⊰᯽⊱┈─────╌❊╌─────┈⊰᯽⊱
Chapter 5Asteria Lein Y Credieu
World had spread a mysterious figure who possessed knowledge that could shape their world.
Isinara ko ang libro matapos mabasa ang kahuli huli nitong pabitin na mga salita. Word has spread a mysterious figure? Speaking of mysterious figure, naghahanap parin ako ng makakatulong sakin upang magkaroon ng kapangyarihan. Gusto kong mawala itong restriction na inilagay sakin ng Emperador sa kapangyarihan ko.
Bakit niya ba kase kinailangan gawin to? I tried to search about magic restriction pero wala nito sa library ng palasyo. Probably sa mga pampublikong pamilihan ng libro meron, o baka sa paaralan ng Royal Academy?
Napatayo naman ako sa tuwa ng maisip yun, bakit di ko naisip yun ng maaga?! Pwede kong tanungin yung mga elite students na nandito. Naglakad ako papaalis ng garden at pumunta sa armory. They said na merong evaluation ang mga estudyante sa mga knights na nandito sa palasyo.
Malayo pa lamang ako at nakita ko na ang kalansing ng mga espada at muntik pagsabog ng pagtatagisan ng mahika. Malapit na ako papunta sakanila at nagtago muna upang panoorin ang laban. I know my presence itself can disturb them.
Kasalukuyan na nasa laban si Avyanna, Killian at isang babaeng may hawak na archery. Nasa open field sila, kalaban nila ang isang ghoul na halos 10 feet, ang mga mata nito ay kulay pula. I read them before sa book at mukhang necromancer ang may kagagawan non. Baka mapatay nito ang tatlo! Bata pa lamang sila at mukhang nasa edad sampo lang sila katulad ko. Napahawak ako sa bibig ko at halos mapatili ng hawakan ng ghoul si Avyanna. Avyanna seems can control vines.
"Avy!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan niyang babae na may hawak na archer at pinatamaan ang ghoul. Napahiyaw si Avy sa sakit na kinalaki ng mata ko. Naalala ko yung mga araw na nalagay kami ni Neil sa ganyang sitwasyon. Napanganga naman ako ng makita si Killian na nakatayo sa ulo ng ghoul and suddenly the ghoul freezes and turned into ice. Killian cut the wrist of that ghoul kaya nahulog si Avyanna at sinalo naman siya ng kasamahan nito. Pumalakpak naman ang lahat at parang galing na galing sila sa ginawa ni Killian.
Nagulat naman ako ng napatingin sa gawi ko si Killian kaya napatago ako. Hala nakita niya ba ako?! Kumabog ng napakalakas ang puso ko. Bakit ka ba nagtatago Asteria? Aish. Sinong hindi matatakot sa lalaking yun? Eh kagabi binastos ko siya tapos madali niya lang palang patayin ang ganong klaseng halimaw? What if, patayin niya ako dahil sa pang aasar ko sakanya?
Muli ay tumingin ako sa gawi nila and saw him in the ground while the ghoul shattered into pieces. Napanganga naman ako dahil doon, how can he be this strong at his age? Kaya pala siya tinawag na the Young Duke of North.
Baka matulungan niya ako sa kapangyarihan ko, he knows a lot in magic. And Ice ang kanyang elemental abilities.Mayroon din magical tower sa north ng Severus Kingdom and has been known for the largest magic tower in Severus Empire. Each kingdom here in Empire has a magical tower which serves as source of mana that supply electricity in whole Severus Empire. And sa kada magic tower na yun ay may in charge na mga greatest mages and sorcerer and he is one of those.
Kung siya ang tutulong sakin para mahanap ang hinahanap ko baka hindi niya ako pagbigyan at isumbong pa sa emperador! Ang mukhang yan ay hindi mapagkakatiwalaan Asteria! Lalong lalo naman sa mga bratinelang kasama nila, mga sakim sila sa kapangyarihan at baka isumbong nila ako.
Bat pumasok sa isip ko na matutulungan nila ako? Walang mapagkakatiwalaan dito Asteria.
Tumalikod ako at akmang aalis na ng muntik na akong atakihin sa puso ng sumulpot si Killian sa harapan ko. Nanlalamig ang hangin kapag nandiyan siya sa paligid pero yung dugo ko kumukulo.
"What are you doing here you're highness?" Nanliliit ang mata nito na parang kinikilatis ang pagkatao ko.
"You're not stalking me don't you?" I grimace ng sinabi niya iyon.
"Pinagsasabi mo? Napadaan lang ako," Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to! Since birth pa talaga ako allergic sa presensya niya. I was about to leave when he grab my arm lightly dahilan upang mapaatras ako.
"I saw you watching me," nang aasar niyang tugon. Buti nalang at malayo kami mula sa mga kasama niya.
"Kapal mo naman, bitawan mo nga ako," Pagpupumiglas ko at bumitaw naman siya, nakita ko ang ngisi sa labi niya. Now, I'm doubting kung bata talaga to o hindi. Andami niyang alam! Nagsimula na akong maglakad papalayo sakanila upang tumungo sa aking hardin. Ngunit di ko naman inaasahan na susunod siya.
"Where's your brother?"
"Mukha bang alam ko?" Pagmamaldita ko sakanya.
"Yes," Naipikit ko naman ang mata ko sa sobrang inis.
"Hindi mo ba nababasa ang mood ko?"
"Yes," Nang aasar niyang tugon but in a timid way. Ano bang problema ng lalaking to? Kinuyom ko kamao ko and gritted my teeth, trying to suppress my anger issue, mahirap na baka kapag sinuntok ko siya ako pa mabalian. Napatigil naman ako sa paglalakad ng harangan niya ako at tumingin sa mga mata ko while his hands are on his pocket.
"Do you hate me that much? If I can remember clearly, yesterday. I witnessed a horrible behavior from a princess," Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"You just listened to a conversa-"
"I overheard, okay?! I-It's not my intention." Akmang hahakbang ako upang lagpasan siya ngunit hinarangan niya pa rin ako.
"Overheard, but hiding? And you raise your middle-" Nanlaki ang mata ko when I heard footsteps from the right side of hallway. Tinakpan ko bunganga niya, ang ingay ng batang to! Hinila ko siya at isinandal sa isang pader to shut him up.
"Shhhh! Ang ingay mo," napatingin ako sa dumaan and it was Butler Collin. Buti nalang! Nakahinga ako ng maluwag at napatingin sa lalaking to, agad kong tinanggal kamay ko sa labi niya na ipinantakip ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hoy bata, stop annoying me will you? I admit nakinig ako sa pag amin nong Avyanna na yun sayo, pero yung nararamdaman niya? Lilipas din yun! Kaya I will just pretend na wala akong narinig kase ang cringe mo. Kala mo naman pogi ka." Singhal ko sakanya at inirapan siya, akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko. Sobrang lamig ng kamay niya.
"Why do you resent me that much?" Hinawakan ko ang kamay niya at napatawa ng sarcasm.
"Hindi naman...HAHAHA, If you may. Pwede bang wag ka na magpakita sakin?" Kala mo siguro makakalimutan ko na tinawag mo akong shrimp dati. Humakbang na ako at naglakad papalayo but I heard his voice saying,
"I'm sure you need me Ms. Shrimp," Luh kapal niya! Never in my life na kakailanganin ko siya!
⊰᯽⊱┈───────╌❊╌────┈⊰᯽⊱
Portrayer of Killian Euredian attached above
Illustration not mine Ctto: Talented Baby Squirrel.
BINABASA MO ANG
The Emperor's Twin (Book 2)
FantasyAsteria and Allistair has been transmigrated into a world of aristocracy. Their fates has been concluded, after isolated to their lines. Succeeded to reach the Emperor, gradually flee to their traumas. The Emperor's Twin opened a gate for their own...