Chapter 2

1 0 0
                                    

I dropped out school dahil sa kumalat na ang rumor tungkol sa aking pagkabuntis. Everyone thinks na magkaibigan lang kami ni Deither kaya nang sinubukan kong linisin ang pangalan ko at sabihing si Deither ang ama ay walang naniwala sakin.

They label me as a delusional para lang daw sirain ang image ng hinahangaan nila.

Deither Zaldos came from a rich business tycoon family. Bukod sa gwapo ito ay makapangyarihan din ang pangalan na kaniyang bitbit.

Umuwi ako samin kahit takot sa magiging reaksyon ng ina ko. Pumara ako sa taxi at naaninag ulit ang mansyon namin , ngunit sa pagkakataong ito ay wala akong mababakas na ingay sa loob kagaya ng mga yaya namin.

Papasok na sana ko ng makita ang isang karatula na nakadikit sa isang poste malapit sa bahay namin.

HOUSE FOR SALE.

Agad akong lumapit para makompirma iyon at halos pagalit na tanggalin ang nakasulat nang biglaang may sumitsit at sumuway sa aking likuran.

“ Hoy hoy iha , ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

“ Mawalang galang na ho ale , pero bahay po namin ito at hindi ko po ito ipinapagbili—

“Hephep hep , at sino nagsabing pag mamay ari mo yan? Matagal nayang binenta matapos malugmok sa pagkakautang ang may ari ng bahay nayan.”

“Ho? Pasensya na po pero wala naman kaming utang ni Mama.”

“ Ay ikaw pala ang sinasabi nilang anak ni Belinda. Nako iha , isang linggo palang nakakalipas pagkatapos mamaalam ng mama mo dahil sa aksidente. Eto nga oh may sulat siya , ikaw din pala ang magbabayad ng natitirang utang na meron ang Mama mo. Condolence  sayo iha.”

Tulala at hindi alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Ngunit isa lang ang alam ko at yun ay tanggapin ang sunod sunod na kamalasang nangyayari sa buhay ko.

Nakasuot ng itim at nasa puntod parin ni Mama , bagama't namamaga ang aking mata at babad sa init ang aking katawan.

Taimtim akong nagluluksa sa loob ng tahimik at walang katao-taong sementeryo nang makarinig ng ingay ng sasakyan sa aking likod. Ngunit dahil sa pagkalutang at walang ganang kumilos ay isinawalang bahala ko iyon.

Ngunit halos mapatalon ako ng bigla nalang hawakan ang magkabilang braso ko ng dalawang lalakeng nakasuot ng pang bodyguard at pinatayo.

Dahil wala akong lakas na lumaban ay nagpadarag nako at sign na ito na oras ko na rin ata ang araw na ito. Nakaramdam ako ng pagkaginhawa kahit na mali sapagkat matutuldokan na ang paghihirap ko.

Pabagsak nila kong sinakay sa isang limousine at napuna kong nasa front seat ako mismo ng sasakyan at katabi ang matandang lalake na may suot na itim na shades.

Nagkaroon muna sila ng munting pag uusap tsaka niya ko binalingan.

“ Ano pa hong hinihintay niyo , saksakin niyo nako.” walang atubiling saad ko.

Katahimikan ang bumungad sakin at ilang segundo bago ko marinig ang pagtawa ng lalakeng matanda.

“ Iha , anong tingin mo sakin ? Mamatay tao?Nandito lang ako para singilin ang utang na meron sakin ang ina mo.”

Napatigil ako ng matantong sila nga ata ang pinag utangan ni Mama. Kahit hindi ko naman alam kung bakit at ganong kalaking pera ang naging utang ni Mama sa kanila.

“ Patayin niyo nalang ho ako at wala akong maibibigay na pera sa inyo.”

Narinig ko ulit ang pagtawa niya dahil sa naging konsiste kong sagot.

“ Nagkakamali ka iha , hindi pera ang kailangan ko sayo.”

Sa oras na ito ay halos makuha niya na ang buong atensyon ko at mapabaling nako ng makitang magseryoso na ang matanda.

“ Manilbihan ka lang samin bilang yaya at alagaan mo ang lalakeng anak ko.”

Halos magulat ako sa dali ng trabahong kapalit ng laking halagang pagkakautang ni Mama sa pamilya nila.

“ Yun ay kung kaya mo siyang pagtiisan.”

Flowers of Solitude Where stories live. Discover now