Malakas ang ulan noon at baha na ang daan patungo sa university.
Ano mang oras ay maari nang suspendihin ang pasok sa mga paaralan subalit nag pumilit pa rin si Diana na pumasok. Ayaw kasi ni Diana umabsent.
Kahit puyat man o may sakit, pipilitin pa din niyang makapasok.
Importante ang araw na ito kay Diana dahil ngayon ilalabas ang announcement kung anong section ang makakasama ng klase nila sa subject na Community Health Nursing.
Nagtitipid ang university kaya kailangan pagsamahin ang ilang sections, partikular na ang mga subjects na kakaunyi lang ang nag-eenroll.
Buti na lang at wash day ngayon at hindi nila kailangang magsuot ng puting nursing uniform na hassle kapag ganitong bumabagyo. Parusa ito sa pagbabiyahe at lalo na sa paglalaba.
Diana's comfortable sa kanyang get-up ngayon. Ito ang kanyang usual na porma na sumasalamin sa kanyang kasimplehan at kagandahan. Naka-plain dark blue collared shirt siya at skinny jeans. Dahil maulan ngayon, minabuti niya ring mag-tsinelas na lang.
Pagdating niya sa paaralan, nakita niya ang classmate at kaibigan na si Janela sa second floor hallway ng School of Nursing. Hindi mapigil ni Diana ang maitim niyang balak na gulatin ang kaibigan na tila abala sa pagpapahaba ng leeg sa kakadungaw sa balkonahe ng naturang palapag.
Marahan siyang pumunta sa likod nito at biglaang hinawakan sa braso ang kaibigan.
"Uy!" Sigaw ni Diana.
"Ay pooops!" Sigaw ni Janela na namula ang mga pisngi sa nerbiyos.
"Ikaw pala, girl! Walang hiya ka talaga. Muntik na akong mahulog ay ma-orthopedic sayo!" tugon niyo na humahangos pa sa pagkabigla.
Bigla niyang kinurot si Diana. "Umakyat na yata lahat ng dugo ko sa ulo ko, bruha ka!" "Ang arte mo naman! Nasa second floor lang tayo, noh! Baka nga 'di pa magkandalasug-lasog ang buto mo sa taas na yan! Sa kapal ng balat mo, malabo mangyari 'yon! Maybe galos lang ang gamit mo nun, friend!" patawang dugtong ng chinitang kaibigan.
"Ano ba kasi ang tinitignan mo diyan?" usisa ni Diana. "Hindi ano. SINO! At sino pa ba?" Sabay turo ni Janela sa lalaking naglalakad sa gitna ng quadrangle, "Eh di, si Marc. Ang gwapo talaga niya!"
Sa malambing na pagsasalarawan nito, kasunod ng pagpipilantik ng kanyang mga mata ay bistong-bisto na may crush siya sa binata.
Sunundan ni Diana ang direksyon ng tingin ni Janela. Nang makita niya ang tinutukoy nito ay 'di na rin niyang napigilang sundan ang tingin si Marc. Maya-maya pa ay nagsalubong na ang kanyang mga kilay.
"Ah, siya ba?" malamyang tugo ni Diana.
Mahina ang dating ni Marc para sa kanya. "Sure, gwapo ito at kilalang matalino at talented," sabi ni Diana sa sarili, "pero hambog at suplado naman."
"Gwapo nga, pero hanggang doon na lang siya," dagdag pa ng dalaga. "Kita mo, ni hindi man lang magpasukob! Eh; ang laki-laki ng dala niyang payong? Kasya pa nga ang dalawa doon, eh."
Nadugtungan pa ng ibang negative observation ito ni Diana, "Oh, kita mo? Binunggo pa niya yung lalaki! Kita na nga niyang basang-basa na nga yung tao sa ulan, eh." Kahit may halong inis ang tinig ng dalaga, malumanay pa rin ang boses nito. Ito ay natural sa kanya.
"Aba! Kasalanan naman nung lalaki, ano? Ba't 'di siya nagdala ng sarili niyang payong? Haharang-harang pa siya sa daan. Saan ka pa? Sa basang sisiw or sa poging boy scout? Tabi ka nga diyan. 'Di pa ako tapos mag-sightseeing," pagtatanggol ni Janela sa crush niya. "Ibang klase ka talaga, Diana. Inosente kang tignan pero weird ka rin, eh." patama ni Janela kay Diana.
"Una, hindi ka umaabsent kahit kaming lahat ay nananalangin nang ma-suspend na ang mga klase kahit na umaambon pa lang. Pangalawa, ikaw lang ang babae sa buong school na hindi kinikilig kahit na nasa harap mo na si Marc." Umiling si Janela upang iexaggerate ang kanyang puna.
"Eh, bakit ikaw? Pumasok ka rin naman ngayon, ah?" tugon naman ni Diana.
"Kasi, friend, according to PAGASA, ngayon daw papasok ang malakas na bagyong si Marc! Therefore, bawal magka sakit at bawal din mag-absent. Otherwise, pa'no ko namang mararamdaman ang forecast na 'yon, noh?!" pabirong paliwanag ng kinikilig pa ring si Janela.
"Kung ako weird, ikaw naman hopeless! Grabe ka! Hopeless ka dahil crush mo 'yang ganyang tipo ng lalaki!" Nanlaki ang singkit na mata ni Diana. "Hambog at ubod ng sungit yan, noh. For sure, uuwing luhaan ka lang dyan, sis. Sasaktan ka lang nyan!"
Ambang ipagtatanggol pa ni Janela ang crush nito, subalit hindi na nakipagdiskusyon pa si Diana.
Hinatak niya sa braso ang kaibigan papunta sa fourth floor. Alam din ni Diana na excited si Janela na makita ang nakapaskil sa bulletin board doon.
Sapilitang sumama si Janela pero tuloy pa rin ang paglingon-lingon niya kay Marc.
Habang paakyat sa hagdanan tuloy pa din ang asaran at hagikgikan ng magkaibigan.
"Weird!"
"Hopeless!"
Paulit-ulit na biruan nila kasunod ng malakas nilang tawanan.
BINABASA MO ANG
I like you to love me
RomanceHe finally closed his eyes in resignation as he visualized every detail of her face. For the first time in his life, Marc felt so alone. Ngunit napangiti lang siya sa kanyang panghihina. Magaan ang kanyang pakiramdam. "okay lang kahit wala na sila...