Chapter 5

114 0 0
                                    

NAG-INGAY ang crowd sa grand entrance ng bagong kasal sa reception area. Lubos na kinagalak ni Bethany na makita ang mga malalapit niyang kaibigan na kasama niyang pinagdiriwang ang kasal. Hindi siya makapaniwalang natupad na ang hiling niyang maging kabiyak ni William.

Palinga-linga si Bethany. Gusto niyang makita kung saan naroon si Bridget upang ipamukha dito ang panloloko na ginawa sa kanya. Alam niyang naiinggit na ngayon si Bridget lalo na't kapiling na niya si William. Hindi papayag si Bethany na lokohin ulit siya ni Bridget. At kahit kapatid niya ito ay magkakamatayan muna bago nito makuha ang asawa niya.

Napansin ni William na may kakaibang kinikilos ni Bethany. Hinigpitan niya ang pagkahawak nito sa kamay.

"Babe, what's bothering you?"

Kaagad nang binaling ni Bethany ang tingin niya sa asawa saka siya ngumiti.

"Nothing bothers me. Hindi lang ako makapaniwala na ikaw pala ang pakakasalan ko kanina," ngiting tugon niya dito.

Natawa si William dahil maski siya ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.

"Me too, Bethany. I really didn't expect this. Hindi ko alam na ikaw pala ang bride ko. Pero nagtataka lang ako kanina. . ."

Napataas ng kilay si Bethany hudyat na inaabangan niya ang sunod nitong sasabihin.

". . . hindi mo ako kinakausap sa simbahan kanina. Parang hindi ikaw ang kasama ko ngayon kung ikukumpara ko ang aura mo earlier."

Parang huminto sandali si Bethany. Oo nga pala, hindi pala talaga sila magkaugali ni Bridget. Si Bridget ay mahiyain samantalang kasalungat nito si Bethany. Kailangan niyang gumawa ng rason para hindi malaman ni William na nagpalit sila ni Bridget.

"Uhm. I was so nervous that time no'ng pumasok ako sa simbahan. Tapos no'ng nakita kitang hinihintay mo ako sa altar, hindi kaagad nag-sync in sa utak ko ang nangyari. I was really shocked. Akala ko hindi totoo ang lahat. Akala ko joke lang. Pero ngayon, totoong nasa harap na kita. Totoong asawa na kita, William."

Napangiti si William dito kaya hindi niya napigilang halikan ang kamay ng asawa.

"I am now your husband, and you are now my wife, Bethany. Hindi na magbabago 'yon. We can live happily ever after."

"Sana nga, William. Sana nga."

Ngumiti si Bethany saka niya niyakap ang asawa. She's really happy and thankful. Akala niya kasi na hindi na ibibigay sa kanya ang tanging hiling niya. Ngayon ay pinangako niya sa sariling magiging mabuti siyang asawa at ina sa magiging anak niya. Magbabago siya at magsisipag alang-alang sa bago niyang pamilya at sa bago niyang buhay.

Biglang nagsalita ang emcee kaya kumawala ng yakap si Bethany.

"Hindi pa po nagsisimula ang program kaya isantabi muna natin ang loving-loving mamaya para sa honeymoon," pabirong sabi ng babaeng emcee kaya nagsitawanan ang lahat.

Nagsimula ang program sa welcome toast ng newlywed. Maingay at masayang pinatunog nila ang glasswine para sa request nilang mag-kiss ang dalawa. Naghiyawan ang crowd, at ang mga kaibigan ni Bethany ay kinilig sa paghalik ni William sa mapupulang labi ni Bethany.

"Isa pa! Isa pa!" kantiyaw ng mga ito.

Marahang tumawa si Bethany dahil gusto ng mga kaibigan niyang siya naman ang hahalik kay William. At dahil makulit ang mga ito, hinalikan niya si William. Sakto nang makita niya sa likuran nito ang di kalayuan na imahe ni Bridget. Tanaw niyang nagsalubong ang dalawang kilay ng kapatid niya.

Nagseselos si Bridget sa nangyari. Kung minsan sumagi sa isip niyang sana siya na lang si Bethany—si Bethany na kinagigiliwan ng lahat. Noong bata pa sila ay inggit na inggit na siya sa kapatid niya. Kahit laging nasa top one si Bridget sa school, si Bethany pa rin ang center of attention. Kahit sabihin man ng iba na nasa kanya na ang lahat, ang yaman at katalinuhan, para sa kanya kulang pa 'yon.

Kung minsan sa lunch break ay mas pinili ni Bethany na kasama ang barkada kaysa sa sariling kapatid. Kesyo hindi raw gusto ng mga kaibigan ni Bethany na kasama si Bridget dahil hindi ito makasabay sa trip nila. Pinili ni Bridget na lumayo na lang. Hindi niya masyadong dinamdam 'yon dahil tanggap niyang magkaiba ang ugali nila ni Bethany. Pero nagbago ang lahat no'ng dumating si William na bagong transferee lang ng school.

Maraming nahuhumaling sa kagwapuhan ni William. Pakiramdam niya ay para siyang nanunuod ng fan meeting dahil pinagkakaguluhan ito ng mga kababaihan sa school. Hiwayan at tilian ang narinig niya sa corridor. At kung minsan pa makikipag-away ang iba para maka-selfie lang kay William, hanggang sa isang araw ay nabalitaan na lang na na-guidance office ang dalawang babae dahil dito.

Hindi na pinansin ni Bridget ang kaguluhang 'yon dahil naka-focus ang atensyon niya kay William.

Tila na-estatwa si Bridget nang lapitan siya ni William na nakangiti itong pinagmamasdan siya. Halos mawalan ng hininga si Bridget sa ginawang pagtanggal ni William sa salamin niya. Naalala pa niya ang sinabi nitong maganda siya kapag walang salamin kaya simula no'n ay prefer na niyang mag-contact lens.

Una niyang nakilala si William bago pa makilala ni Bethany ito. Akala nga ng iba ay nagkakamabutihan na sila ni William dahil naging close sila sa isa't isa. At akala din ni Bridget 'yon pero nakamali siya ng inakala.

Nakipagkaibigan lang si William para mas mapalapit ito kay Bethany. Masakit para kay Bridget na lahat na lang ay mas pabor kay Bethany.

Bakit walang nagmamahal sa kaniya? Maganda naman siya at matalino. Bakit hindi na lang siya?

Kinimkim ni Bridget ang sama ng loob niya. Hindi niya masabi ang tunay niyang nararamdaman kay William dahil mahal na rin ni Bethany ito. Umaasa na lang siya na sana hindi nakatadhana ang dalawa.

Hindi siya nabigo dahil pagka-graduate nila ng high school ay diretso abroad si William para ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Malungkot man para kay Bridget na hindi na niya muling makikita si William pero at least natupad ang hiling niyang di nagkatuluyan ang dalawa.

Makalipas ang mahabang panahon ay nabigo siya nang muling magkrus ng landas ang mga ito. That day when she opened the file of the soon-to-be groom ni Bethany ay kinatuwa niya. She didn't expect na si William pala ang pakakasalan ng kapatid niya.

Kahit bilang pagpapanggap lang na siya si Bethany sa wedding ceremony, kahit do'n lang ay masaya na siya.

Pero nagbago ang isip niya matapos siyang pagsalitaan ng masasakit na salita ni Bethany kanina. Ngayon, gusto na niyang agawin ito. 

Switched Bride Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon