Chapter 3

1 0 0
                                    

Bumaba ang sasakyan ng matanda sa isang malawak na hospital na aking pinagtaka. Anong ibig sabihin nito?Akala ko ba ay magiging yaya ako?

Gustohin ko mang magtanong ay sumunod na lamang ako sa kaniyang likod habang nasa likuran ko naman ang mga tauhan niya.

Sumakay kami ng elevator upang puntahan ang destinasyong palapag na kaniyang gustong tahakin.

Habang naglalakad sa hallway ay napansin kong nasa exclusive part kami ng hospital kung saan nagmimisutula ng suite ang room ng pasyenteng naka admit banda rito.

Huminto kami sa isang pintuan at iminuwestra naman agad akong pumasok ng matanda.

Dala rin siguro ng pagod ay pumasok narin ako sa loob ng hindi man lang nagdalawang isip.

Pagkapasok ko ay ang pagbagsak din ng pintuan sa labas.

Ikukulong ba nila ko dito?

Linibot ko ang paligid nang makompirma  ngang exclusive suite room ito dahil nagmistulang bahay na ang kwarto sa isang hospital. May sariling refrigerator sa isang kusina at sofa set na may kasamang tv.

Bakit naman nila ko ikukulong dito? Hindi din naman ako magrereklamo nang may makita akong prutas at pagkaing nakahain sa mesa.

Isang pagbagsak malapit sa kusina ang nagpabaling sa aking atensyon. Dun ko lang mismo naaninag na may kasama pala ko sa loob ng kwartong ito.

Malamang , siya  ata ang tinutukoy ng matanda na aalagaan ko. Pero imposible naman ata at malaki na ang lalakeng toh. Bagama't nakatalikod ay nakutoban ko ang pagkapamilyar ng likod  na pigura ng lalakeng nakapampasyente ang suot.

Dahan dahan akong humakbang upang magpakilala at lapitan ito. Nang  pulgada na lamang ang layo ay tumikhim ako para malaman niya ang presensya ko sa kaniyang likod. Ang kaninang malikot na katawan nito ay napahinto ngunit hindi parin ako hinarap.

Naghintay ako ng ilang segundo ngunit nakaestatwa lang ito at parang naging manequin. Kaya't napagdesisyunan kong kalabitin na ito.

Sa di inaasahan ay bigla na itong humarap sakin , at tila naging mabilis ang sumunod na nangyari. Patakbo niya kong sinugod at agad na pinalibot ang dalawang kamay sa aking leeg at agarang isinandal sa dulo ng malamig na pader.

Napapikit ako sa sakit ng pagkakasàkal niya sakin at sinubukan kong hampasin ang dalawang kamay niyang mahigpit ang hawak saking leeg.

Bago pako mawalan ng hininga ay nabitawan niya nako. Napahandusay naman ako sa puting sahig at hingal na hinahabol ang aking hininga mula sa biglaang pagsugod ng lalake.

Nang makarecover ay ibinalik ko ang tingin sa paligid nang makitang naglaho ito na parang bola.

Nasan na siya?

Tatayo na sana ko para hanapin siya ngunit nasilayan ko ang likod nito na nagtatago sa ilalim ng mesa. Nanginginig ito na parang takot kahit siya naman ang nanakit sakin.

Bagama't alam kong maaaring manganib ulit ang buhay ko ay ginapang ko parin ang kunting distansiya ng ilalim ng mesa mula saking banda.

Nang malapitan ay nakita kong nakaduko ang ulo nito at nakatakip ang dalawang tenga.

Lumapit pa ko para mas lalong maaninag ang wangis ng lalakeng nanginginig sa takot nang halos mapaatras ako sa gulat nang makilala ang lalakeng sumakal sakin.

D-deither?

Deither's POV

“I heard your girlbestfriend drop out here in school?Right after kung kelan graduation na natin ?”

“ Yeah dude you heard it right. Sa sobrang delusyon niya ay nasabi niya pang naikama ko na siya. When I can't even remember na magkasama kami ng gabing debut niya. And in fact I was late to arrive , baka namukhaan niya lang ako sa ibang lalake.”

Well , that's pure ridiculous. Pero ang sigurado ako ay hindi ko anak ang dala niyang bata ngayon dahil bali-baliktarin man natin ang nangyari, wala talaga akong maalala na may nangyari samin nang gabing iyon.

So , therefore I am certain na hindi ko anak iyon. Such a disappointment to her at lolokohin niya pako.

Besides , I'm not ready to be a father yet. I have goals and things to covet.

“ So ikaw na nga ang magmamana ng business company niyo Deither?” Allan probed.

I sipped through my tequila before answering his inquiry.

Bagama't maingay ang bar ay rinig ko pa rin ang boses nito sa aking harapan na busy sa pagtimpla ng alak.

“ Who else it might be?Lalo na at graduate nako ngayon. I can have the company all by myself and I can now freely get whatever I want and even got the chance to bed any woman I desire.”

“ Iba ka talaga pare , paano naman akong may kapatid at pag aawayan pa namin ni Kuya kung sino ang mag iinherit sa business namin.” he laughed at that thought while I was taken abacked to the upbringing of the word brother.

I shake my thoughts at isinantabi iyon. Relax Deither. He's in a comma alright , no way he would wake up in this significant time to me.

Wala naman din siyang pag asa pang magising at makinarya nalang ang nagsisilbing buhay nito.

I curved back my smile with an assurance when my phone suddenly rung.

I excused myself first to my friend Allan and answer my Mom's call.

Which is strange because she only make calls if its something important.

Pagkasagot na pagkasagot ko palang ay bumungad na sakin ang nag-aalalang boses nito sa kabilang linya.

“ Deither iho , My s-son. Gising na ang kuya mo.”

Flowers of Solitude Where stories live. Discover now