Chapter Four

23 3 10
                                    


Flora II

First-year reminisce: Part One

Nakapasok kami ni Amy sa University of Matyrdom nang walang kahirap-hirap. Malaki ang naitulong ng Daddy ko sa bawat proseso kaya maging ang step-sister ko'y 'di makapaniwala na dito rin siya ipinag-college. Same kami ng edad at ang hindi kapani-paniwala ay parehas kami ng kursong kukuhanin. Simula nang pinakasalanan ni Daddy ang Mommy ni Amy, mas nagkaruon ako ng freedom para magawa ang mga gusto ko. Isa ako sa nag-suggest na rito sa Merila City mag-kolehiyo para sana makalayo sa kanila ngunit nalaman ko nung huli na susunod din pala ang dalawang kapatid ko. Mas lalo akong dumidistansya kay Amy sa tuwing sinusundan niya ang mga yapak na aking tinatahak. Noong una'y walang problema sa akin ang pagiging little sister niya pero habang tumatagal, pakiramdam ko'y kinukuha na niya sa akin ang Daddy ko.

Nagulat ako one time sa aming dinner sa bahay nang magsalaysay siya ng mga masasayang araw kung papaano napalapit unti-unti ang kalooban niya at tanggapin kami bilang bagong pamilya niya. At syempre, lahat ng members ng families ko na kasama namin ay natuwa. Mabilis siyang nakakuha ng puwesto sa amin para maging tunay na Hernandez kahit pa 'di naman siya kadugo. Niregaluhan pa siya ng aking lola at lolo ng mamahaling kwintas para pagbibigay titulo na tanggap siya. It all seems na maganda ang ride on ng bawat isa, pero, i really confuse at any aspect na parang sa isang iglap, nawalan ng parte ang tunay kong Mommy at si Amy ang pinalit sa titulo.

Isang gabi pagkatapos na aming kasiyahan, ako ang naunang umalis sa gitna ng kanilang kasiyahan dahil na-realize kong magkakaruon pa pala sila ng palarong sila lang naman ang nakaka-relate. Dinaanan ko si Daddy at ang Step-mom ko na masayang nagtatawanan. Alam kong may isa sa kanila ang nakapansin sa akin ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Nang makapasok na ako sa kwarto ko, inayos ko na ang aking higaan para makahiga ako ng payapa.

Nakapuwesto na ako ng maayos at tinakluban ko na ang sarili ko gamit ang aking makapal na kumot. Medyo may kadiliman sa aking room kaya agad kong napansing may pumasok dahil sa unti-unting paglaki ng liwanag.

"Bibe?" maamong tawag sa akin ni Mommy Gail.

Pumihit ako sa kabila para makita ko ang pintuan na kung saan siya'y nakatayo. Nang makompirma ko ang Step-mom ko nga ang nanduon, dahan-dahan kong sinandal ang aking sarili sa headboard.

"Pasensya na po, masakit kasi ulo ko kaya ginusto ko na lang na magpahinga," mahina kong saad. Umupo siya sa tabi ko. "Tinatawag po ba nila ako?"

Umiling naman siya na nakangiti. "Nag-alala lang ako sa 'yo," sagot niya. Sinuklayan niya ang mahaba kong buhok gamit ang kanyang kamay at sunod na pinasandal ang ulo ko sa balikat niya. "Mamimiss mo ba kami kapag nasa Merila ka na?"

"First time ko pong mawawalay kay Daddy," malungkot kong tugon. "Mas nakakabuti narin ito na makita niyang makaya kong kumayod mag-isa. Dadating din naman ang panahon na.. dedepende na lang ako sa aking sarili. 'Yung disappointment na ipapakita ko rito sa pamilya ay ang kinatatakot ko. 'Wag lang sana na dumating ang pagkakataon na pagsisihan ko ang lahat ng aking desisyon."

"Hindi mangyayari 'yan." Simulan niyang himasin ang kabilang side ng buhok ko. "Panatilihin mong maging matatag at isipin na kaya mo. Marami kang opportunity sa labas. Kahit gaano ka pa kalayo sa amin, nandito lang kami ng Daddy mo, sumusuporta para sa 'yo. Kung alam mong 'di mo na kaya mag-isa, meron ka namang mauuwian," malugod niyang saad. Nilapit ko pa ng bahagya ang aking katawan sa kanya.

"I wish nakikita ni Mommy kung papaano ko sinusunod ang mga habilin niya. Ngayon ko lang naiintindihan ang lahat.. kung kelan wala na siya."

"Masaya ang Mommy mo kahit pa noong nandyan pa siya sa tabi mo." Pag-comfort niya habang nakayakap na sa akin. Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya sa akin ito. "Kayo ang pinaka-da-best na regalong binigay ng Diyos sa amin. Kaya kung iisipin mo na nagsisisi siya na naging anak kayo, doon kayo nagkakamali."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Twisted Sorrow (Tagalog Edition){ONGOING}[THE HEART WREAKER SERIES PART ONE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon