Ika-Labing Apat Na Kabanata

10 1 0
                                    

KYRA'S POV.

6:00 PM na nung naka uwi ako dito at ngayon kasalukuyan na akong nasa hospital room ni mama dipa din nila alam na may nangyari kanina sa pinagtatrabahuhan ko ayoko munang sabihin sa kanila ang tungkol dun atsaka baka ma-stress lang si mama kapag sinabi ko kanya at makasama pa lalo sa lagay nya.

KINABUKASAN

Kasalukuyang akong naghahanda ngayon para pumasok ulit sa trabaho buti nalang hindi ako sinuspinde at tinanggal lalo't na kailangan na kailangan ko talaga ito.

Hindi ko narin nagawang mag kwento kay bes dahil sobrang pagod ako galing sa café kaya mas pinili ko munang sarilinin yung nangyari pero alam ko sa sarili ko hindi ko matagal na maitatago ito kay bes dahil malakas ang radar nung babaeng yun.

Kagaya kanina kahit hindi ko sabihin alam nyang may bumabagabag sakin dahil sa tingin nya pa lang sakin kanina ay gusto nya akong tanungin kung may mali ba o wala pero mas pinili nya ring itikom ang bibig nya dahil kilala nya ako hindi ako magsasalita kung hindi pa akong handang sabihin.

At C.V.P Café

Kasalukuyan akong nag huhugas ng mga kasangkapan sa kusina ngayon ako muna ang nagiging dishwasher ngayon dahil hindi pumasok sa trabaho ang dishwasher namin sa kadahilanang may emergency daw sila kaya ako ang nakaduty ngayon sa kusina

"Oh bakla ito pa hugasan mo daw yan".Carl

"Salamat ah!? Dinagdagan mo trabaho ko" patawa-tawang sambit ko sa kanya

"Walang anuman, hanggang mamaya ka dyan bakla Ohsya maiiwan na kita dito puntahan ko muna si papa jake dun" patawang tugon ni carl sakin

"Ang tanong hinahanap ka ba?" pahabol ko

"Che! Letse! Ang pasmado ng bibig nito, sige na maiwan na talaga kita dito kailangan pumunta don baka hinahanap nako ni ma'am" sagot naman ni carl

Ng umalis si carl bumalik ulit sa pagiging tahimik sa kusina pero akala ko tuloy-tuloy na magiging tahimik hanggang sa bumalik ulit si carl sa loob para sabihing may naghahanap daw sakin at kasalukuyan itong nasa opisina

"Bakla ako na dyan may naghahanap daw sayo sabi ni ma'am at bakla hindi ko alam na may kakilala kang pogi pakilala mo naman sakin" sambit ng kasamahan kong si carl

"Sino? Lalake? Teka hindi ka yata loyal kay Papa Jake mo? Akala ko ba sya gusto mo tapos ngayon nagpapareto ka? Sumbong kita!" sagot ko naman

"Sabi ko nga loyal ako kay papa jake sge na layas na! Letse ako na bahala dito" sambit ni carl

Pagkatapos kong makipag-asaran kay carl at dali dali na akong umakyat sa opisina para malaman at makita ko kung sino naghahanap sakin pero sino nga kaya?

At ng marating ko ang pinto dali-dali kong kinatok ito at binuksan pero laging gulat kung bakit nandito ang taong ito bakit nandito si señyor? Anong kailangan nya sakin?

"Magandang Hapon po señyor/mam" bati ko sa kanila

"Magandang Hapon din" sagot ng senyor pabalik

"Maari mo ba kaming iwan Mrs. Thea? May pag uusapan lang kaming importante ni Ms. Rivera" wika ng senyor

Importanteng pag-uusapan?
Ano pag-uusapan namin?

"Sge po maiwan ko muna kayo" Sagot ni Mrs. Thea

"Kamusta ka na Kyra?" tanong nya sakin

"Maayos naman ho ako senyor at bakit ho kayo nandito? Mawalang-galang na ho bakit po nandito ang taong tumaboy sa sarili nya apo at mas pinipili nya ang hindi nya kadugo mas pinili niya ang apu-apuhan nya? Maari ko po bang malaman senyor" tuloy-tuloy kong sambit sa senyor

"Iha ako'y lubos na humihingi ng tawad sa nagawa ko alam kong mali na tinaboy kita nandito ako para bumawi at gusto kitang tulungan nakarating sakin na kakailanganin ng mama mo na maoperahan sa paa si Elizabeth para tanggalin ang tumor aa kanyang paa sa lalong madaling panahon at hindi mo na rin kailangang magtrabaho at mas eenjoy mo buhay mo sana tanggapin mo apo" wika ng senyor sakin

"Salamat nalang po sa tulong ninyo senyor pero mas nanaiisin ko pa pong magtrabaho ng 5 klaseng trabaho para lang matustusan ang pangangailangan namin ng mama ko kaysa humingi ng tulong sa iba at hindi po ako tinuruan ng mama ko na umasa iba na ang dapat kong gawin ay tumayo ako sa sarili kong mga paa" wika ko sa senyor

"Iha naiintindihan ko kung galit ka pa rin sakin hanggang ngayon dahil sa ginawa kong pagtaboy sa inyo ng mama mo naiintindihan ko din ang sagot mo sge hindi kita pipilitin narito sa papel nato ang numero ko kung sakali mang magbago ang isip mo apo sge mauuna na ako Ms. Rivera salamat sa oras" wika ng senyor

"Wala anuman ho senyor" malamig kong sambit sa kanya

Pagkatapos magpaalam ng senyor sakin ay umalis na agad sya pero aamin ko natuwa ako ng marinig kong tinawag nya akong apo at hindi na bastarda.

GAME OF LOVEWhere stories live. Discover now