong nakikitang multo na nagpapakita sa umaga.
Nung una ay hindi ko pinansin ang umiyak na iyon dahil sa tingin ko ay imahinasyon ko lamang iyon.
"Nana" umiiyak na sabi nung batang multo or ano man.
Nanatiling ang mga mata ko sa reviewer na binabasa ko pero nalipat yon nung may kumolbit sa akin.
Isang batang babae na sa tingin ay mga nasa apat o limang taong gulang. Eto siguro yung naririnig kong umiiyak.
"Kuya nakita niyo po ba yung Nana ko" umiyak nitong tanong habang ginagala ang mga mata sa paligid
"Hindi eh, alam mo ba yung numero ng Nana mo or alam mo ba ang address niyo para maihatid kita" sabi ko sa bata.
Umiling ito at patuloy na umiyak. "Shh.. Huwag ka nang umiyak hahanapin natin ang Nana mo" kinuha ko ang aking reviewer at nilagay sa bag ko.
Nang matapos sa pagkakalagay ay sinukbit ang aking bag sa aking magkabilang braso at tumayo.
"Tara" aya ko sa bata at hinawakan ng bata ang aking kamay.
SABAY namin hinanap ang Nana niya hanggang sa makita namin. Kanina pa papala siya hinahanap nito.
Bigla daw kasi nawala ang bata at nahirapan hanapin ng matanda itong bata dahil walang masyadong itong alam sa lugar dito.
"Iho maraming salamat sa pag sama sa apo kong ito na si Laura"
"Wala pong anuman" sabi ko.
"Kuya ano pong pangalan niyo?" tanong ni Laura. Sinuway ito ng lola ngunit ngumoso lang ito.
"Michael" tangi kong tugon at ginulo ang buhok nito.
"Una na po ako" sabi ko at kumaway kay Laura. Nagsimula na maglakad palayo sa kanila.
"Wait lang kuya" napahinto ako sa paglalakd at humarap sa kanya.
Huminto ito sa harap ko at inabot sa akin ang isang pang ipit ng buhok. "ito po kuya pang ipit magulo po kasi ang buhok niyo eh, paki ingat po paborito ko iyan" pagkasabi nito ay tumakbo pabalik sa Lola niya.
Ngumiti itong kumaway sa akin. Kaya kumaway ako pabalik bago bumalik sa paglalakad.
Tinago ko ang pang ipit sa bag ko dahil baka mawala. Hindi ko masasabing malas ang araw ko ngayon dahil hindi ako nakapag review at baka bumaksak ako sa exam bukas, dahil binuhos ko ang buong maghapon ko para tulungan ang batang nag ngangalang Laura.
Pwede pa naman ako magreview mamayang gabi.Tinignan ko ang aking relo at mag aalasais na ng gabi. Kailangan ko na ng umuwi.
BINABASA MO ANG
The Pretentious One (Age Gap Series 2)
Short StoryAge Gap Series 2 Michael Prado Castro is a businessman and a pretentious person; he always acts like a good person to cover his dark secrets, and he'll do anything to ensure that no one can discover his pretentious act, even abducting an innocent nu...