Lumipas ang dalawang araw ay iniwasan ko ito at hindi kinikibo. Sa nakalipas na araw yun ay hindi ko magawang makatakas dahil may mga malalaking aso sa paligid ng bahay.
Wala namang problema sa lalaking yun kung maglibot ako at kung anong gusto kong gawin maliban sa pagtakas.
Dahil wala akong magawa at nagugutom na rin ay napagdesisyonan kong magluto sa baba. Pagkababa ko ay naabutan ko siyang nanonood ng tv.
Hindi ko nalamang ito pinansin at dumiretso sa kusina para magluto. Tumungo ako sa ref para kunin yung mga gagamitin ko sa pagluluto.
Nang makuha ang kailangan ko ay nagsimula na ako. Hindi nagtagal ay may matigas na braso ang yumakap sa aking leeg galing sa aking likuran.
"Ano satingin mo ang ginagawa mo?" matigas at may diin kong sabi.
Hindi ito umimik at humigpit ang pagkakayap nito. Nanatili ito nakayakap habang magluluto ako, pilit kong tinatanggal pero ayaw niyang bumitaw. Kaya wala akong ibang pamimilian kung hindi hayaan siya.
Kailangan ko nang umalis dito, kundi ay masisiraan ako nang bait dahil sa kanya.
Matapos akong magluto ng sinangag ay kumalas ito sa pagkakayap at hinawakan ang magkabila kong balikat, pinihit paharap sa kanya.
"I'm sorry Laura for my words 2 days ago, I just I want you to stay with me" nagkagitla ang aking noo dahil sa pagkabanggit nito sa aking pangalan. Paano niya nalaman ang pangalan ko? pero maraming sagot sa tanong kong iyun dahil nasa kanya pa ang gamit ko, nandoon ang mga Id ko at mga importante pang bagay.
"Pauwiin mo nalang ako dahil wala ka namang mapapala sa akin, Hindi ako mayaman kaya wala kang makukuha sakin" pinapahirapan niya pa ako, kung pwede namang niya ako pakawalan. Wala siyang mahihita sa akin kahit singko duleng.
"Ayoko! dito ka lang" kung kanina ay maamo itong tupa ngayon ay parang tigre ito kung magsalita.
"Pero ayoko dito, kahit anong ipilit mo hindi ko gusto manatili dito" lintaya ko kasabay ng pag init ng aking mga mata.
"Why? maganda naman 'tong bahay, kayang kaya kitang bigyan ng mga bagay na gusto."
Umiling ako "Una sa lahat hindi kita kilala, ang alam ko lang ay isa kang kriminal at pangalawa ayoko ng kahit ano galing sayo, ang gusto ko lang ay ang kalayaan ko" pinal nitong sabi at inalis ang kanyang kamay sa aking balikat.
Iniwan ko siya doon habang dala ang tapos ko nang lutuing sinangag. Kumain ako sa sala sa kadahilanang ayoko siyang makita.
Nagsimula na akong kumain lalo't kanina pa ako gutom. May umupo sa tabi ko pero hindi ko pinagtuonan ng pansin dahil alam kong siya yun.
Pinatong itong tubig sa babasaging lamesa katabi ang mga bote ng beer. Kaya pala ang amoy alak siya.
Tinututok ko nalamang ang aking mata sa mamahaling telebisyon na nasa harap ko.
Habang nanonood at kumakain ay biglang binalita si Mr Castro na nagbigay ng ulit ng donasyon sa kumbento na tinutuluyan ko pero ngayon ay mas malaki na at pinakita pa sa balita ang iba't iba niya pang natulungan.
Ngayon lang akong humanga sa isang kagaya niya, hindi dahil sa hitsurang meron siya kung di sa magandang loob na meron siya.
"H'wag ka masyadong maniwala sa mga nakikita mo"
awtomatikong ako napalingon sa kanya kaya nagtama ang mga mata niyang abo sa aking kayumangging mga mata. Magkasingkulay sila ng mga mata ni Mr Castro at sa laki ng katawan ay tsansa ko ay pareho lang sila ng laki pero napaka imposible na si Mr Castro etong lalaking 'to.Nakamaskara ito kaya hindi ko rin masasabi.
"Anong ibig mo sabihin?" nakataas kong kilay na tanong."Wala" sabay kinurot ang tungki ng ilong ko. Marami na akong kasalanan sa diyos, siguro ay kailangan ko ulit magdasal. Nagdasal ako kanina bago lumabas ng kwarto.
Speaking of kwarto ay labis kong pinagpasalamat ay magkahiwalay kami ng kwartong tinutulugan, kahit paano ay naging panatag ako.
May kung anong bagay ang nagalaw sa tiyan ko pagkatapos niyang kurutin ang tungki ng ilong ko. Sa palagay ko ay kailangan kong humingi ng kapatawaran sa diyos dahil sa aking iniisip.
BINABASA MO ANG
The Pretentious One (Age Gap Series 2)
Historia CortaAge Gap Series 2 Michael Prado Castro is a businessman and a pretentious person; he always acts like a good person to cover his dark secrets, and he'll do anything to ensure that no one can discover his pretentious act, even abducting an innocent nu...