Chapter Two

59 26 7
                                    

Reed III

Nagulangtang na lang ako sa samu't-saring hiyawan ng mga kaklase ko. Tumingin ako sa paligid ko para makompirma kung nasaan na nga ba kami. Walang humpay ang kanilang malakas na pagkanta dahil sa ganda ng mga kantang inihain ni Darwin sa kanyang spotify. Mas naging malakas nung inilagay niya sa speaker ng kotse. Nakisakay ako sa sasakyan ni Val kasama ang ibang mga kaklase ko. Balak kasi nilang pumunta sa bagong bukas na mall dito sa Merila City.

Hindi ako kasama sa kanilang gimik dahil nakipagkasundo na ako kina Jacob at Richard na pumunta sa apartment ni Mark ngayon para malinis ang loob kahit papaano. Sinundo na siya sa hospital ng kanyang kuya para hindi na kami mag-sayang ng oras. Matagal namahinga si Mark sa hospital, halos isang linggo. Marami pa siyang mga events na naiwan sa kanyang department sa university. Nahalal pa namang bilang member ng kanilang organization at ilang beses nabigyan ng award dahil isa siya sa mga pinaka-masipag na officer. Active sa mga academic events at pati sa mga sports festival. Dati'y napaka-lazy ko pa naman gumala sa mga gano'n pero ngayon ay ako na ang laging nagyayaya sa kanila. Isa sa mga gusto kong events ay ang pageant. Ito ay paligsahan ng iba't-ibang alumni students sa bawat magkakaibang university. Nagaganap lamang 'yon tuwing hunyo.

Inakbayan ako ni Marvin nang mapansin niyang hindi ako nasabay sa kanilang trip. Pilit siyang sumisilip sa aking cellphone kahit pa kitang-kita ko na ang kanyang noo.

"Kamusta na pala sina Monica at Merry?" tanong niya at sabay tinapik ng isang beses ang balikat ko. "Nagkaayos na ba sila?"

Napakibit-balikat ako. "Malalaman natin," sagot ko. Inalis ko ang mga mata sa cellphone at tumingin sa harapan ko para makita ang dinadaanan namin. Nakaupo kasi ako sa likuran na nasa pagitan ng dalawang kaklase ko.

Lahat pala sila ay nakatitig sa akin, kahit pa si Darwin na nasa front side na katabi ng aming driver na si Val. Nag-aantay sa aking ikukuwento. Lumingon pa ako sa dalawang katabi ko.

"So?" sabik na tanong ni Darwin.

"Maayos na kaming lahat. Nitong Saturday, nagbigay ng status ang aming adviser na pinapayagan kaming makapag-special defense. So it means.. pumayag si Merry sa utos ni Monica sa kanya na siya ang magpasa ng petition letter sa department at sa coordinators," maayos kong pagpapaliwanag.

Inilapit ni Wendel ang mukha niya sa akin na katabi ko naman sa kabilang side. "Sa tingin mo magbabago si Merry?" Kumunot-noo ako at nagtaka. "Palagi na lang siya nakiki-jamming kina Albert tuwing may mga tugtog sila sa kabilang city eh. Iba na priority niya. Siya ang nangako na makikipag-kompetensya siya sa amin before magsimula itong fourth year natin. Ngayon, parang.. wala na siyang pake," medyo pagkadismaya niyang saad.

Alam ko from the start na may nararamdaman siya kay Merry. Sobrang malapit sila noong first and second year namin pero simula noong nalilink si Merry sa ibang section at ibang course, bihira na lang silang mag-usap at kumain sa labas. Ilang months silang nag-date ngunit mukhang sa kinikilos pa lang ni Merry, mas gusto niyang maglaan ng time sa iba dahil never naman niyang nakitaan ng kung anong special kay Wendel.

"Napapansin ko nga 'yon." Inalis ko ang braso ni Marvin dahil habang tumatagal ay lalo niyang ginagawang unan ang balikat ko. "Kaya madalas siyang nasisita ni Monica. Palaging may ganap kapag alam niyang may makukuha siya sa ibang tao, eh sa amin nga naman wala, puro sakit lang sa ulo ang kaya naming ibigay sa kanya." Napahagikgik ako at napansin naman niya agad.

"Try kong mag-propose sa kanya," bigla niyang saad. Napalingon nanaman ako sa kanya. Nag-react din ang mga kaklase ko.

"Talkshit ka naman magsalita. Kelan pa namin naririnig 'yan sa 'yo?" paninita ni Darwin. "Inunahan ka na nung iba. 'Wag ka nang umasa."

The Twisted Sorrow (Tagalog Edition){ONGOING}[THE HEART WREAKER SERIES PART ONE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon