⊰᯽⊱┈─────╌❊╌─────┈⊰᯽⊱
𝕮hapter 3Asteria Lein Y Credieu
A small banquet they say. Evening banquet ba 'to! Ang taas ng fund na binigay sa akin ni Papa and I swear kalahati lang magagamit ko dito. It seems like a fund for state banquets! I'm holding a checkque and preparing to order materials in haste. Ngayon araw lang pala ang araw ko para mapaghandaan yung mga bagay bukas. I am walking towards the kitchen at ibibigay ko sakanila ang listahan ng mga pagkain na ipapaluto ko.
Liliko na sana ako ng makita ko ang Empresa kaya nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at tinignan sila ng malamig.
"Daughter! You're here, hindi mo man lang ako binisita at nalaman ko pa iyun kay Reigh. Miss na miss kana namin."
Ahhh...right. Like mother like daughter, combination ba. I did a curtsy kahit labag sa loob ko.
"Greetings to the mother of Empire." Nakita ko sa likod niya si Reigh na nakangisi.
"If you'll excuse me Empress, I'm in haste." Lalagpasan ko na sana ito ng hablutin niya ng malakas at mahigpit ang braso ko. Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya ngumiti ito ng pilit sa akin.
"How about a tea with your mother?" I gritted my teeth, sinubukan kong kumawala sa kamay niya.
"Sorry, but I'm afraid I can't grant your offer because I'm in a haste." Aniya ko at lalagpasan sana siya ngunit matalim ko siyang tinignan kahit mas matangkad siya sa akin.
"If you lay your hands on me, I'll cause a scene here. You know that the Emperor was on my aide?" pagbabanta ko kaya binitawan niya naman ako. Tumingin ako kay Reigh, nakita ko ang pulang pula niyang mukha na sasabog na.
Pumunta na lamang ako sa kusina at ibinigay ang dapat kong ibinigay. Napahinga ako ng maayos, alas singko na ng hapon at maggagabi na.
Sabi sa akin ni Ama mga ganitong oras daw ang dating ng mga tagaRoyal Academy kaya may oras pa kami bukas upang gawin ang mga bagay bagay na kinakailangan. Pinilit ko pa kanina yung knight ko na humiwalay muna sa akin, ligtas naman ang palasyo para sa akin. At alam kong hindi ako mahahawakan ng Empresa sa loob ng tahanan ng Emperador. The Emperor can sight danger if I alert him. We had this thin connection, kumbaga I can send him chills if I'm on danger.
Pupunta sana ako sa aking kwarto ng makita ko si Kuya Lunox na kausap ang isang kawal. Napatingin ito sa akin at napangiti, si Kuya Lunox ay madalas na bumisita sa Emerald Palace kaya close na kami. Lumapit ito sa akin at nagfist bump kami, tinuruan ko kase siya ng ganyan.
"Tangerine head, you're here!" Nakangiti niyang saad.
Tangerine head talaga tawag niya sa akin dahil mahilig daw ako sa tangerine, hindi ko alam kung dapat ba ako mainsulto eh totoo naman.
"Opo kuya, pinapunta kase po ako ni Ama."
"Let me guess, the Emperor let you led the welcoming tommorow?" Nanlaki naman ang mata ko dahil alam niya. He winked on me at nagthumbs up.
"I'm the one who requested that to him tangerine head!" Halos magkasalubong naman ang kilay ko dahil sa nalaman.
So siya pala ang may kasalanan kung bakit may migraine ako ngayon at maraming iniisip?
"Why me Kuya? For what reason." Inakbayan naman ako nito.
"Actually that was just an excuse, I want to see you."
Hello?! He can just visit me in Emerald palace, loko pala tong si Kuya Lunox. Kung hindi lang to matanda sakin baka nakutusan ko'to. Binigyan niya pa ako ng sakit ng ulo.
"Malay mo magkacrush ka sa isa sa mga noble. For me to know whom I must behead."
Siraulo pala to si kuya, bawal nga ako magkacrush. Naiisip ko na naman si Neil na masama ang tingin sa akin. I wonder kung ano na yung itsura niya ngayon? Payat kaya siya? Mataba? Pumangit ba siya lalo? Nakakamiss na yung pang-aasar niya na hindi naman ako na-aasar.
"Hindi po noh, wala pa po sa isip ko iyun."
"You cannot say that when heart dictates."
"Luh siraulo." Napabulong kong saad, buti na lang hindi niya iyun narinig. Siraulo talaga to, nagtatanim na ng ganyan sa isang ten years old. Mukha ba akong hopeless romantic na matandang dalagang naghahanap? Kung makaquote ng you cannot say that when heart dictates parang di bata yung kausap niya.
"Anywise tangerine head, I'll go now. Pupunta pa ako sa Emperador to submitt a report, if anyone mess up with you. Just call me little one." Tumango naman ako ngumiti.
"Have a good night ahead po kuya." Saad ko at umalis siya.
Napabuga naman ako ng hangin at tinungo na ang aking kwarto upang maligo.
✥◈✥
Kinabukasan, handa na nga ang lahat ng mga inaasahan kong bagay at plinano ko para sa small banquet na ito. Alas kwatro na ng hapon at hinihintay na namin ang pagdating ng mga estudyante ng Royal Academy. Hindi ko alam kung may pamilyar sa akin pero dalawa lang ang alam ko at kilala ko sa Royal Academy, si Lady Hanina at Admin Vienna.
Kung natatandaan niyo pa si Lady Hanina ay isang exchange professor noon sa S.U.I. galing Royal Academy. Dinala niya kami ni Neil sa Royal Academy upang imbestigahan at doon ay nakilala namin si Kuya Lewis. Si Admin Vienna naman ay isa sa mga nag-accomodate sa amin noon.
Suot ang kulay faint yellow na dress at nakalugay na buhok, nasa likuran ko rin ang iilang mga kawal. Narinig at natanaw ko na ang limang malalaking karwaheng papunta dito.
Sabi sa akin ni Ama, 20 pababa lamang ang mga iwewelcome ko dahil iyun lamang ang noble na nanalo sa isang paligsahang naganap sakanila. Tas ang ibang mga noble daw ay makakapunta na dito sa foundation day.
Tumigil na ang mga karwahe at nagsibabaan na ang mga estudyante suot ang kulay theme blue na uniporme. Yung mga babae ay nakaskirt at mga lalaki ay nakablue na polo. Isa isa silang bumaba at naramdaman ko ang malalakas nilang awra.
Ngunit naagaw ng atensyon ko sa isang lalaki. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Siya yung lalaking! Siya yung!
He have this shimmering black hair and pair of gold eyes. Sigurado ako! Siya yung batang lalaki noon na nasa Humnville na nagnakaw ng tangerines ko! Yung tumawag sa akin na Hipon!
Anong ginagawa ng lalaking yan dito! Napatingin ito sa akin at napangisi, nagpamulsa siya na para bang inaangasan pa ako ng mokong.
Walangya! Akala ko anak lang yan ng magsasaka doon sa Humnville?! Àno ginagawa niyan dito?
⊰᯽⊱┈────╌❊╌─────┈⊰᯽⊱
BINABASA MO ANG
The Emperor's Twin (Book 2)
FantasyAsteria and Allistair has been transmigrated into a world of aristocracy. Their fates has been concluded, after isolated to their lines. Succeeded to reach the Emperor, gradually flee to their traumas. The Emperor's Twin opened a gate for their own...