It was the first day of the new class grouping.
Pumasok si Diana expecting the worst kaya't ganun na lamang ang hatak nya sa mga paa papasok sa paaralan.
Magdamag syang nag isip ng iba't ibang strategy para makaiwas kay Marc.
"Matangkad sya, so siguro sa likod sya papaupuin.Buti nalang." Unti unti na nya nakikita ang silver lining.
"Siguro lagi syang magpapa-excuse sa klase dahil sa mga practice para sa mga darating na games at kung may choir events sila. Tiyak naman na marami-rami rin 'yon. Kahit feeling superhero sya, wala naman syang supernatural powers, so siguro magkakasakit din iyon o kaya ay mababalian sa basketball. Syempre, pag napilay sya, hindi sya papasok. Sa madaling salita, 'di ko naman talaga sya makikita ng madalas sa klase. Tama si Prof. Guevarra. Malamang maging okay na rin kung madalas naman syang wala sa klase."
Umangat ng bahagya ang loob ng dalaga sa mga naisip na anti-Marc scenarios.
Ilang hakbang pa lamang mula sa pintuan ng classroom ay napansin na ni Diana si Marc.
Kahit nakaupo ito, hindi maaring hindi sya makita dahil sa mahaba nyang torso na karaniwan sa mga varsity players na tulad nya.
"Oh well. The saga begins,"nag cross ng fingers ang dalaga bago naupo sa pinakamalayong upuan kay Marc.
Bandang kalagitnaan na ng session ay wala na ring "insidenteng" nangyari at patuloy na naging maayos at normal naman ang klase.
Inaasahan ni Diana na magiging pain in the neck lang si Marc sa discussioms, pero taliwas ang nangyari.
Naging tahimik lang si Marc at abala sa pagsusulat sa notebook. Inaappreciate na ni Diana na tiyak na maya-maya lang, may sisingit na para magmagaling sa bandang last row.
Pero wala syang narinig.
Tuwing magkakaroon ng tanong ang professor na humihingi ng opinyon ng mga kaklase, para dama na agad ni Diana ang anino ng nagtataas na kamay ni Marc. Pero hindi naman nangyari iyon.
Ilang minuto na lang at matatapos na ang unang araw ng merged class. Tila nasa bingit na ng pagkamangha si Diana na marunong din palang makinig at magparaya ang binata na kinaiinisan.
BINABASA MO ANG
I like you to love me
RomanceHe finally closed his eyes in resignation as he visualized every detail of her face. For the first time in his life, Marc felt so alone. Ngunit napangiti lang siya sa kanyang panghihina. Magaan ang kanyang pakiramdam. "okay lang kahit wala na sila...