Chapter 1

994 15 1
                                    

ITINALI ko ang lubid sa kahoy ng kisame at gumawa ng hugis bilog na kakasya sa ulo ko. Bago ko pa isuot ito ay napatingin ako sa salamin sa pader at nakita ko ang sunog na parte kong mukha.

Naluha ako nang hawakan ko ang mukha ko, at bigla ko na lang naalala ang ginawa ng kambal kong si Bridget. Tanaw ko sa salamin ang mukha niya sa TV. Masaya siyang nakikipag-usap sa reporter tungkol sa upcoming merger agreement between our company and my husband's company.

Nangangalit ang mga ngipin kong makitang nagtagumpay siya sa ginawa niya. Inagaw ni Bridget ang lahat— ang asawa ko, ang anak ko, ang mga magulang ko, ang yaman na dapat sa akin at ang pagkatao ko. Gusto kong magpakamatay. Nawawalan na ako ng pag-asang mababawi ko pa ang buhay ko noon. Masyado ginalingan ni Bridget ang pagplanong pagdispatsya sa akin.

Napalunok ako at huminga ako nang malalim nang isuot ko na ang lubid sa leeg. Tumingala ako at hinila ko ang lubid para tiyakin matibay ito, pagkatapos ay pinahid ko ang mga luha ko. Ipapaubaya ko na sa langit ang paghihiganti ko sa kaniya.

This is my end.

Bago ko pa patumbahin ang upuan ay biglang sumigaw si Nanay Mely na halatang kararating niya lang galing sakahan. Dinig kong nabitawan niya ang mga na-harvest niyang kamote.

"Jusko, Bethany!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ang mga binti ko para di ko mabitawan ang upuan. Nang dahil do'n ay bumuhos bigla ang mga luha ko. Sa sobrang bigat ng puso ko ay napahugulgol ako habang hawak ko pa ang lubid sa leeg. Sa totoo lang ay natatakot akong magbigti, natatakot ako na baka hindi ako ipaghiganti ng langit. Baka kapag nawala na ako ay pagsisihan ko ito dahil hindi ako kumilos at lumaban.

"Pakiusap, hija, bumaba ka na d'yan," mahinahong sabi niya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tumango ako at tinanggal ko ang lubid sa leeg ko. Inalalayan pa ako ni Nanay Mely na bumaba dahil nanghihina na ang katawan ko, nalipasan na rin kasi ako ng gutom. Pagkababa ko ay agad niya akong niyakap.

"H'wag mo nang uulitin 'yan, Bethany, ah? Hindi pa katapusan ng mundo para magpakamatay ka. Isipin mo ang pamilya mo at ang anak mo. Paano mo sila maproprotektahan kung wala ka na? Magpapatalo ka ba kay Bridget? Hahayaan mo na lang ba siya?"

Kumawala ako ng yakap, muli akong huminga nang malalim at tiningnan ko ang mukha ni Bridget sa tv. Tila sumiklab ang galit ko sa puso kaya napakuyom ako ng kamay.

"Tama ka, Nanay Mely. Pagbabayaran ni Bridget lahat nang ito. Sisiguraduhin kong hindi mauuwi sa wala ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ko."

Mas lalong uminit ang katawan ko dahil sa poot nang makitang hinalikan niya ang asawa ko sa harap ng mga media. Highschool pa lang kami ay alam ko nang may pagtingin siya kay William pero hindi ako magpapatalo.

She started a war. I intend to finish it.

***

BETHANY

"I DON'T WANT TO GET MARRIED, DAD!" protesta ko nang marinig kong ikakasal na ako sa lalaking hindi ko pa kilala.

Napatindig si Dad mula sa kaniyang kinauupan dahil sa sinabi ko. Sa lahat ng bagay na hiniling ko sa kanila, itong pagtutol ko sa kasal ang hindi nila ako kayang pagbigyan. Hindi ko alam pero may kung anong bigat akong naramdaman sa puso ko. Bakit ako? Bakit kailangan pilitin kong gawin ang gusto nila?

Di ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko dahil di na matutupad ang pangarap kong makasama habambuhay si William—ang lalaking ng laman puso ko since high school.

"Mas mahalaga ba sa inyo ang kompany kaysa sa akin, Dad? Why can't you consider my feelings? Anak niyo ako! Bakit ipamimigay niyo ako sa taong ni kailanman di ko pa nakita?" naiiyak kong wika sa kaniya.

Switched Bride Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon