Chapter One

65 29 8
                                    


Reed II

Kinikilatis ko ang bawat pagkakamali namin, hanggang ngayon ay 'di ko parin matansiya kung saan ba talaga kami nagkulang. Ilang beses kong pinagkukumpara ang hard copy at soft copy na nasa harapan ko habang si Monica ay nakatitig sa akin, nanlilisik ang mga mata. Lumilipat-lapit din ang mga mata ko sa ginagawa niya, hinahantay niya kasing matapos ako bago namin pag-usapan ang adjustments na gagawin. Bawat minuto ay kinukuha niya sa lamesa ang tea cup para tikman ang ginawa niyang tea. Dalawang cup iyon kung tutuusin, inayawan ko lang dahil mukhang galing ibang bansa ang brand ng tea. Minsan ko na kasing nakita si Monica na magalit nang maubos kaagad ang chocolate na nasa refrigerator niya. Hindi man namin pinapahalata sa kanya ang tungkol sa pagiging bipolar niya, iyon din 'yung madalas na binabanggit ng mga kagrupo ko sa kanya.

Napapakamot na lang ako sa pisngi ko everytime na may red flag akong nakikita sa project namin. Halos ang ibang context ay out of topic sa aming thesis. Parang may gumawa na nito at inilagay na lang sa aming documents. Nagmuka tuloy na mas mahaba kaya mas lalong maiintriga ang panel kapag nakita ulit nila ito.

"So?" medyo pagtaray na pagboses ni Monica. Nang tumingin ako sa kanya, nilihis niya bigla ang mga mata niya sa akin, at binalik ang atensyon sa pag inom ng kanyang tea. "Nagmukang ibang version 'yang docu natin, tiba?" Tumingin muli siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Damn this girl, simula nung naging ka-member ko, never na akong nakapahinga ng malalim. Since first year college kami, kilalang-kilala ko na siya. Kaya kapag minsan na nawawalan siya ng koneksyon na makihalubilo sa mga kaklase namin, ako ang palaging nilalapitan niya. Ako kasi ang unang nakaalam sa kanyang sitwasyon at ako lamang ang madalas na nakakapagpakalma sa kanya. Wala akong idea sa pagiging bipolar pero alam ko kung ano ang needs nila upang mailipat ang pagka-mood swing. Pero, i think kay Monica ko lang kayang mai-apply 'yon.

"Gano'n na nga," pagsang-ayon ko. Kumibit-balikat siya at nag-antay pa nang aking sasabihin. "May mga alam ako sa mga ginawa niya kung baket nagkanda-letche letche ang ating docu."

"And?" Alam na niya ang mga gusto ko pang ibulgar kaya medyo nalilito ako. Mukhang ang balak niya'y aminin ko na may alam nga ako sa mga ginagawa ni Merry noong una pa lang. Tinaasan nanaman niya ako ng kilay.

"Look, Monica, I didn't expect na puwede niya tayong baligtarin," saad ko. "Ang sa akin.. gusto niya lang naman tumulong sa atin kaya... lahat ito'y binago niya. Lahat tayo gustong mag-contribute at magkaruon ng parte para walang maiiwan sa huli." Hinantay ko siyang mag-respond, ngunit nanatili lang siyang nakakatitg sa akin. Cold at unti-unting nauukit sa mukha niya ang pagkadismaya. "Magtiwala ka lang. 'Di porket 'di tinanggap eh, wala ng pag-asa. Lahat tayo makakapasa. Para namang 'di tayo magkaibigan."

"Tsk!" Sunod siyang sumimangot. "Ah basta.. dapat ayusin n'ya 'yan!" demanding niyang tugon. "Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Book it!"

"Eh dapat lahat tayo ang gagawa ng solusyon. Ikaw nagsabi na kasalanan nating lahat eh," medyo natatawa kong sambit.

Pinandilatan niya ako ng mga mata. "No! 'Di ako tutulong kung 'di siya magpapakita," pininindigan niya. Kinuha niya ang kanyang dalawang tea cup at ang tea pot at sunod na tumayo.

Nang mawala siya sa harapan ko, napansin ko bigla ang aking cellphone na nagvivibrate. Ilang beses na pa lang tumatawag sa akin si Jacob. Since nang pumasok ako rito sa dorm ni Monica, binaba ko sa mababang lamesa ang cellphone para mas tutukan ang problema namin.

Balak ko sanang sagutin ang tawag ngunit na-cancel na ito. Napa-sheesh ako dahil kinakabahan na ako this time. Ano na kaya nangyari kay Mark? Nahanap na kaya siya? O ayaw lang niyang may madamay na ibang tao kaya mas pinili niyang ayusin mag-isa? Kahit kailan ka talaga slicker!

The Twisted Sorrow (Tagalog Edition){ONGOING}[THE HEART WREAKER SERIES PART ONE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon