Bago ako pumasok sa sasakyan ay tinignan ko sa huling pagkakataon ang bahay, mali mansiyon na yun.
Biglang nawala yung lalaking nakamaskara na nagngangalang Night pagkatapos naming mag usap. Nang sabihin niyang pauuwiin niya na ako ay umalis ito sa hindi malamang dahilan.
Mas mabuti na iyun dahil ayokong umosbong pa kung ano itong nararamdam ko, maliban sa galit dahil pagkuha niya sa akin.
Nakaramdam ako nang kaonting dismaya ng di man niya man lang ako hinatid sa palabas. Napakagat ako ng mariin sa aking pang ibabang labi, Laura gumising ka hindi ka dapat nakakaramdam ng ganyan dapat masaya ka dahil sa wakas pinakawalan ka niya.
Habang nasa byahe ay ibinaling ko nalamang aking atensyon sa bintana at tumitingin sa mga dinaanan namin. Pansin kong eto yung kalsada na tinakbuhan ko na kung saan nahuli niya rin ako. Ibigsabihin ay malapit lang mansiyon na yun dito.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog ako sa byahe.
Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat "Ma'am nandito na po tayo" unti unti kong minulat ang aking mga mata at napaayos ako nang upo ng mapansing nasa iskinita kung saan ako kidnapped.
Nilingon ko ito at nakasuot din ito ng maskara kagaya din ng amo niya. Inusisan ko muna ang itsura nito bago ako bumababa at nagpasalamat.
Naglakad na ako patungo sa simbahan habang dala dala ang mga gamit ko.
Nang nasa tapat na ako ng malaking pinto ay kumatok ako ng alam kong sapat na para marinig ng nasa loob.
Bumukas ito at ang nagbukas ay si sister Julie. Nagulat pa ito ng makita ako pero napalitan din ng ngiti.
"Sister laura" sinugod ako nito ng isang mahigip na yakap. Gumanti ako ng yakap sa kanya.
"Sister julie" bulong ko.
Humiwalay ito sa pagkakayap sa akin. "Kumusta ang pag uwi mo sa probinsya?" nakangiti nitong pag uusisa.
Alanganing akong ngumiti bago sumagot sa kanya.
"Maayos naman, pwede bang magpahinga muna ako sister Julie ahm medyo na pagod ako sa byahe""Oo naman!" kinuha nito ang hawak kong bag na may lamang mga damit.
Malapit na kami sa kwartong tinutulugan namin ay nakasalubong namin si mother superior. Bumati kami pareho ni sister Julie at bumati ito pabalik ngunit nakatingin ito sa akin ng makahulugan.
"Magpahinga na kayo, lalo ka na sister Laura" anito habang hindi nagbabago ang tingin nito sa akin.
"Opo" sabay naming sabi ni sister Julie at pumasok na sa kwarto.
Walang imik akong humiga, pakiramdam ko pagod na pagod ako sa lahat. Nagpahila ako sa pagod at nakatulog dahil doon ay nakaligtaan ko nang magdasal.
ILANG ARAW na ang lumipas at pilit kong binabalik ang sarili ko sa dati. Ayoko ng ganto ako. Para hindi
ko siya maisip ay nagfocus nalang ako sa pagtuturo at pagsisilbi sa simbahan.Nang matapos kaming patulugin ang mga bata ay dumiretso kami ni sister Julie sa aming kwarto at binuksan ni sister Julie ang telebisyon dahil daw may gusto niya daw maging updated sa bansa.
Rumehistro sa aking mukha ang gulat ng binalita ang pamamaril na nangyari sa pagitan ng mga pulis at kilalang wanted na kriminal na nagngangalang Night. Ang lalaking kumidnap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Pretentious One (Age Gap Series 2)
Storie breviAge Gap Series 2 Michael Prado Castro is a businessman and a pretentious person; he always acts like a good person to cover his dark secrets, and he'll do anything to ensure that no one can discover his pretentious act, even abducting an innocent nu...