Chapter 4

0 0 0
                                    

ko siya. Sigurado akong may rason kung bakit niya ginuhit ang mukha ng babaeng iyon. Hindi natin alam at wala mang kasiguraduhan , umaasa parin ako na maaaring siya na ang magiging susi ng pagbalik sa katinuan ng apo kong si Dashiel.

Sydie's POV

Muntikan nakong mapasigaw at namimilog parin ang mata ko at di makapaniwala.

Anong ginagawa ni Deither dito? At bakit ganiyan ang itsura niya at parang  , ah teka. Wala akong maintindihan.

Pero isa lang ang nasa isip ko ng mga panahong iyon , ang makatakas sa bastardong lalakeng toh.

Halos mapaatras ako sa kaba nang maglikha ng ingay ang pagdarag ko sa sarili kaya't napabaling ang tingin niya sakin.

Hindi ako makapaniwalang nagkatitigan kami dahil dun , ngunit sa di malamang dahilan ay wala ang mapang-asar na titig ni Deither sakin , bagkus ay malamlam na mata at pagkagat ng kaniyang mga daliri ang sumunod na naging kilos nito.

Ang kaniyang laging naka ayos na buhok ay nagkalat at nagkaroon ng bangs ang kaniyang noo na palaging malaya ang ayos noon.

Ano toh? Nabaliw na ba siya? Bakit parang may nag-iba sa kaniya?

Bumalik ulit ang titig niya sakin nang mapansin ata ang tagal ng titig ko dito. Hindi ko pinutol ang tinginan namin kahit naguguluhan parin ako sa aking nasasaksihan.

Ang kaniyang unti-unting paggapang papalapit saking banda ang nagpaalarma  at nagpabalik ng huwisyo sakin.

Kaya't wala nakong sinayang na oras pa at hindi ko kayang makausap muli si Deither. Pagkatapos ng ginawa at pinagsasasabi ng hayup  nato sakin. At isa pa ay tinanggap ko ang pera niya para sa gusto niyang pagpapalaglag sa anak namin at patuloy niya paring idinedeny na hindi raw siya ang ama. Ulol , ginawa niya pakong pokpok.

Sigurado akong pagmumukha niya yun unless nalang kung may kambal ang mokong na toh na malabo namang mangyari. Tinanggap ko parin ang perang inalok niya para narin pangtustos sa anak ko. Bahala na siya kung ayaw niyang magsilbing tatay sa dinadala ko. Papalakihin ko ito ng marangal at balang araw ipagmamalaki sa mismong pagmumukha niya.

Nang tuluyang makatayo ay patakbo nakong lumapit sa pintuan at akala ko'y mahihirapan pakong lumabas ng mamalayang bukas na pala ito.

Hingal na hingal  at ako na mismo ang sumarado bago pa ko habuling at tangkang kausapin ng gàgo kong ex.

Hinabol ko muna ang aking hininga bago sabihin ang desisyon ko sa matanda.

“ Pasensiya na ho pero hindi ko ata kaya ang pinapagawa niyo sakin.”

“ B-bakit iha? S-sinaktan ka ba niya?”

Napahawak ako saking leeg ng banggitin iyon ng matanda.Halos makalimutan ko na nga ang ginawa niyang pananakit sakin.

Pero hindi iyon ang totoong rason kung bakit hindi ko kayang gawin ang pinapagawa ng matanda.

Kundi dahil kilala ko ang apo niya.

Ang apo niyang gago na si Deither.

Magpapabaril nalang ata ko kesa alagaan ko ulit ang narcissistic na lalakeng yan.

Hinding hindi ko gagawin ang bagay na ito.

Akala ko ay tutukan nila ko ng baril o di kaya ay pipiliting gawin iyon. Pero narito ako ngayon at malayang naglalakad sa labas ng hospital at tulala.

Pinakawalan nila ko ng ganon lang kadali at wag na daw akong mag-alala sa utang ni Mama.

Nakaramdam  tuloy ako ng puwang ng masilayan ang pagkadismaya ng lolo sa naging sagot ko sa kaniya. Na parang nawalan siya ng pag asa sa apo niya.

Pababa nako sa hagdan ng gusali nang  mapahinto sa aking nakita.

There I saw the usual Deither on his stripe polo and rip jeans holding a phone located on his ear probably calling someone.

Nagmamadali itong pumnhik sa loob ng hospital at galit ang  guhit ng mukha.

Si Deither ba talaga yun?Baka namamalik mata lang ako?

Napatalikod naman agad ako at halos magtago nang madaanan niya.

Kumpara sa lagay niya kanina ay nakaayos nga ang buhok nito at expose forehead look na lagi niyang ayos.

What?

Kalalabas ko lang huh?

Diba't nasa loob si Deither?

Still not processing kung ano ba talaga ang nangyayari. Namalayan ko nalang ang aking sarili na sumakay na sa escalator at punuan ang elevator pagsulpot ko kanina. Inakyat ko na at hindi na hinintay  ang gumagalaw na hagdan para makasigurong hindi ako namamalik mata.

Ano bang nangyayari s buhay ko at parang lahat nalang  na nangyayari ay mas lalong nagiging komplikado.

Pawisan ay nakarating din sa wakas, muntik nakong mawala sa pagkakapareho ng mga rooms dito.

Ang pagbunggo ng isang middle age woman saking katawan ang nagturo sakin kung nasang kwarto ako kanina.

Pumasok umano ang aleng nakabunggan ko dahil rin ata sa pagmamadali kaya't sumunod naman nako.

Wait  teka lang , is that Deither's mother?

Hindi nako nag aksaya pa at baka maguluhan lang lalo. Lumapit nako sa pintuang malayang nakabukas dahil sa pagpasok ng ina ni Deither.

Pagkalapit  ko ay rinig na agad ang sigawan at nagkaroon ata ng away sa loob.

Sinubukan king sumilip  nang madatnan ang matandang nag-alalay sakin dito kanina at hirap na inaawat ang dalawang lalakeng

M-magka....

M-mukha....

T-teka , sino si Deither sa kanila?

May kambal siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flowers of Solitude Where stories live. Discover now