Kabanata 3

34 1 0
                                    

Ikinagulat at ikinainis ni Diana Pamintuan; nang malaman niya ang balita na sa section A sila mapapahalo. Hiling kasi ng karamihan sa klase nila na sa section F sana sila maisama subalit sa ibang section sila na-intergrate ayon sa nakapaskil sa announcement.

Ang ibig sabihin nito ay magiging kaklase niya si Marc Leviste; ang kaisa-isang lalaking kinaiinisan niya kahit na inlove na inlove ang buong female population ng eskwelahan dito.

Kumukulo ang dugo ni Diana sa tuwing makikita niya si Marc, o kahit mabanggit man lang ang pangalan nito.

Dalawang katangian lang ang laging dumadapo sa isipan ng mga tao sa tuwing maririnig nila ang pangalang Marc Leviste; ito ang kanyang pagiging gwapo at ang kanyang pagiging matalino. Kung tutuusin ay okay na okay na sana kay Marc iyon dalawang iyon. Kanino ba naman hindi?

The problem is nakakabit sa mga katangian na iyon ang ikatlo na siya namang kabaliktaran ng nauunag dalawa at kadalasa'y hindi na pinapansin ng iba: ang pagiging masungit ni Marc.

Bulag ang karamihan sa hindi magandang ugali na ito ni Marc. Para sa kanila, may maipagmamalaki naman kasi si Marck kaya may karapatan itong umasta ng ganon.

Di kaila sa buong eskwelahan ang pagkakaroon ng celebrity status ni Marc.

In fact, siya ang may hawak ng mga titulong "campus crush", " heartthrob" at "his royal hotness." Matipuno siya at maamo ang mukha. Natutunaw ang mga kolehiyala kapag natitigan sila ng mapang-akit at mapungay na mga mata nito.

Bukod sa nakakainggit na physical attributes ni Marc, siya ay consistent dean's lister din.

His only flaw, which really doesn't really bother him, is that he's a snob.

Bale wala sa kanya ang lahat ng atensyon na ipinupukol ng mga babae sa paaralan. Insensitive siya sa pakiramdam ng iba at ang mahalaga lang sa kanya ay ang kanyang sariling opinyon.

Sa totoo lang, angat naman talaga siya sa iba.

Ito ang litrato ng binata na naipinta na sa isipan ng lahat na nakakakilala sa kanya. Ngunit totoo nga ba na ito ang tunay na pagkatao ni Marc Leviste? Sino nga ba talaga si Marc Leviste?

Kung tutuusin, hindi naman talaga suplado si Marc noong bata pa siya. Ngunit nangyari ang dahan-dahang pagbabago sa kanyang noong siya ay nasa elementary na kung saan ay ipinahiya siya sa isang mas nakakatandang estudyante.

Madalas masangkot si Marc sa ganitong klaseng diskusyon pero kadalasa'y hinahayaan niya na lang na ang huling salita ay manggagaling sa kalaban niya. At the end of the day, alam naman niya na tama siya.

Pero kakaiba ang nangyari noong araw na iyon. Alam ni Marc na may punto siya ngunit ayaw niyang idiin ang nakakatandang bata dahil baka mapahiya ito. Nang biglang tumahimik si Marc sa kalagitnaan ng mainit na diskusyon, inakala ng kalaban niya at ng mga nanunuod sa palitan nila na sumuko na si Marc. Sa maling pag-aakala na nanalo na ang mas nakakatandang bata, minaliit niya si Marc at tinawag na "bolero" at maingay lang ito at wala naman talagang alam.

Nandilim ang paningin ni Marc kaya marahan niyang sinabi ang kanyang punto, pointing out slowly as if he's talking to a younger kid lahat ng mali sa argumento ng katunggali.

After ten minutes natahimik ang lahat. Kitang-kita nila ang punta ni Marc at ang kamalian naman ng isa. Biglang tumigas ang puso ni Marc.

Nakaramdam siya ng kakaibang lakas. Nilibot ng mata niya ang paligid at isa-isa niyang tinitigan sa mata ang mga tumawa sa kanya. Nauna nang yumuko ay ang nakakalaban niya.

"Sorry pero gano'n talaga," sabi ni Marc sa sarili. "Ano ang magagawa ko kung talo kayo?"

May kalungkutan na naramdaman si Marc dahil ayaw niyang makasakit ngunit pakiramdam niya ay kailangang maging suplado para huwag siyang itulak basta-basta ng ibang tao. Mula noon, nag iba na si Marc.

I like you to love meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon