PAGKAPASOK ni Bridget sa opisina ng dad niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal ng kanyang ama sa kaliwang pisngi.
Galit si Kingsley nang malaman ang ginawa ni Bridget kay Bethany.
Nagsitindig ang mga balahibo ni Bridget sa ginawa ng ama sa kaniya. Gulat na gulat siya sa nangyari. Siguro sinumbong siya ng mommy niya o baka si Bethany?
"How dare you try to ruin your sister's wedding! Bakit mo ginawa 'yon, Bridget?"
Nakita ni Bridget ang ugat sa leeg ng dad niya habang namumula ito sa galit. Nanginginig ang mga kamay ni Bridget sa takot. Ngayon niya lang muli ito nakitang nagalit simula no'ng hindi siya ang naging valedictorian no'ng grade school.
Napalunok na lang siya at sinubukang pakalmahin ang sarili.
"D-Dad. . . B-Bethany asked me to do that. She even begged me na mag-switched kami. I-I am so sorry. I-I really didn't mean it," malumanay niyang pagsagot dito.
Pinipigilan ni Bridget ang mga luha niya dahil ayaw niyang makita siya nitong mahina.
"I don't believe you, Bridget. Your mom told me the whole truth. You're in love with William. Am I right?!"
Nanlaki ang mata ni Bridget sa narinig niya. Tila hindi sumasang-ayon ang tadhana sa kaniya. Gusto niya lang naman maranasan na makasama si William sa maikling oras lang. Gusto niya lang maramdaman kung paano siya mahalin ni William kahit nagpapanggap lang na siya si Bethany. Kahit saglit lang.
Bakit lahat na lang pinagkakait sa kanya? Saan siya ngayon huhugot ng lakas ng loob kung kahit sarili niyang pamilya ay tinatalikuran siya?
Tikom ang bibig ni Bridget. Hindi siya makapagsalita dahil natatakot siya na baka mas lalong magalit ang dad niya. Inaantay niya na lang na palabasin siya nito para sa silid niya na lang ibuhos ang luha.
"Paano na lang kung malaman ng mga Remington ito na ang kasama pala ni William sa wedding ceremony ay ikaw at hindi si Bethany? We've got everything, Bridget. Pwede kitang i-arrange marriage sa ibang lalaki, 'yong mayaman at kasing gwapo ni William."
"I don't need someone, Dad. Mamahalin ko ang taong mahal ko. Hindi ko hahayaang ikaw ang mag-control sa buhay ko ngayon at sa magiging buhay ko sa hinaharap. Like I said to you earlier, nakiusap si Bethany sa akin kaya nagawa ko 'yon."
"Come on, Bridget. I know everything at kilala ko si William. Alam kong naging kaklase niyo ni Bethany si William no'ng high school kayo. So, please stop fantasizing William because he is now your brother-in-law."
Marahang tumawa si Bridget na may sarkastikong tono. She expected this to be happen. She expected na kakampihan na naman ni Kingsley ang kapatid niya.
Sino ba naman siya para tutulan ang mga sinasabi nito? She doesn't have a power to explain her side dahil ang nakikita lang sa kaniya ay puro kamalian lamang.
"I know, Dad. Alam kong siya ang kakampihan mo kahit ilang beses ka na niya binigo. Kahit naging rebelde pa noon si Bethany, siya pa rin ang iniisip mo. Ako lang naman ang anak mong ginagawa ang lahat para maging proud ka o kayo ni mommy. Ako rin ang nagpupuna sa lahat ng bagay na wala kay Bethany. Pero ano ngayon? Ano ang naging resulta? Siya pa rin, Dad? Si Bethany pa rin!"
Sa sobrang bigat na nararamdaman ni Bridget ay di na niya napigilan ang mga luha. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya saka siya muling nagsalita.
"What about me? Alam mo ba ang nararamdaman ko, Dad? Alam mo bang sobra akong nasasaktan? Alam mo bang naiinggit ako dahil siya ang kinakampihan mo? Siya pa rin ang iniisip mo kung ano ang magiging future niya. Paano na lang ako? Paano na lang ang anak mong ginagawa ang lahat para mapansin mo. Na sana balang araw. . . ako naman at hindi na si Bethany. Na sana ako rin mahalin niyo ni mommy."
BINABASA MO ANG
Switched Bride Book 1
RomanceBethany's heart rekindled when she saw William again-the man she had crushed on since high school. However, she was about to marry a man she hadn't met yet because of their company. She begged her twin sister Bridget to take her place as the bride...