Chapter 4

120 1 0
                                    

BETHANY

SUMUNOD akong pumasok sa kuwarto nang mauna si Bridget. Ngumiti siya sa akin nang palapit na ako.

"Bethany, I'm so happy na si William pala ang groom!" masayang wika niya ngunit isang malakas na sampal ang inabot ng pisngi niya.

Biglang napahawak sa pisngi si Bridget at napansin kong tumulo ang luha niya, siguro dulot ng kirot na nararamdaman niya dahil sa ginawa ko.

"So, you knew everything all along and yet you enjoy not to tell me the truth? I can't believe you, Bridget! Paano mo nagawa sa akin 'to? It's because you're still in love with William?" pasigaw kong wika sa kaniya saka siya nagsalita habang lumuluha.

"No. No. It's not what you think, Bethany. Hindi ko sinadyang gawin 'to sa'yo. Ngayon ko lang din nalaman na si William 'yong pakakasalan mo. Hindi ko alam na siya 'yon, nagulat din ako kanina sa altar. Please believe me, Bethany. I'm begging you!"

Napabuga ako ng hangin dahil huling-huli na siya sa akto.

"Huh? Kaya pala kanina nagpapasalamat ka sa akin dahil tinulungan mo ako. Akala ko sincere 'yon pero hindi pala. Saka naalala ko no'ng sinabi mo sa akin na ayaw mo akong masaktan no'ng hindi mo tinanggap alok ko sa'yo? I was drunk that time but I remember it. Niloko mo ako, Bridget. Akala ko pa naman kakampi kita pero isa ka pa lang ahas. Mang-aagaw!"

Tumigil siya sa pag-iyak pagdaka'y tumayo siya at hinarap akong nakakunot ang noo.

"Bakit pinag-iisipan mo ako ng masama, Bethany? I am your sister at kilala mo ako! Hindi ko magagawa 'yon. Oo, aaminin kong may gusto ako noon kay William pero hindi ibig sabihin na lolokohin kita."

Bumuga ako ng hangin saka sarkastikong tumawa. Malakas ang kutob kong nagsisinungaling siya.

"Talaga lang ha? Sinamantala mo ang pagkakataong ito para makuha ang gusto mo! Inagaw mo sa akin ang isa sa pinakaimportanteng event sa buhay ko, Bridget. That was my wedding. Mine not yours! Hindi ka talaga aamin? Baka mapatawad pa kita kung aamin ka."

Lumapit ako sa kaniya saka tinaasan ko siya ng kilay habang nakatitig ako sa mga mata niya. Bigla niyang nilayo ang tingin niya sa akin at kitang-kita ko ang namumuong pawis sa noo niya. At dahil do'n ay mas lalong umilab ang galit ko sa puso. Bakit hindi na lang siya umamin? Bakit kailangan pa niyang magsinungaling kahit huling-huli na siya?

Huminga nang malalim si Bridget saka siya nagsalita.

"Please believe me, Bethany. Hindi ko talaga sinasadya 'yon. Hindi ko alam na si William pala ang groom mo."

Ilang sandali pa ay bigla naming narinig ang pamilyar na boses na kapapasok lang sa kwarto. Napagtanto kong hindi ko pala nai-lock ang pinto.

"Did you two switched?" gulat na tanong ni Mommy habang nakaturo ang daliri niya sa amin . She looked at Bridget specially the wedding dress na parang hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"Paano niyo nagawa ito? Please explain!" pagalit na tanong ni Mommy saka tiningnan niya ako.

"I-I asked her to na magpalit kami but I didn't know na si William pala ang groom ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin, Mom? Bakit di niyo sinabi sa akin ang pangalan niya?"

Kumunot ang noo ni Mommy saka tiningnan si Bridget.

"Hindi ba't nagpaabot ng dad mo ang file ng lalaking pakakasalan ni Bethany? Hindi mo binigay sa kanya? Ah. . . kaya pala kanina nagtaka na ako kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ni Bethany no'ng kasama ko siya sa sasakyan. Hindi niya alam na si William Remington pala ang groom niya. Why, Bridget? Why did you do this to your own sister?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko inakala na magagawa 'yon ni Bridget. She betrayed me. Tanaw kong bigla siyang nanghina dahil sa rebelasyon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bethany. . . I-I'm sorry. Please forgive me. Inaamin ko na nagkamali ako. H-Hindi ko sinasadya ito," naluluha niyang pagmamakaawa sa akin pero mas lalong tumigas ang puso ko. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.

"I still can't believe you, Bridget! You already broke my trust tapos kanina panay deny ka? Kung hindi pa dumating si Mommy, hindi ka aamin? Mabuti na lang talaga na timing ang pagdating ni Mommy para naman malaman kong nagsisinungaling ka. So, you already knew na si William pala ang pakakasalan ko?! Inagaw mo ang spotlight ko. Hindi kita mapapatawad," malakas na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tatalikod na sana ako pero muli ko siyang hinarap.

"And please, don't ruin my wedding reception tonight! I need that dress, so take that off!" dagdag kong wika saka ako nagtungo sa walk-in closet ng kwarto.

Huminga ako nang malalim nang humarap ako sa salamin habang inaantay kong ibigay niya sa akin ang wedding dress. Napalunok ako at inangat ko ang noo ko habang galit na nakatingin sa salamin.

I don't understand. What has gotten into her? Ganito ba siya kadesperadang maikasal kay William? Sobrang kinababaliwan na ba niya ang asawa ko? Hindi naman ganito ang pagkakakilala ko kay Bridget.

Napapikit ako ng mata saka ako muling huminga nang malalim at dahan-dahang nilabas ko iyon.

"Relax, Bethany. Relax ka lang," wika ko sa sarili ko. Ginalaw ko ang mga daliri ko para ilabas ang sama ng loob ko kay Bridget.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagkatok ni Bridget sa pinto.

"Hawak ko na ang wedding dress mo," wika niya sa labas.

"Come in," malamig na tugon kong sabi sa kaniya kaya tahimik na pumasok siya sa loob.

Napatingin ako sa salamin. Nilagay niya sa upuan ang wedding dress at ang sandals ko. I saw that she's wearing undergarments at tila wala siyang pampalit dito kaya agad kong hinubad ang suot ko pati ang sandals ko at binigay ko sa kanya ang mga ito.

"Wear this para hindi tayo mahalata," wika ko habang nakaunat ang braso ko sa kanya.

Marahan niyang kinuha ang damit pati ang sandals saka nahihiya siyang muling humingi ng tawad sa akin.

"I'm really sorry, Bethany. Hindi ko sinasadya ang nangyari."

Humugot ako nang malalim na hininga saka inis akong sumagot sa kanya dahil naririndi na ako sa paulit-ulit niyang pag-dedeny. Alam ko naman kasing sinadya niya 'yon.

"Alam mo ba ang sinasabi mo, Bridget? Sa tingin mong maniniwala akong hindi mo 'yon sinasadya? Mas lalo mong dinadagdagan ang atraso mo sa akin. Bakit hindi ka na lang maging totoo sa akin? 'Yong totoong may pagnanasa ka sa asawa ko?"

Masid kong sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya dahil sa mga masasakit na salitang natanggap niya. Pinahid niya ang mga luha niya at saka sumagot.

"Alright! Inaamin kong may gusto pa ako kay William pero alam ko naman ilugar ang sarili ko, Bethany. Pinagsisisihan ko ngayon na inagaw ko ang kasal mo. Sana mapatawad mo ako."

"Hindi gano'n kadali ang salitang pagpapatawad, Bridget, lalo na't sinadya mo," aniko nang malakas kong binigkas ang katagang sinadya sa kaniya. Totoo naman na sinadya niya ang pangyayaring 'yon.

Walang emosyon na tinanggal ni Bridget ang wedding ring sa daliri niya, pati ang dalawang earrings, kaya marahas na kinuha ko 'yon. Mabilis na nagpalit siya ng damit saka sinuot ang sandals ko. Nilugay niya ang kanyang buhok kapagkuwan ay sinuklay ng kaniyang mga daliri ito upang ayusin. Ilang sandali pa ay tahimik na nilisan niya ako sa walk-in closet na sa palagay kong lalabas din siya ng kwarto.

Tulala ako habang sinusuot ko ang wedding dress at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Binaling ko ang tingin ko sa salamin habang inaayos ko ang earrings. Matapos kong gawin 'yon ay binuksan ko ang palad ko at tinitigan ko ang wedding ring na hawak ko. Kinuha ko ito at sinuot sa daliri. Pinagmamasdan ko ito at tanaw kong kumikinang na diamond ring.

I am now married to William Remington. But I can't accept the fact that Bridget stole the most important thing from me. I could have been the happiest bride earlier if she had only told me the truth.

Switched Bride Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon