BETHANY
WALANG GABI na hindi ako pumupunta ng bar para lumaklak ng alak at makalimutan ko sandali ang problema ko sa buhay. Ikakasal na pala ako bukas pero andito pa rin ako sa loob ng bar umiinom ng tequila.
"Bethany, stop it! Tama na!" ani Bridget nang kunin niya sa akin ang baso ko at nilayo ang bote ng tequila.
"You can't stop me, Bridget. Kailangan ko 'to para makalimutan ko problema ko. Give me back my tequila!" reklamo ko kaya sinubukan kong kunin ang baso sa kaniya ngunit bigla akong naramdaman ng bigat sa ulo at pagikot ng paningin ko.
"Argh! Sh*t!" sigaw ko nang mapasandal ako sa bar table kasabay ng paghawak ko sa ulo.
"Halika na. Umuwi na tayo. Halos mangalahati ka na sa tequila, Bethany! Magpapakamatay ka ba?" galit tonong wika niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango.
"Oo, mas gusto kong mamatay kasya mabuhay kasama sina Mom at Dad! Kaysa ikasal ako sa iba! Ehe!"
Sinamapay niya sa balikat niya ang braso ko at inalalayan akong maglakad papasok ng sasakyan. Talagang pumunta siya sa bar para sunduin ako? Napaka-swerte ko naman kay Bridget! Ehe! Pagpasok namin ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ko 'yon pinisil-pisil.
"Grabe talaga. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na kambal tayo at parehong maganda. Nakikita ko ang mukha ko sa'yo pero kabaliktaran ng ugali ko. Bakit ba sobrang bait mo? Ha? Hindi ka ba nakaramdam ng inggit dahil naging kami ni William? Ehe! Alam ko namang may gusto ka kay William, Bridget. Nabasa ko sa diary mo noong high school pa tayo at inamin mong crush mo rin siya. Bakit di ka nagsalita sa akin noon? Bakit hinayaan mong mapunta si William sa akin? Ba't di ka lumaban? Tell me, do you still love him?" aniko sa saka ko binitawan ang pisngi niya.
Inantay kong aminin ni Bridget na may pagtingin din siya kay William pero nagpaubaya siya dahil kapatid niya ako. Nakikita ko namang mahal ako ng kapatid ko but I feel sorry for her. Hindi ko naman kasi sinadyang pareho namin mamahalin ang isang lalaki. Ilang beses na rin akong nag-reto ng mga lalaking kilala ko para lang magka-jowa si Bridget pero wala siyang interest sa relationship. Natatakot ako para sa kanya, paano kung maging matandang dalaga siya? Ang lungkot naman ng buhay no'n, walang karamay at masasandalan pagtanda mo.
"Haaay. Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin alok ko na ikaw na lang ang ikasal instead me?"
"Dahil ayokong masaktan kita, Bethany."
Nakakunot-noo ako dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit naman ako masasaktan kung siya ang ikasal? Hindi ba dapat ako ang makikinabang no'n?
"Bakit mo nasabi 'yon?" tanong ko sa kaniya.
Nang sasagot na siya ay bigla na lamang ako nawalan ng malay. Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na alam ang sunod na nangyari sa akin. Nagising akong maliwanag na ang paligid. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at nang bumalik na ako sa huwisyo ay nabigla ako nang matantuang nasa kuwarto pala ako ni Bridget. Ginala ko ang paligid upang hanapin ang wall clock niya at laking gulat kong makitang mag-a-alas dyes na pala ng umaga.
"Omg! Ilang oras na lang ikakasal na ako!"
Tarantang lumabas ako ng kuwarto at pagkalabas ko ay bigla akong nakita ng isa naming yaya na naglilinis sa sala.
"Good morning po, Miss Bridget. Kanina pa po kita ginigising pero tulog pa po kayo. Hinahanap ka na po nina Ma'am Celine at Sir Kingsley. Nasa Roseville House po sila ngayon, naghahanda para sa kasal."
Lihim akong natawa nang marinig ko sinabi niya. Kahit matagal na sila sa mansyon, nalilito pa rin sila sa mukha namin ni Bridget. Kung sabagay, ako naman nagpumilit na magpanggap ang kambal ko sa araw ng kasal ko. Dagli akong umakyat sa kuwarto ko at naligo para makahabol sa kasal, baka kasi mahalata nina mom at dad na wala ako at kapag malaman na nagpalit kami ni Bridget baka mas lalong maging komplikado ang lahat. Paglabas ko ng bathroom at pagkatapos kong mag-ayos ay mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay para puntahan sila sa venue.
BINABASA MO ANG
Switched Bride Book 1
RomanceBethany's heart rekindled when she saw William again-the man she had crushed on since high school. However, she was about to marry a man she hadn't met yet because of their company. She begged her twin sister Bridget to take her place as the bride...